WORTH IT!

1831 Words
Nakaabang lamang sa kanilang tent sina Lin Xui Ying at Lin Jing habang naghihintay ng sasabihin ni Li Xie. Hindi sila pinayagan ni Li Xie na tumulong sa kaniya dahil ayon sa kaniyang pag-aaral ay nakakahawa ang sakit na ito. Nang malaman din naman ito ni Lin Xui Ying ay muntik pa silang dalawa mag-aral ngunit sa huli naman ay wala nang nagawa pa si Lin Xui Ying kundi ang manahimik na lamang at sundin ang sinasabi ni Li Xie. Sa huli lahat nang mga sinabi ni Li Xie ay totoo. Hindi lang talaga kay Li Xie umiikot ang mundo ni Lin Xui Ying at at hindi lang din naman si Li Xie ang mayroon siyang responsibilidad. Isa siya sa mga prinsipe at normal na talaga na mayroon siyang responsibilidad mula noong ipanganak siya kaya naman alam na alam ito ni Li Xie. "Nakakailang buntong hininga ka na ba, brother Xui Ying?" tanong ni Li Baejin na kanina pa nakatingin kay Lin Xui Ying at hindi na mabilang ang pagbuntong hininga ni Lin Xui Ying. "Kung gusto mo talagang magalit sa iyo si Li Xie magpunta ka roon at makialam ka," walang emosyon naman na sambit ni Li Junli. Nakatingin lang naman si Lin Jing sa kanilang tatlo. Sa totoo lamang ay naiintindihan ni Lin Jing ang pakiramdam ni Lin Xui Ying dahil maging siya kung sa ganitong pagkaaktaon ay hindi rin niya hahayaan na mag-isa si Li Muen. Lalo pa at wala talagang kaalaman kung anong klaseng sakit ang tumama sa kampo. "Pero hindi talaga ako naniniwala na isa itong normal na sakit lamang," sambit ni Li Junli at ibinaba niya ang kaniyang aklat na binabasa. "Hindi ko alam pero iyon ang sinasabi ng pakiramdam ko," dagdag nito. Sa lahat sa imperyo, sina Lin Jing, Lin Xui Ying, at Li Baejin ang nakakaalam kung anong klaseng halimaw mayroon ang pakiramdam ni Li Junli. Alam nila na kapag may naramdaman itong kakaiba ay talagang mayroon. "Kung iyan ang pakiramdam mo, sigurado akong mayroon ngang kakaiba," sambit ni Lin Jing at tumayo saka nagpunta sa mga dukomento na nasa kaniyang mesa. "Pero bago pa man natin makumpirma iyon kailangan na natin muna malaman kung anong klase mayroon ang sakit na ito," dagdag pa niya. Tumango naman ang tatlo dahil alam nila na kailangan muna nila itong asikasuhin. Si Li Junli at Li Baejin ay walang aalalahanin bukod sa kanilang pamilya, si Lin Jing naman ay ang kaniyang mapapangasawa na si Li Muen lamang, at kay Lin Xui Ying naman ay ang doktor na nasa kanilang kampo at ang taong nanganganib ngayon. 'Kung papayagan lang sana niya ako,' sambit ni Lin Xui Ying at tumingin sa dako kung nasaan ang tent na kung saan ginagamot ni Li Xie ang mga malalang pasyente. Hindi lamang isa, tatlo, o limang araw ang nakalipas nang magsimula si Li Xie na gamutin ang mga pasyente. Labing limang araw na ang nakalipas simula noong manggamot si Li Xie at wala pa rin silang nakukuhang kahit na anong balita. Dahil doon ay hindi na alam ni Lin Xui Ying ang kaniyang gagawin at kung hindi lamang dahil sa pagpapaalala nina Lin Jing, Li Junli, at Li Baejin ay sigurado na nasa loob na ito ng tent kung nasaan si Li Xie at sigurado rin nama na nag-aaway ang mag ito. May ilan sa mga hiniwalay na hindi nahawaan at may ilan naman na nahawaan dahilan upang ipasok sila sa tent kung nasaan si Li Xie. Dahil sa iisa lamang si Li Xie sa loob at ay wala siyang nauutusan at alam ni Lin Xui Ying na pagod na pagod na ito kaya naman parang gusto na niya ipatigil