Ako at si Prinsipe Yago
AiTenshi
Part 8
"Master Ned, malaki ang epekto ng media at telebisyon sa kaharian. Dito natin nakukuha ang pag mamahal at suporta ng tao. Mas mabuti ang napapanood nila tungkol sa atin ay mas lalo nila tayong kalulugdan. Katulad na lamang ng ipapakita nating samahan niyo ni Prinsipe Yago, isang perpektong samahan ng dalawang lalaking nag mamahal. Tiyak na hahangaan kayo ng publiko dahil mas pinatutunayan ninyo na walang mukha ang pag ibig." ang paliwanag ni Mr. Felix
"Kaya kailangan naming mag panggap na sweet at nag mamahalan sa harap nila? Pero sa reyalidad ay daig pa namin ang mag kaaway." tugon ko.
"Para ito sa kaharian at buong palasyo master. Para repustasyon ng hari. Kailangan mapatunayan natin na tama ang kanyang naging desisyon." tugon rin ni Mr. Felix, samantalang ako naman ay napabuntong hininga nalang at napatanaw sa magandang lawa sa paligid ng palasyo.
Mabilis lumipas ang mga araw, at ngayon ay dumating na ang takdang oras ng pag harap namin ni Yago sa publiko upang ipakita kung gaano ka lalim ang aming samahan bilang mag karelasyon. Alam namin na umaasa ang mga manonood na masaya kaming nag mamahalan bilang itinakda sa isat isa. At ang malaking pag kukunwaring ito ay mag sisimula na sa loob ng ilang sandali.
Dumating kami ni Yago sa venue ng interview sakay ng iisang sasakyan at tulad nga ng napag usapan pag baba palang namin ng karwahe ay mag kahawak na kami ng kamay at ipapakita sa tao kung gaano kami kasaya. Nakasuot ako ng kulay puting v neck na damit at tinernuhan ito ng kulay itim na leather pants at leather na jacket siyempre pinag gwapo ako ng husto upang hindi maging alangan kay Prinsipe Yago na nakasuot ng kulay itim na fitted na damit at kulay puting pants na kumakapit sa kanyang magandang hita at binti. Napaka simple lamang ni Yago ngunit halatang iwan pa rin ako dahil sa taglay na kagwapuhan nito.
Sa dressing room palang ay tahimik na kaming dalawa. Si Yago binabasa ang script, ako naman at hindi mawari kung anong mararamdaman. Unang pag kakataon na lalabas ako sa telebisyon at tiyak na mapapanood ako sa himpilan ng mga alipin kung saan ako nag mula. Tiyak na sasabihin nilang "isa akong swerte nilalang dahil nakaahon ako sa sumpa ng pagiging alipin!"
Noong lumabas kami ay hindi na mag kamayaw ang mga tao dahil ang lahat ay gustong kumamay at lapitan kami. Syempre naiilang ako dahil hindi naman ganito ang nakagisnan kong buhay kaibahan kay Yago na talaga namang sanay na sanay humarap at makisama sa publiko. Medyo nahirapan kami pumasok sa venue dahil sa sobrang dami ng naka abang na tao kaya naman nag karoon ng konti delay sa telecast ng programa.
HOST: Ngayon, ikina gagalak kong ipakilala sa inyo ang isa sa pinaka mainit at pinag uusapang tambalan ng taon. Sila Prinsipe Yago at ang kanyang Kapareha na si Ned!! Live!!
Lalong nag wala ang mga tao noong lumabas kami ng entablado. At tulad nga ng napag usapan, una akong papaupuin ni Yago at aalalayan na parang isang babae dahilan para lalong mag wala ang mga taong manonood. Ang arte ni Yago kapani paniwala at talagang parang nawala ang ugaling tigre sa kanyang pag katao noong mga sandaling iyon.
HOST: Wow talaga namang napaka gentleman ng ating Prinsipe Yago. Pati ako ay kinikilig dito sa entablado.
Ngumiti si Yago at sumagot "Hindi naman, nakasanay ko lang kasi na alagaan itong fiancee ko kaya hanggang dito nadadala ko ito. Ang turo sa akin ng ama kong hari ay mahalin ko ang aking magiging asawa." ang natatawang pag kakasabi nito na parang makatotohanan talaga kaya nadala nya ang mga tao at muling nag hiyawan ito.
HOST: Wew! Grabe! Nakaka kilig kayong dalawa. Anyway umpisahan natin ang tanong. Ang aking unang katanungan: Hindi ba kayo nabigla o nag alangan noong malaman nyo na lalaki pala ang inyong makakaisang dibdib? Anong naging reaksyon nyo?
Unang Sumagot si Yago "Noong una, medyo nakaramdam ako ng kaba dahil hindi naman ako bakla at wala naman talaga sa loob ko ang mag asawa ng lalaki. Ngunit noong makita ko si Ned ay unti unting nahulog ang loob ko sa kanya dahil napaka bait nya at maalaga pa. Kaya naisip ko na swerte na rin ako dahil dumating siya sa buhay ko. Sa umaga kapag gigising ako ay gumaganda ang araw ko dahil siya agad yung nakikita ko."
Nag hiyawan nanaman ang mga tao..
HOST: Wow, iba talaga nagagawa ng taong mabait at mapag mahal hindi ba Master Ned? Pero anyway balita ko ay maalaga din daw si Prinsipe Yago at ayaw ka daw nito padapuan sa kahit na anong insekto. Totoo ba ito?
Sumagot ako "Ah e oo naman, sobrang maalaga si Yago sa akin, kapag dumarating ako galing sa tutorial class ko ay naka abang na agad ito sa bulwagan ng palasyo at pinag hahanda ako ng makakain. Sa gabi naman bago kami matulog ay lagi nya kong niyayakap at hinahalikan. Ang ayoko lang talaga yung isinusubsob niya ako sa chest niya kasi sobrang nakaka suffocate."
"Kasi sobrang cute mo at ang sarap mong yakapin." ang natatawang wika ni Yago.
Nag katinginan kami at nag tawanan..
Pero kaplastikan lang iyon.
HOST: ang ibig mong sabihin mag kasama na kayo ni Prinsipe Yago sa isang silid at mag katabing natutulog?
"Opo, gusto kasi ni Yago na lagi kaming mag kasama. Ewan ko ba naman dito ayaw na ayaw akong nawawaglit sa mga mata nya." ang sagot ko dahilan para lalong mag wala ang mga tao sa paligid.
HOST: ikaw naman prinsipe Yago, ano naman ang ginagawa mo para pakiligin ito si Ned?
"Hmmm, ang hirap ng tanong. Bukod sa paliligo namin ng mag kasabay, lagi ko rin itong kinakantahan at hinaharana ng magagandang awitin. Doon ko kasi naipaparamdam sa kanya kung gaano ako kaswerte dahil dumating siya sa buhay ko" ang pag sisinungaling nito pero muli ay paniwalang paniwala nanaman sa kanya ang mga tao
"SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE!! sigaw ng mga tao
HOST: oh paano ba yan Prinsipe Yago, hinihingan ka ng sample ng mga audience natin.
Natawa si Yago at kinuha nito ang mikropono "Sure! Iyon lang pala."
Hinawakan nito ang aking kamay at lumakad kami sa gitna ng entablado kasabay ang pag tutog ng isang musika na kanyang aawitin.
If I could choose to live my life
There'll be no ifs to say
If I would choose to hold your hand
There'll be no words to say
Without thought, without pride
Leave the things that seem to weaken us
Without fear, leave your lies
Let the magic turn your life around
If I would choose to touch you there
Will you touch me there too?
And if you choose to stay with me
I'll spend my life with you
Without thought, without pride
Leave the things that seem to weaken us
Without fear, leave your lies
Let the magic turn your life around
Isang masigabong palakpakan ang iginawad sa amin ng mga manonood. "More! More! More!" ang muling hirit ng mga ito at muli kaming alay ng isa pang kanta.
We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine
Now you wanna be free
So I'm letting you fly
'Cause I know in my heart babe
Our love will never die, no
You'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Boy don't you know you can't escape me?
Ooh darling 'cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling 'cause you'll always be my baby
"Kiss! Kiss!" ang request ng mga manonood pag katapos naming kumanta.
HOST: Paano ba yan Prinsipe Yago at Master Ned, mukha nag rerequest nanaman ang ating mga Live audience.
"Kiss! Kiss! Kiss!!"
