GABI GABI na siyang sinusundo at inaayang mag dinner ni Gian at wala naman siyang gaanong problema doon, lalo at wala rin naman siyang ginagawa after work. "Wala ka na bang ibang babaeng makaladkad at ako nalang ang parati mong inaayang kumain?" Pang aasar niya kay Gian. Well, she's actually curious dahil ilang linggo na ay wala na siyang napapabalitang flings nito simula ng ayain siya nitong mag dinner. Pumapayag na rin naman siya since, Gian is her only friend to consider since nakabalik sya sa Pilipinas. Ang mga ka-workmates kasi niya ay nahihiya at naiilang pa rin na i-approach at isama siya dahil anak siya ng may-ari nang kompanya nila. May habit kasi ang kaibigan niyang si Gian na walang ganang kumain kapag walang kasabay. Hindi niya alam kung arte lang ba nito iyon o may kung