"IT'S NICE MEETING you Mr. Jung. We'll see you on our wedding." Sambit ni Gian ng nasa labas na silang tatlo ng Coffee shop. "Sure, no problem. We'll see you on our next meeting Denise. Take care." He answered and shook their hands again. Kinawayan din niya ito at tuluyan na nagpaalam sa kanila. Inalalayan siya ni Gian hanggang sa makasakay siya sa kotse nito. Hindi umimik si Gian habang pauwi na sila ngunit hindi mawala ang malapad na ngiti nito. "Hoy kapre anong nginingiti ngiti mo diyan?" Hindi niya mapigilang tanong dahil hindi maalis ang malapad na ngiti nito. "What? I'm just happy." He said grinning at napakagat labi pa na tila pinipigilan ang sariling matawa. Alam niya kung bakit ito umaakto ng ganoon, ito ay dahil sa nabanggit niya kay Carl na planong pagpapakasal niya. Hindi r