Nang mahimatay si Li Xie ay kaagad naman siyang kinarga ni Lin Xui Ying. Kitang kita ni Wang Li Qiang ang pag-aalala sa mga mata ng prinsipe at sa puntong iyon, alam ni Wang Li Qiang na tunay at walang halong pulitika ang pagmamahal ni Lin Xui Ying sa kanilang anak. Matagal silang nawala at hindi nila alam kung mayroon pa ba silang karapatan para magsalita tungkol sa kanilang dalawa. Pakiramdam nila ay napag-iwanan na sila dahil sa tagal ng kanilang pagkawala. "Kailangan na natin umalis," sambit ni Lin Xui Ying habang karga karga si Li Xie na pang prinsesa. "Hindi tayo maaring magtagal dito dahil ano mang oras ay mahahanap na nila tayo," dagdag pa ni Lin Xui Ying at tumingin sa kaniyang hawak. "Sa lakas ng mana na inilabas ni Xie'er hindi nakakapagtaka na malaman nila kung nasaan tayo ka