Nang matapos na kumain si Li Xie ay kaagad siyang nagpalit ng kaniyang aydentidad bilang si Miss X. Balak niyang magtungo sa auction market kung saan titingin siya kung may iilang bagay na pwede siyang bilhin. Naisip din naman niya na bumisita sa Royal Institute para tingnan ang kalagayan ng pinsan ng dating Li Xie na matagal na nitong hindi nakikita. Ramdam kasi ni Li Xie na magmula noong makapasok siya sa Imperial Capital ay ramdam na niya na may gusto siyang kausapin sa lugar na ito. At dahil isang tao lamang ang narito na kilalang kilala ng dating may-ari ng katawan ay alam niya na ang pinsan niya ito na anak ni Li Dufeng na siyang pinagbawalan ni Bai Borie na umuwi sa kanilang mansyon. Nang matapos naman siya magpalit ay kaagad na siyang lumabas at doon niya nakita na mayroong nangy