Naging usap usapan sa buong noble circle ang nangyari na sagutan ni Lin Ai Ying at ng isang babae na walang nakakakilala at tanging si Cien lamang. Hindi rin naman naalis sa kwento ang nakakatakot na awra na mayroon ang babaeng nakasagutan ni Lin Ai Ying na wari mo ay ano mang oras ay mawawalan na sila ng hininga. Para sa mga nakasaksi nito isa ito sa pinaka maganda nilang napanood dahil sa kawalan ng kakayahan ni Lin Ai Ying na padapain ito. Ito ang unang pagkakataon na mayroong inurungan si Lin Ai Ying. Kanila ring pinag-usapan ang pagsambit ng babaeng iyon sa pangalan nina Prinsipe Lin Jing at Prinsipe Lin Xui Ying kung saan parang malapit siya sa dalawang prinsipe. "Hindi kaya kaibigan siya ng dalawang prinsipe?" "Paano mangyayari iyon e alam naman natin na mailap sa babae ang da