HINDI maipinta ang mukha ni Gian mula kaninang bumisita ang mga pinsan ni Jaden sa kanya. Naging tampulan kasi ito ng tukso ng mga nandoon dahil sa ginawa nilang prank kay Derick noon. "Hey, huwag ka na nga magalit diyan. Mapikon ka kapag totoo." Natatawang sabi niya dito. "Say that again and I will kiss you." Pagbabanta nito na ikinatawa niya. Tila nainis talaga ito dahil sa huli na ng aminin niyang siya ang may pakana ng pagtawag nito kay Derick. "Ang alin? That you are gay?" Pa-inosenteng sabi niya subalit nabahiran pa rin iyon ng pang-aasar dito. Akala niya ay magwa-walk out ito dahil sa pagkapikon sa kanya subalit gayon na lang ang pagkabigla niya ng tumayo si Gian sa kinauupuan nito at agad na tinawid ang pagitan nila. Nadamdaman na lamang niya ang mga labi nito sa labi niya.