"DOC kamusta po ang mag-ina ko?" Salubong kaagad ni Gian kay Dr. Cruz nang lumabas ito. Inabot na sila ng gabi at bakas sa mukha ng Doktor ang pagod. "As of now they are both stable. The baby will transfer into the incubator until he can breathe on his own and Denise will stay at the ICU for observation. They are both fighting, let's wait for Denise to wake up within 48 hours." Doon naman sila nakahinga ng maluwag at hindi niya mapigilan na mapaiyak dahil sa narinig mula sa Doktor nito. " T-thank you so much Doc." Sinubukan niyang itago ang pag-c***k ng boses niya subalit nahalata pa rin iyon. Pero wala na siyang pakielam pa kung ano ang isipin ng mga nandoon, Denise is his strength and also his weakness kaya hindi niya mapigilan ang mapaiyak sa kasiyahan na stable ang mag-ina niya.