Ilang araw nang inaasikaso ni Li Xie ang kaniyang bagong gusali na binili nila Wang Cain para sa kaniya. Inumpisahan niyang ayusin ang buong lugar sa paglalagay ng mga pintura at iba pang klase ng bagay na kailangan niyang gawin upang magmukhang pagamutan ang gusali na iyon. Nilagyan niya ng mahika ang palibot ng gusali na iyon kaya naman walang nakakakita sa lugar na iyon. Marami pang nagtataka kung bakit nawala ang lugar na iyon ngunit hindi naman sila makapasok o hindi kaya makapaglakad doon. Naupo na lamang si li Xie sa isang mahabang sofa nang matapos niyang linisan ang lahat. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay ang ilabas ang mga gamit sa kaniyang system at ilang mga gamot. "This is really tiring!" sambit ni Li Xie at nahiga sa sahig na kakawalis lamang niya. "I should have ask