CHAPTER 6: Strive to be sucessful

2004 Words
DAHIL na-refresh muli at na-clear ang isipan ni Denise ay ganado na siyang muli na magtrabaho. Siya ang naka-assign upang i-present ang marketing plan na gagawin nila sa main branch ng DV Cars. Kasama niyang magpe-present ang iba't ibang marketing representatives from other branches ng DV Cars across the country to choose what's the best proposal to be used next year. It is solely for the Boards of Directors to decide. Pinag isipang mabuti ni Denise ang nais nilang i-present at ilang linggo nilang pinag handaan ng kanyang team iyon. Nape-pressure din siya because her Dad will be there too. And the day of the presentation comes. Inayos niyang mabuti ang gamit at dala din nila ang mga back ups nila kung sakaling magkaroon man ng aberya habang nasa kalagitnaan siya ng presentasyon. "CJ is every document ready?" She asked one of her staff. "Yes Ma'am. We triple checked everything and I also have here the back up file if ever na kailanganin po natin." Magalang nitong sabi. "Carla, how about the samples? Okay na din?" "Yes Ma'am everything is fine. And your water too. Good luck po." nakangiting sabi nito sa kanya. Nakahinga ng maluwag si Denise sa mga sinabi ng mga kasamahan niya. Now can solely focus on her presentation. "Thank you guys. I really appreciate all your patience to me especially on working at this proposal." pasasalamat niya sa mga ito. Siya na kasi ang boluntaryong mag pe-present ng malaking proposal na ito. Not because she didn't trust her employees, but because she wanted to proved that she can do it. Huminga nang malalim si Denise at inayos ang mga gamit niya, maging ang itsura niya. She wanted to look confident in front of them. At confident din naman siya sa nabuong proposal nila, sisiguraduhin niyang hindi masasayang ang kanilang pinaghirapan for almost two months. NAGPALAKPAKAN naman ang mga naroroon at nilapitan siya ng ilang mga boards saka kinamayan siya after her presentation. What she presented was timely and feasible not only for a short-term plan but can also run for a long-term project. And that amazes the boards. Proud naman na nakangiti sa kanya ang Daddy niya at hindi ito nag komento sa presentation niya kanina. Dahil ayaw niyang makaapekto ang opinyon nito sa harapan ng mga Board. Positibo man iyon or constructive criticism. Umupo na siya at naghintay kasama ang team niya nang announcements kung kailan ipapaalam ang resulta. "Congratulations Ma'am! Everyone was impressed with your proposal! Sana po talaga tayo ang mapili." sabi ni CJ sakanya na naka-assist sa kaniya kanina. "It is our proposal. Ako lang ang nag-present. And whatever the result will, I'm still proud of our team!" Ngayon siya naman ang nag-encouraged sa mga ito. They really work hard for this proposal pero hindi rin maitatanggi na magaganda rin ang proposal ng iba. Kaya ano man ang maging resulata niyon ay tatanggapin nila. Habang naghihintay ay nilapitan sila ni Mr. Lim at binati siya. "You are really Mr. De Vera's daughter. You inherited his intelligence. Hindi na kami mag aalala if one day your father will decide for his retirement, because he raise up a young and talented successor. You are just simply good. And everyone was just captured by your intelligence and creativity, let's hope for the positive result Miss de Vera." Sambit sa kanya ni Mr. Lim. Nagulat siya doon. Hindi naman niya pinangarap na maging tagapagmana ng kaniyang ama. Mas may karapatan  ang kapatid niyang si Jaden na pamahalaan ang DV Cars na itinaguyod ng pamilya ng kanyang ama. "I'm not that sure Mr. Lim, no one will ever beat my father. But thank you sir! I hope my connection with my father doesn't concern with the overall result. I want this to be fair and square to everyone who participated for the marketing proposal for DV Cars." Magalang niyang sabi na hindi ito ma-offend sa gusto niyang iparating. Ang trabaho niya sa kompanya ng kaniyang ama ay hindi maitatangging  malakas ang impluwensya ng Daddy niya sa mga ito. No one in DV Cars go against his father, not because he owned it, but because everyone trusted him. Mataas ang tingin ng lahat ng tao sa kanilang kompanya sa Daddy niya. She admires him for that. At ang maging anak nito ay sobrang nakakapressure dahil sa angking husay nito sa pamamahala, kaya hindi man niya kayang pantayan ang galing ng Daddy niya ay gusto pa rin niyang patunayan na hindi nagkamali ang Daddy niyang ipagkatiwala sa kanya ang posisyon niya. Sa kabila ng impluwensya ng Daddy niya ay mas pipiliin pa rin niyang maging patas, lalo na kung may mga kalaban siya. She wants to be known a person with integrity. "Of course... and that's what more I like. Thank you Miss de Vera and to your team. Great presentation." Iyon lang at nagpaalam na din ito sa kanila. Nagpasalamat din ang mga kasamahan niya dito. "Thank you guys for being such a big help for me. Sorry din kung sobrang dami kong nai-demand sa inyo, but this is just for our team. Kaya maraming salamat! Let's just hope for the positive result. But I love that we recieved those kind of good feedback." Natutuwang sabi niya sa mga kasamahan niya. "Naku Ma'am wala po iyon! At mukhang makukuha naman po natin itong project. Kaya let's celebrate!" Positibong sabi ni Connie. "Pass muna ako, but you all can go. Susunduin ako ng kapre mamaya. Kaya pasensya na muna kayo." pagtanggi niya sa mga kasamahan na humagikgik at tila kinikilig sinabi niya. "Ayieh! Kayo na ba Ma'am ni Mr. Lopez? Ayiiiieeeh! Bagay na bagay po talaga kayo!" Kilig na kilig na sabi ni Carla. "Hayan na naman kayo. We're just friends, at hindi ko papatulan iyong pangit na kapre na iyon!" kumpiyansang sabi niya. "Nagsalita ka na naman nang tapos. Tsk. Kapag ikaw talaga ay na-inlove sa kagwapuhan ko, nako! Who you ka sa akin!" Doon naman nagtilian ang mga kasama niya nang makita si Gian na nakasuot pa ng coat, dahil mukhang galing lang ito sa opisina nito. Inismiran niya lang ito at hindi kumibo. Noong nagpa-ulan kasi ang Diyos ng kayabangan ay sinalo na lahat nitong kapreng ito. "Sige po Ma'am una na po kami. Enjoy po kayo sa date ninyo ni Mr. Lopez!" napasimangot siya at nagpaalam na rin sa mga ito. "Bye girls..." Gian said and wink at them. Kilig na kilig na naman ang mga ito. Tsk. See? Gian is a total player. Sa dami yata nang babae nito ay hindi na niya matandaan ang huling bilang ng mga babaeng ipinapakilala sa kanya na halos linggo linggo na yata. Kaya siguro kahit magustuhan niya ito nang higit pa sa pagkakaibigan ay paniguradong pipigilan niya. Bukod sa mayabang na, ay babaero pa! Kaya nga noon pa man ay vocal siya na hanggang best friends lang sila. "Tayo na nga kapre." She said at nauna nang lumakad dito. "Wow! Ang bilis mo naman Miss! Hindi mo pa nga ako nililigawan gusto mo agad tayo na! Hindi ako cheap Miss. Ligawan mo muna ako!" Eksaheradong sabi nito na ikinakunot ng noo niya. "Anong pinagsasasabi mo diyan?" Nagtatakang tanong niya. "Sabi mo tayo na! Ganoon na ba nakaka-inlove ang kakisigan ko kaya pinipiit mong maging tayo na? Or jowang jowa ka na at ako itong nakita mong karapatdapat na maging jowa mo?" Mayabang nitong sabi.  Tinaasan niya ng kilay ito at sasagot na sana ng maunahan na naman siya nito. "Pero sige kung ano man iyong dahilan mo. Sige tayo na. Pwede ka na din naman pag tyagaan." Nakangising sabi nito at tinignan pa talaga siya nito mula ulo hanggang paa. Malakas na binatukan niya ito upang magising sa pagkabaliw nito. "At parang luging lugi ka pa kung sakali ganoon?! And can't you please just leave your katangahan to your house?! What I mean earlier is "Lets go!"    hindi iyong iniisip mo! Puro lang talaga kalandian ang laman ng utak mong kapre ka! Lumayo layo ka talaga sa akin kung hindi mabubugbog talaga kita!" Inis niyang sabi kahit pinipigilan niyang sigawan ito