Lalong bumilis ang t***k ng aking puso dahilan para mag pawisan ako ng malamig, wala naman sa script na mag hahalikan kami sa harap ng maraming tao. Habang nasa ganoong pag iisip ako, palihim akong sumulyap kay Yago at naka ngiti lamang ito habang kumakaway sa mga tao. "Ano kayang iniisip ng taong ito? Nag iisip rin kaya siya kung hahalikan nya ako o hindi?" tanong ko sa aking sarili
Habang nasa ganoong pag iisip ako, bigla humarap si Yago sa akin at walang ano ano’y hinalikan ako nito sa labi, labis ko itong kinagulat. Wari’y naka suspended animation ang paligid dahilan para mawalan ako ng focus, wala rin akong marinig kundi ang t***k ng aking puso. Hindi ko akalain na hahalikan ako ni Yago para lang ipakita ang kasinungalingan na dapat nilang paniwalaan. Isang malaking kasinungalingan na muntik ko na rin paniwalaan...
Habang mag kasugpong ang aming labi, ramdam na ramdam ko ang init at bango ng kanyang hininga. Ibang klaseng pakiramdam na parang lumulutang ako sa kawalan. Marahan kong iginapang ang aking kamay sa kanyang bewang at panandilian kong ninamnam ang sarap na dulot ng kanyang halik. Ito ang unang beses na nahalikan ang aking labi at kahit lalaki pa ang aking unang halik hindi ko pa rin maiwasang madala sa sarap na dulot nito.
"Bakit ba ako nasasarapan, hindi naman ako bakla? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko?" tanong ko sa aking sarili
Nasa ganoong pag iisip ako ng biglang bumitiw ito sa pag halik at muling humarap sa mga tao para kumaway na parang isang artista. At katulad nga ng inaasahan, halos magiba ang venue sa lakas ng hiyawan ng mga manonood.
HOST: Yey!!! Ang sweet!!! Wala na talaga akong masabi pinakilig nyo ang buong bansa!!"
Tuloy pa rin ang hiyawan ng mga manonood habang ako naman ay tulalang napako sa aking kinatatayuan na parang isang tuod. Ang akala ko ay tapos na ang pasabog ni Yago sa mga tao ngunit hindi pa pala dahil matapos nya akong halikan, muli naman itong lumapit sa akin na may dalang isang kumpol na pulang rosas sabay sabing "Para sayo mahal ko" at nag bitiw ito ng isang nakakabighaning ngiti sa akin
Hindi ko tuloy maisalarawan ang aking nararamdaman noong mga sandaling iyon, alam kong kasinungalingan lamang ito ngunit bakit ako natutuwa? Alam kong pakitang tao lamang namin ang pag mamahalang ito ngunit bakit parang totoo sa kanya? Ginagawa ba ni Yago ito para saktan ako o ipamukha sa akin ang kasinungalingang kahit kailan ay hindi ko mararanasan?
Kinuha ko ang kumpol na rosas at nag bitiw ng isang pekeng ngiti sa kanya "S-salamat"
Muling nag hiyawan ang mga taong manonood...
HOST: Thank you very much Prinsipe Yago at Master Ned sa pagiging sports! Ang sarap mainlove! Sana ay tumagal pa ang inyong pag mamahalan, hangad namin ang inyong kaligayahan!!
Bandang hapon na noong natapos ang programa. Agad kaming nag tungo sa dressing room upang mag palit ng damit. Dagsa rin ang kumakatok sa aming silid upang mag abot ng bulaklak para sa akin. "Ang gwapo mo sa telebisyon master Ned, bagay na bagay sayo ang iyong kasuotan" pag bati ni Mr. Felix habang inaayos ang mga gamit.
"Bilisan ninyong mag ayos ng gamit dahil gusto ko na umalis sa lugar na ito. Yung mga bulaklak na iyan ay isakay nyo nalang sa ibang sasakyan dahil ayoko ng masikip" utos ni Yago habang inaabot sa kanyang alalay ang kanyang mga gamit.
"Masusunod po Prinsipe Yago" ang sagot ng mga ito
"Nga pala Ned, wala naman nang mga media sa paligid, doon kana sumakay sa ibang sasakyan. At wag mo sana isipin na totoo lahat ng pinakita ko sayo dahil sinunod ko lang script na ibinigay sa akin. Gusto kong malaman mo na labag sa loob kong halikan ka at nandidiri pa rin ako hanggang ngayon!" ang wika ni Yago sa akin at mabilis nitong nilisan ang dressing room.
Hindi ko akalain na lalabas sa bibig ni Yago ang mga ganoong salita bagamat inaasahan ko na rin ito kahit papaano. Masakit ang mga salitang binitiwan nya sa aking harapan ngunit mas masakit na paniwalaan ko ang mga kasinungalingan na aming ginawa. Niloko ko na nga ang ibang tao, niloko pa rin ang aking sarili.
itutuloy...