ito. Ganoon pa man alam ni Lin Xui Ying na bilang isang prinsipe ang pagiging doktro rin ay mayroong responsibilidad. Kung sa pagiging prinsipe ay ang kaniyang responsibilidad ay mapanatilihing maayos ang kaniyang nasasakupan, hindi naghihirap, at nababantayan niya ay ganoon din ang doktor. Nalaman niya ito sa ikli ng panahon na nakasama niya si Li Xie. Ramdam man ni Lin Xui Ying na alam ni Li Xie na hindi siya obligado na pagalingin ang lahat ay ginagawa pa rin naman niya ang kaniyang makakaya. Ayaw ni Li Xie na mayroong mamamatay sa kaniyang hawak. Ngunit sa oras na iyon, hindi lamang isa kundi marami ang namamatay. 'Sana okay ka lang,' sambit ni Lin Xui Ying as kaniyang isipan. QUARANTINE TENT, BORDER CAMP Napahawak na lamang si Li Xie nang matapos niya na tingnan ang mga pasyente niya. Ilan sa mga ito ay umaayos na ang lagay at mabuti na lamang ay mayroong labing limang tent na itinayo para lamang as kaniya. Hinati hati niya ito upang alam niya kung sino sino ang maari nang makaalis o kung sino ang hindi pa. Kapag wala siyang ginagawa ay nagtutungo si Li Xie sa kaniyang system upang pag-aralan ang mga kailangan niyang pag-aralan tungkol sa sakit na ito at sa loob ng siyam na araw ay sa wakas ay natapos na rin niya at alam na rin niya ang tungkol dito. Inabot ng siyam na araw ang kaniyang pag-aaral sa sakit na ito at anim naman na araw sa pag-aalam kung anong klaseng sakit ito. "Ah, this kind of situation really tires the hell out of me," bulong ni Li Xie sa kaniyang sarili. Kakatapos lamang niyang maligo at maglinis ng katawan upang hindi niya mahawaan ang pagaling na, mga magaling na, o ang mga walang mga sakit. Ito ang unang una na kailangan niyang gawin kapag bibisitahin niya ang iba't ibang klase ng mga pasyente na mayroon siya. Nakakapagod, oo, alam niya iyan sa kaniyang sarili ngunit kapag nagapapasalamat ang mga sundalo na inaalagaan niya ay may kung anong saya sa kaniyang dibdib na hindi niya maintindihan. "Wala na naman akong severe na pasyente," bulong na sabi ni Li Xie at tumingin sa kaniyang chart. "I can go out now pero para mas makasigurado ako ay dapat ko lagyan ng barrier ito," dagdag na sambit ni Li Xie. Nang maglagay ng magic barrier si Li Xie ay nakita ito ng mga sundalo. Ang iba naman ay nagtaka kung ano iyon, ang iba ay hindi alam ang kanilang gagawin dahil hindi naman nila alam kung sino ang gumawan noon, ngunti sila Lin Xui Ying naman ay nakatingin laman sa kung nasaan naggagamot si Li Xie. Ilang sandali pa ay nakita nila ang isang pamilyar ngunit hindi pamilyar na pigura. Bukod kay Lin Xui Ying ay wala nang nakakakilala pa sa pigura na ito at kung hindi naman tititigan ni Lin Jing ay hindi rin naman niya makikilala na si Li Xie na ito. Kaagad na tumakbo si Lin Xui Ying patungo kay Li Xie at nang makalapit ay kaagad naman niya ito niyakap nang mahigpit. Ibinalik na lamang ni Li Xie ang yakap na ibinigay sa kaniya ni Lin Xui Ying dahil nawala na rin naman sa kaniyang isipan ang inis na naramdaman niya noong unang magpunta siya rito. Habang nasa loob siya ng tent at ginagamot ang mga sundalo ay doon na napagtanto ni Li Xie na hindi lamang grabe ang sitwasyon na mayroon sa kampo kundi sobrang grabe. Binuhos ni Li Xie ang kaniyang oras at enerhiya upang mapagaling ang mga sundalo at halos hindi na rin naman siya matulog nang pag-aralan niya ang sakit na iyon. Halos lahat ng pagod na binuhos ni Li Xie sa panggagamot ng mga sundalo na ito ay parang nasuklian nang ngumiti at magpasalamat ang mga ito sa kaniya. Hindi lamang iyon, parang nagbunga na rin ang kaniyang paghihirap nang makita niya ang resulta ng kaniyang pananaliksik at nang malaman niya kung anong klaseng sakit ito. "Kumusta ka? Wala ka bang nararamdaman? May masakit ba sa 'yo? May lagnat ka ba-" Hindi na napagpatuloy pa ni Lin Xui Ying ang kaniyang sasabihin dahil inilagay na lamang ni Li Xie ang kaniyang kanang hintuturo sa labi nito. "Masakit ulo ko sa sobrang dami mong tanong. Pwedeng pahinga muna?" Taas kilay na tanong ni Li Xie. Mahina na lamang na natawa si Lin Xui Ying dahil alam niya na nagbibiro lamang si Li Xie. Ang mga sundalo naman na nanonood sa kanilang dalawa ay hindi makapaniwala na mayroong ganitong klaseng pagkatao si Lin Xui Ying. Ito ang unang pagkakataon na makita nila na ganito si Lin Xui Ying as mga babae dahil alam nila na bukod kay Lin Rin ay wala nang nakakalapit pa sa kaniya na babae. Kahit na ang kapatid nito na si Lin Ai Ying na halos kapangalan na niya ay hindi rin naman niya kasundo. Maraming usap usapan ngunit hindi naman ito pinansin ni Lin Xui Ying kaya naman nag-usap usap pa ang mga sundalo tungkol sa kanilang dalawa. Lahat nang mga naririnig ni Lin Xui Ying ay umaayon sa mga gusto niyang marinig kaya naman hinayaan na lamang niya ang mga ito na mag-usap usap. "May dapat pala tayong pag-usapan," sambit ni Li Xie kay Lin Xui Ying. Tumango naman si Lin Xui Ying at hinawakan sa beywang si Li Xie. Wala na rin naman ito kay Li Xie dahil sanay na siya sa ganitong mga galawan ni Lin Xui Ying ngunit medyo naiilang si Li Xie dahil sa daming mata na nakatingin sa kanilang dalawa. Nang makalapit naman si Lin Xui Ying at Li Xie kina Lin Jing, Li Junli at Li Baejin ay kaagad naman siyang nginitian ni Lin Jing. Samantala sina Li Baejin naman at Li Junli ay ginulo ang buhok ni Li Xie kaya naman napasimangot ito. Nang makita ni Li Xie ang mukha nina Li Baejin at Li Junli ay kaagad naman din na lumabas ang kaniyang alaala kasama ang dalawang lalaking ito. Bukod sa anak ng kaniyang tiyuhin sa unang asawa ay ang dalawang ito ang hindi sumuko upang maipagtanggol sila. Nahuli man ngunit alam ng dating Li Xie at ng bagong Li Xie na gianwa nila ang lahat upang maprotektahan ang dating may-ari ng katawan na inuukupa ng bagong Li Xie ngayon. "Alam ko na kung anong nangyayari rito sa kampo," mahinang sambit ni Li Xie at kaagad din naman na nawala ang ngiti sa mga labi ng apat na lalaki. "Kaya kung maari ay pwede ba natin itong pag-usapan?" "Halika, pumasok tayo," sambit ni Lin Jing at pumasok sila sa tent. Nang makapasok silang apat sa loob ng tent ay tumingin muna si Li Xie sa paligid at kumunot ang kaniyang noo. Napatingin ito kay Lin Xui Ying at nang makita niya na baliwala lamang ito kay Lin Xui Ying ay nakakasigurado na si Li Xie na hindi niya ito nararamdaman. "Humina ka na ba?" tanong ni Li Xie kay Lin Xui Ying dahilan upang magtaka naman si Lin Xui Ying. Kaagad na nagpakawala ng hangin si Li Xie at nang tamaan nito ang isang parte ng tent na kinaroroonan nila ay nakita nilang nag-ilaw ito at kaagad din na nawala kasabay nito ay ang paglaglag ng isang bato na kulay berder. "Mukhang tama ka nga talaga, Junli," kaagad na kumento ni Lin Jing. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD