Nang makita nila ang itsura at ekspresyon ng mukha ng Emperor habang mayroong binubulong ang isa sa kaniyang pinagkakatiwalaan ay mas lalo pang nadadagdagan ang kuryusidad na mayroon sila. Kahit si Li Xie ay hindi rin naman maiwasan ang kaniyang pagtataka. Gustuhin man ni Li Xie na magtanong ngunit pinipigilan niya dahil alam niya na wala siya sa posisyon upang magtanong sa Emperor lalo pa at may mga tao na kasama sila na ayaw sa kaniya at ayaw kay Lin Xui Ying. Mga taong naghihintay lamang ng pagkakataon upang mapabagsak si Lin Xui Ying. "Emperor, anong balita po at mukhang nagbago ang iyong ekspresyon?" tanong ng isang minister. Walang ekspresyon naman ang Emperor at saka ito tumingin sa paligid. Walang nang nagsalitang muli nang magtanong na ang isa sa minister at hindi nila alam ku