dahil may iilang tao pa rin ang napapatingin sa gawi nila. "Heto naman hindi mabiro. Masakit iyon ahh." Reklamo nito, habang hinihimas ang ulong nasaktan sa pagkakabatok niya. Inirapan niya ito at nauna ng umalis dito. "Hoy ang sungit sungit mo. Ahh... alam ko na! May regla ka noh?" Bulong nito sa kaniya na sinamaan niya ng tingin at itinulak palayo. " Oops! Tama ako, may tagos ka!" Napatigil siya sa paglalakad na tila biglang natulos sa kinalalagyan. Agad niyang sinilip ang kaniyang likuran nang biglang tumawa nang malakas si Gian. "Got cha! Baby." Tatawa tawang sabi nito at inakbayan na siya. "I hate you!" Naiinis na sabi niya dito at siniko ang tiyan ngunit nakaiwas lang din ito. "I Love you too." nakangising sabi nito. Hindi yata makokompleto ang araw na hindi siya pinagti-tripan o inaasar man lang ni Gian. Ang sabi nito ay bumabawi lang naman daw siya sa pagpa-prank na ginawa niya noon. Bata pa sila noon pero nagbigay yata iyon nang matinding trauma kay Gian. Dahil may sakit siya sa puso noon ay ingat na ingat talaga siya dapat. Si Gian ay likas na malikot at pala-kaibigan na noon. Minsan silang naglalaro noon at inasar siya nitong parati siyang talo. Kaya naman nang maghabulan sila at hindi niya mahabol man lang ito ay nagpanggap siyang sumakit ang dibdib. Napatigil ito at agad na nilapitan siya. Doon niya nahuli ito ngunit halos umiyak na si Gian sa pag-aalala sakanya noon. Sa tuwing gagamitin niyang excuse iyon ay napapasunod niya si Gian. Kahit pa nga prank lang iyon ay lagi nitong naseseryoso ang bagay na iyon lalo na kapag dating sa kalusugan niya. Nakita niyang siya ang soft side nitong si Gian. Ayaw na ayaw nitong nasasaktan o nahihirapan siya. He cared for her so much like a family. NAKARATING na sila sa Resto at salamat sa Diyos at matino na ang kasama niya. Nakakahiya kasing may kasama siyang dinaig pa ang sintu-sinto. "Kamusta presentation mo kanina?" He asked habang kumakain sila. "It's good. Sana lang hindi maging rason ang pagkatanggap sa amin iyong koneksyon ko kay Daddy." Nag-aalalang sabi niya. "Denise, magaling ka. Hindi na kailangan ng ano pang endorsement saiyo. Because you alone can standout." He said and winked at her. Malandi talaga. Napatitig siya bigla kay Gian na tutok sa pagkain. He hardly complements her, minsan lang kapag nase-sense nitong confused siya or down na down siya at kailangan niya ng encouragement. "Thank you... pero sana nga." "Siya nga pala, did you meet Mr. Lim son? Iyon na daw yata ang papalit sa pwesto niya." Biglang tanong nito. "Yes I heard, pero hindi ko pa nakikita. Bakit?" she asked. Hindi na rin siya nagtataka kung paano nito nalaman iyon dahil they also belong to the same industry. "Wala naman, baka lang pormahan ka." Nabahiran ng kaseryosohan ang tinig nito nanipinagtaka niya. "Grabe naman iyon! Bakit ba feeling mo lahat ng lalake popormahan ako? OA huh? Daig mo pa si Daddy! Samantalang si Daddy, hinahanapan na ako ng matinong lalaki para mag-asawa na daw ako." Natatawang sabi niya. Gusto na daw siyang mag asawa nito for him to have a grandchildren. Pero wala pa sa isip niya iyon, lalo na at nasa peak pa siya ng pag-abot sa kanyang napiling career. "Walang matinong mahahanap si Tito. Kasi wala nang lalaking ganoon." Komento nito. "I agree! Kaya nga sabi ko huwag na nilang problemahin ang lovelife ko! Kung darating iyon, darating hindi ba?" "What if dumating na? Hindi mo lang makita?" "Huh? What do you mean?" Naguguluhang tanong niya. "Paano kung nasa tabi tabi mo lang pala, pero hindi mo lang makita." "Hmm...  Magpakita siya! Because I'm pretty sure I won't seek for him." Idinaan nalang ni Denise sa biro dahil akala niya ay nagbibiro lang ito. "Ahh... Ipakita pala. Okay." Makahulugang sabi ni Gian na hindi niya maintindihan. He just smiled at her every time itatanong niya kung ano ang ibig sabihin niyon. === ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD