HINDI inaasahan ni Denise ang magiging galit ng Daddy niya. She looks at Gian at bugbog sarado na ito kung hindi ito pa pinigilan ng mga gwardya nila ang Daddy niya. Inilayo muna ito sa kanila ng Tita Jia niya upang kalmahin ito. Habang hini-hinintay nila ang pagbabalik nito ay nagpatulong siya kay Manang Flor na linisan ang duguang mukha ni Gian mula sa suntok ng Daddy niya. "I'm okay Denise, don't worry about me kaya ko ito." Paniniguro ni Gian sa kanya dahil nanginginig pa rin ang kamay niya habang nilalagyan ng yelo ang mukha nito. "Bakit ka ba kasi hindi umiwas? Hindi ba naituro sa training ninyo iyon? Tignan mo tuloy ang nangyari sa iyo..." Nag-aalalang sabi niya rito. "I can, but I didn't do it, dahil deserve ko itong tanggapin mula sa Daddy mo. Tama naman kasi si Tito, sinira