SINCE that day their friendship reunites again. Kahit na nga nagsimula na siyang magwork under DV Cars Incorporated na pagmamay-ari ng kanyang ama.
While Gian chose to work in their family business which is a private security company. Busy din ito, but he's never be busy when he wanted to be with his woman.
Iyon ang kwento sakanya ng Mama mismo nito. Wala kasi siyang masyadong kaibigan dito sa Pilipinas at tanging mga aquintances lamang at hindi sya ganoon nakikisama na lumabas kasama ang mga ito.
So, either it is with his brother or relatives and family friends lamang talaga ang napapakisamahan niya. Only those people who understands and never judged her.
Picky siya sa mga kinakaibigan lalo na kung alam ng mga ito ang family background niya.
Nakasundo niya ang magulang ni Gian dahil halos doon na rin siya lumaki and they all have a common prey. It is Gian Carlo Lopez.
Ang pikon kasi nito at ang bilis maasar. Kaya naman ito lagi ang pinagti-tripan nila.
Gian finished his criminology course with latin honors pero dahil sa ayaw daw nito sa magulong sistema sa gobyerno ay sa kompanya na lamang ng ama nagtraining at napiling magtrabaho.
And her half-brother Jaden really adores and idolized his best friend. Hinding hindi nito nilalaglag iyon, kaya nga everytime na magkukwento ito patungkol sa kaibigan niya noong nasa New York pa siya ay panay positibo lamang ang sinasabi nito.
Kaya naman kakampi niya ang Mommy Carla nito, whose very glad to see her again after four years nang minsan siyang isama ni Gian sa bahay ng mga magulang nito. Magiliw ang pagtrato sakanya ng ina nito, dahil halos ituring na rin siya nito bilang anak. Parang siya pa nga ang tunay na anak nito kung asikasuhin at ipagtanggol siya kumpara kay Gian na nag iisang anak lamang nito.
***
"DENISE, eat your breakfast first, and I packed some lunch in case hindi ka na naman makakain dahil sa busy mo sa trabaho." Paalala ng Tita Jia niya sakanya ng makita siya nito.
Nagpasalamat siya rito at hinalikan ito sa pisngi. Hindi na niya tatanggihan ang alok na pabaon nito kaysa mapagalitan na naman siya ng Daddy niya.
Ilang beses kasi siyang pinagalitan ng Daddy niya sa paglimot niyang kumain sa tamang oras, it is because she is eager to excell and do her best sa assigned position niya sa kompanya ay inaaral niya talaga nang mabuti ang mga kalakaran sa kompanya at tinatapos agad ang mga proposals niya para kung mayroong suggestions pa ay kaya pa niyang i-improve iyon sa tamang oras.
Dahil doon, nakakalimot siyang kumain at umuwi sa oras. She is too hardworking for a trainee! That is why her Dad is always on beastmode when it comes to her health.
Dalawang buwan palang siya sa trabaho pero binubugahan na siya ng apoy ng Daddy niya, not because of her work but because of her not so healthy lifestyle.
"Thanks po Tita! I really need it para hindi na po ako pagalitan ni Dad." natatawang sabi niya at hinagkan ito sa pisngi bago umupo at kumain na nang agahang inihanda nito sa kanila.
Inasikaso siya nito hanggang sa bumaba na rin ang Daddy niya upang sumabay na mag breakfast sa kanila. Her Dad hugs her Tita Jia and kissed her just like he always do everyday.
Her Daddy really loves this woman. And hindi niya masisisi ang Daddy niya kung bakit ito ang pinili nito kaysa sa Mommy Celine niya.
Tita Jia is perfect. She's beautiful inside and out. Her simplicity makes her more beautiful, and her humbleness and kindness is very rare for a woman who's born in a wealthy family.
You'll easily fall for her charm and smiles. And she also loves her. Tinanggap rin kasi siya nito at itinuring na para ring tunay na anak gaya half brother niyang si Jaden.
"Denise later may gagawin ka? Can we go for shopping or spa? " tanong nito sa kaniya.
Nag-isip siya if may lakad ba siya and good thing wala naman, so she agreed. Matagal na din mula ng magrelax siya kasama ito.
SABAY sila ng Daddy niya pagpasok sa trabaho at gaya ng nakasanayan nito ay napakarami muna itong ibinilin bago siya pakawalan.
"Aye aye Daddy. I can do it. Love you!" nakangising sabi niya sa Daddy niya at sumaludo pa dito.
Nauna na siya sa nakadestinong mesa at sinimulan ang trabaho. She focus herself in researching and improving her proposals for the next month.
Assigned kasi siya sa marketing department ng DV Cars. And her appreciation for cars lifts up too when she learns how their car company operates.
Kaya humanga nga siya sa mga desenyong ipinapakita sakanya at kung paano gawin ang mga iyon.
