Nang makaupo na sila ay kaagad naman na nabalot ang buong paligid ng katahimikan. Hindi maiwasan na hindi mahiya ni Lin Jing, Lin Xui Ying, Li Junli, at Li Baejin na hindi nila naramdaman ang mahika na nakakapagbigay ng impormasyon sa naglagay nito sa kanilang tent. Hindi nila malaman kung sino ito dahil sa maraming nakakapasok sa kanilang tent. "Paano mo naramdaman iyon?" tanong ni Lin Xui Ying kay Li Xie. Nagkibit balikat naman si Li Xie. "Sensitibo ako sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa mahika," sambit nito at tumingin kay Li Junli at Li Baejin. "Hindi ba?" Alam ito ng magkapatid kaya naman tumango silang dalawa. Alam nila na pagdating talaga sa mahika ay sensitibo si Li Xie kaya nga hindi na rin naman sila nagtataka na naging isa sa pinaka malakas si Li Xie. Hindi nga lang ni