KINABUKASAN tinawagan siya ng kapatid na si Jaden at nangangamusta sa kalagayan niya, dahil mula ng malaman nilang buntis siya ay hindi na lang din nag komento ang kapatid niya. Subalit alam niyang inaalala din siya nito, kaya naman nang araw ding iyon ay pinuntahan na niya ito sa Restaurant nito. Ipinaalam na din niya sa kapatid kung ano ang nangyari kahapon at kung sino ang ama ng magiging anak niya. At katulad ng Tita Jianne niya ay nagulat din ito, subalit naintindihan din siya nito at piniling hindi husgahan. Alam niyang karapatan din ng kanyang kapatid na malaman ang totoo. Naging malapit siya sa kapatid dahil ito mismo ang nagreach out sa kanya noon, kaya naman kahit pa parati silang nag-aasaran nito ay ramdam pa rin niya ang parating pagsuporta nito at lagi siyang iniintindi ng kap