Bago pa man makaalis si Li Xie sa Imperial Capital ay kaagad naman siya nakatanggap ng mensahe mula sa kaniyang lolo na si Li Zu na magtungo siya sa Li Family main house sa Xidi Kingdom. Imbis na dumeretso si Li Xie sa Maqi Kingdom upang kausapin ang kaniyang pamilya ay dederetso na lamang siya sa Xidi Kingdom. Ito ang unang pagkakataon na makikita at makaka-usap ni Li Xie ang mga naging magulang ni Li Muen sa bagong mundo na kanilang ginagalawan at gusto niya na malaman kung ang dalawang ito ba ay gaya nang kinukwento ni Li Muen sa kaniya. Alam niyang wala siyang karapatan na husgahan ang dalawang ito ngunit base sa nangyari sa dating Li Muen ay hindi niya magawang hindi maisip na pinabayaan siya nito. Hindi gaya ng dating Li Xie, ang magulang ni Li Muen ay kasama niya kaya hindi pa r