She already had some acquiantances at work kahit papaano, though andoon pa rin ang special treatment because she is the daughter of the company owner. Pero as much as possible, she doesn't want to address and treat her like that in the company.
Dahil alam niyang hindi siya mag go-grow kung parati siyang may matatanggap na special treatment.
While viewing some paper works her phone beep and it's a text messege from Gian.
From: Kapre
Are you free tonight? I'll fetch you.
She replied
No, I'm not available kapre! I have a date later.
From: Kapre
What? Who? Why? Where?
Napapailing nalang siya sa kakaibang kabaliwan ng kaibigan. Hindi niya na talaga ito ma-gets kung minsan.
Ang daming tanong naman. I'm busy.
Reply niya sa text nito at itinabi na muli ang phone saka nag focus sa naisang-tabing trabaho.
NAGULAT nalang si Denise ng dumating sa opisina niya si Gian at may dala pa itong pagkain.
"What are you doing here?"
"Hindi ka kasi sumasagot sa texts at calls ko. Kaya dumaan na ako since, nabobored ako doon sa opisina." simpleng sagot nito at ibinaba ang pagkain sa table niya.
Napatingin naman siya sa orasan at napailing. Lunch time na pala nakaligtaan na naman niya.
"Lunch time na pala. Hindi ko napansin ang oras sa sobrang hooked ko sa research ko." Natatawang sabi niya at inilabas ang baon niyang lunch.
"I will always remind you then. Ang payat payat mo na nga nagpapalipas ka pa ng gutom. Tignan mo nga, para kanang kalansay. Here eat this." Inalapit nito sakanya ang dala nitong steak mula sa isang kilalang restaurant.
"Ang sexy ko kaya. Tita Jia also prepared pack lunch for me." she replied at tinanggap naman niya ang pagkain na bigay nito.
"Here, I also bought milk tea." sambit ni Gian sakanya at iniabot ang milk tea.
"Nah... Take it, hindi ako fan ng milk tea." nakangiwi niyang sabi. Everytime kasi na umiinom siya ng kahit anong tea ay para siya laging nasusuka.
"Why? On f*******: usong uso ito. Sabi doon ang mga babae adik sa milk tea." nakakunot na sabi nito.
"Sila siguro, but not me."
"You're different." komento nito.
"Yes I am." she said habang busy sa pag kain ng baon niya. Panigurado kasing lagot na naman siya sa Daddy niya kapag hindi niya naubos ang pagkain niya.
"Where are you going later?" nanunuring sabi ni Gian sa kaniya. He's just sipping his milk tea habang pinagmamasdan siyang kumain.
"Shopping with Tita Jia.. By the way, Kumain ka na ba?" tanong niya nang makitang nakatingin lang ito sa kaniya at hindi kumakain. Umiling naman si Gian kaya naman kumuha siya ng pagkain at isinubo dito.
"You bring this food here, so finish it. Huwag kang magsayang ng pagkain kapre. Maraming bata ang hindi nakakain sa mundo." panenermon niya dito. Nagulat man ito sa ginawa niya ay kinain din naman nito iyon.
"Kapag ba kinain ko iyan lahat mabubusog sila?" depensa naman nito na ikinakunot ng noo niya.
"Nako Gian Carlo. Wala ka talagang kaalam alam sa buhay. Ang alam mo lang ay lumandi! You don't know how hard to earn money just to buy food? And you even buy this expensive one! Porket hindi mo pinaghihirapan ay hindi mo na pinapahalagahan!" Naiinis na sermon niya sa kaibigan.
"Bakit galit ka naman? Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko. Mga tamad kasi sila kaya sila naghihirap!" Pangangatwiran nito na lalong ikinainis ni Denise.
"You rascal! It's not their fault that they were born poor! Get out. You're making my blood boil." inis na sabi niya dito at natawa pa talaga ito na lalong ikinainis niya.
"Now we are even. Alam kong sa usapang ganito ikaw ang nagiging pikon. See you later baby. Finish your food, para hindi masayang." nakangising sabi nito at mabilis na hinalikan ang pisngi niya bago nagtatakbo palayo sa kaniya.
Dahil nakakulong siya sa mesa niya ay hindi niya nahabol ito kaya lalo siyang nanggigil sa inis.
"You animal!" gigil na gigil niyang sabi ng paalis na ito sa opisina niya.
DENISE enjoys her job, napaka challenging lagi kahit nakaka-stress ito kung minsan. Kaya naman minsan sa isang buwan ay nagtatravel siya gaya ng nakasanayan niya noong kolehiyo pa siya.
She did it solo, but this time ang makulit na si Gian ay nagpupumilit sumama. Kaya naman nakaisip siya ng ideya upang takasan ito.
Usapan kasi nila kagabi ay alas singko ng umaga sila aalis, ngunit nakahanda na talaga ang gamit niya para aalis siya ng bahay nila dalawang oras nang mas maaga sa naging usapan nila.
Alas tres palang ng umaga ay dala na niya ang mga gamit pababa at ilalagay sa kotse niya.
Gayon na lamang ang laking gulat niya nang makita na nasa labas na pala ng gate si Gian at hinihintay siya. She doble check the time and it's 3:18 am pa lamang. Pero bakit nasa labas na ito?
"Excited ka din pangit? Kaya ang aga mong aalis?" mapamuksong sabi nito. Napasimangot naman siya dahil mukhang nakahalata ito sa plano niyang pag-iwan dito.
"Or should I say, ang aga mo akong takasan?" Nilapitan siya nito at iniayos ang hoodie na suot saka pinunasan ang pawis niya dahil nakailang balik din siya sa kwarto upang buhatin pababa ang gamit niya.
"Bakit ba kasi gustong gusto mong sumama? I want to do it alone kapre!" inis niyang sabi.
"Naipaliwanag ko na Denise Andrea De Vera. Delikado na panahon ngayon. It is not safe for you to travel alone at bundok pa ang gusto mo ngayon? Kakayanin ba ng puso mo? Niyang tuhod mo?" sunod sunod na sabi nito. Magsasalita pa sana siya ng takpan nito ang bibig niya gamit ang daliri nito at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ayoko lang na mag-alala sayo kaya gusto kong makasigurong ligtas ka. Pero kung gusto mo mapag-isa, then I will not bother you. Pero sasama pa rin ako. Taga-bantay mo secretly." He patiently explained. Para na itong Daddy niya kung magsermon sa kaniya.
"But it's still the same!"
"Still not convince? Okay I will just tell Tito Daryll that you'll go to Mt. Pulag. One of the highest mountain in the Philippines! " nakangising sabi nito nang magtangkang pumasok sa bahay nila kaya nataranta siya bigla at pinigilan ito.
"Wait! Don't! Here. This is my key you will drive." Nagmamadali niyang sabi at ibinigay dito ang susi.
HABANG nasa byahe ay tahimik lang si Denise. At si Gian naman ay dinaig pa ang Daddy niya sa daming tanong na ikinairap niya.
"Did you bring your medicine? How about some pain relievers just in case na masaktan ka don. Did you also bring enough water? Or dadaan tayo para bumili?" Sunod sunod na tanong nito habang nagda-drive papunta sa destinasyon nila.
"Gian seriously, I'm okay... No need to worry I got this." she said confidently para makampante din ito.
"Ako kasi kinakabahan sayo sa totoo lang." natatawang sabi nito.
She don't get it why he is over protective to her now. Maybe her Dad told him, pero knowing this guy for almost fifteen years ay nakakapanibago lang ang inaakto nito.
They used to bully each other, but indirectly concerned with one another. Pero ngayon ay direktang sinasabi na nito na nag-aalala ito para sa kanya.
Maybe things change now. Hindi na sila mga bata ngayon at siguro ay isa iyon sa mga nagbago kay Gian. He's a total flirt at isa siguro iyon sa nakasanayan nitong iakto sa mga babae nito.
Nakarating sila sa isang hotel na tutuluyan nila at saglit na nagpahinga dahil pang over night naman ang ipinareserved nilang slot sa pag-akyat.
That afternoon ay nakarating na sila sa jumpstart ng Mt.Pulag at ini-orient muna sila bago pinayagang umakyat. Dala-dala lahat ni Gian ang gamit niya at tanging bag na naglalaman lamang ng tubig ang ipinadala nito sa kaniya.
"Kaya mo ba? I can help you." she offered dahil nakita niyang marami itong dala.
"Nakalimutan mo yata kung sino ako? It is a lot easier than my physical training before. So, chill and enjoy the view just like what you want." nakangiting sabi nito na ikinangiti niya rin. So, it is not that bad idea to let Gian tag along.
Nagsimula siyang mag jog sa trail at inunahan ito.
"And please be careful!" pahabol nitong sabi and nag-thumbs up siya rito at nagpatuloy sa pag-akyat.
Isang magandang bagay na nadevelop sa friendship nila ni Gian ay magkakainisan at pikunan sila ngunit hindi rin iyon nagtatagal. Dahil mas mahalaga ang pagkakaibigan nila kaysa sa mga naging tampuhan.
And Gian never stops what she wants. Kapag gusto niya, susuportahan lang siya nito at hindi pipigilan. Kahit nga minsan ay hindi ito aprubado ngunit gagawa ito parati ng paraan para sa kanya upang magawa niya iyon.
Just like now, he is not agree to her plan to hike Mt. Pulag but here they are walking and climbing to see the breathtaking view of God's creation.
=====
©Miss Elie