"Oh gosh! Fan'er…" nagmamakaawang sambit ni Li Merna. "Sandali lang…" hindi naman din magkanda-ugaga si Qin Fan. "Hindi ko pa nagagawa ang ginagawa ni sister Xie…" mahinang bulong ni Qin Fan. Hindi pa man niya nasusubukan ay humarap pa rin siya kay Li Feng. Lumuhod ito at ang kaniyang dalawang kamay ay nakalutang sa dibdib ni Li Feng. Huminga muna nang malalim si Qin Fan. "Heal." Nagbigay naman nang mahinang puting liwanag ang palad ni Qin Fan at kaagad nito na napakalma ang sistema ni Li Feng ngunit hindi ito sapat upang pagalingin ng tuluyan si Li Feng. "Stop!" dinig nila na sambit. Kaagad naman na napatingin ang lahat sa kinaroroonan ng boses at nakita nila si Li Xie na nakahawak sa kaniyang noo at wari mo ay nananakit ang kaniyang ulo. "Huwag mo nang subukan pa, sister Fan. Kung