NAKITA ni Denise ang pagkislap ng mata ni Gian at ang pagpipigil nito na mapaiyak. "I can't say that I love you the way you loved me, but those times that I am still unconscious. Ikaw ang iniisip ko para lumaban, kayo ng anak natin. Hiningi ko sa Diyos na bigyan pa niya ako ng pagkakataon na makasama kayo..." Pagkukwento niya. "I'm glad you fight... Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko na may mawala sa inyo ng anak natin." Sambit ni Gian at inilagay nito ang mga palad niya sa pisngi nito. Nginitian niya ito at kinamusta ang lagay ng anak nila. "I want to see Baby Gab..." Sambit niya. Tumango naman si Gian at ipinagpaalam siya sa nurse na naka-assign sa kanya kung maari nilang puntahan sa NICU ang baby nila. Pinayagan sila nito at inalalayan siya ni Gian pasakay sa wheelchair patun