CAMP AT THE BORDER

1370 Words
Ang lahat sa border ay abala para sa pagresulba ng dahil sa mga nangyayari. Dahil sa isang oras lamang ay mayroon na kaagad na hindi lamang isa o dalawang tao ang binabawian ng buhay, hindi rin naman dalawa o tatlong tao rin ang dumadagdag sa kaso kaya naman mas lalo pang naging abala ang ang ahat at wala nang may kakayahan na magbigay pa nang pansin sa ibang bagay na walang kinalaman sa mga nangyayari ngayon sa loob ng kampo. Inaasahan ni Li Xie na si Lin Xui Ying ang taong sasalubong sa kaniya, na ito ang unang tao na sasalubong sa kaniya kaya naman medyo maganda ang pakiramdam niya. Ngunit nang makarating si Li Xie sa kampo sa may border ay napanganga siya dahil walang ni isang tao ang naghihintay sa kanila. Kahit isang mababang sundalo lamang ay walang sumusundo sa kaniya sa bukana ng kampo kaya naman napataas ang kaniyang kilay at unti unti unting umiinit ang kaniyang ulo dahil sa inis. Kahit na si Lin Xui Ying na alam kung kelan ang kaniyang dating ay hindi siya sinundo sa harapan ng kampo kaya naman napayukom siya ng kamao sa inis. Alam niya na abala si Lin Xui Ying at Lin Jing base sa mga sinabi sa kaniya ni Li Muen ngunit hindi naman niya akalain na hindi nila siya bibigyan ng magandang ugali. Dahil sa inis ay basta basta na lamang pumasok si Li Xie sa loob at pinagmasdan ang paligid. Inoobserbahan niya kung mayroon bang magtatangka na harangan siya, kung mayroon bang tao na lalapit sa kaniya upang pigilan siya. Hindi na rin naman kinailangan pa ni Li Xie na baguhin ang kaniyang anyo at ang kaniyang kulay lilang mata at buhok ay siyang agaw pansin sa lahat kung mapapansin ba sila. Nakasuot din naman si Li Xie ng doctor's gown kung saan siya nakilala ng mga tao sa Central Market ng Maqi Kingdom. Ginamit ni Li Xie ang kaniyang kakayahan na hindi siya maramdaman ng mga tao at saka niya inobserbahan ang mag tao sa bawat sulok ng kampo. Dahil doon ay alam na rin naman niya kung nasaan sina Lin Xui Ying at Lin Jing kasama ang dalawang kapatid ni Li Muen na si Li Junli at Li Baejin. Nagsuot na rin naman siya ng mask upang maagapan ang pagkahawa niya sa kung anong sakit man ang nasa lugar na ito. 'Malala na ito,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan nang makita niya kung ano ang sitwasyon na mayroon sa buong kampo at hindi na rin naman siya nagtaka at nagalit kung bakit abala sina Lin Xui Ying ngayon. "Sht! Huwag mong gagawin iyan!" sigaw ni Li Xie nang makitan niya ang isang sundalo na parang mayroong dinudukot sa bibig ng isang sundalo na bigla na lamang nahirapan huminga. "Huwag mo siyang hahawakan!" sigaw pa ni Li Xie at saka siya tumakbo. Nang makarating siya sa sundalo ay kaagad niya itong itinulak palayo at nanlaki naman ang mata ng sundalo na dinukot ang lalamunan nang makita niya na bigla na lamang nagkaroon ng kung anong gamit na lumabas sa kung saan. Hindi alam ng sundalo kung sino ito, kung anong kailangan nito. Nang ilagay ng ni Li Xie ang oxygen at saka nakahinga naman ng maayos ang lalaki. "Isuot mo to," sambit ni Li Xie at ibinigay ang mask. "Humiwalay ka na sa iba na narito dahil maari ka pang makahawa kung nahawaan ka na. Maghugas ka muna ng kamay mo," sambit ni Li Xie. Kaagad naman na kumunot ang noo ng sundalo dahil hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan niya ngunit malakas ang loob nito upang utusan siya. "Bakit sino ka ba para utusan ako?!" sigaw ng sundalo. Kalmado lamang si Li Xie dahil alam niya kung bakit ito tinanong ng sundalo. Hindi siya kilala nito at mas lalong dumagdag pa sa kaniyang pagsususpetya ang nangyayari sa kampo. 'Gaya nga ng sinabi ni Muen, mayroon nga talagang traydor sa lugar na ito,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. "Kung gusto mo maranasan ang naranasan niya sige, huwag mong gawin ang sinabi ko. Ngunit huwag na huwag mo akong sisisihin kung bakit ka nahihirapan at huwag na huwag mo rin namang sasabihin an hindi kita binalaan at pinagsabihan," sambit ni Li Xie. Napayukom na lamang ng kamao ang sundalo dahil sa inis. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin at nakita na lamang niya si Li Xie na pumunta sa iba pang mga sundalo na nahihirapan na huminga. Una ay pinupulusahan ni Li Xie at saka nito ginagawa ang mga dapat gawin. Dahil hindi siya kilala ng sundalo ay kaagad naman na tumakbo ito patungo sa tent nina Lin Xui Ying at walang pasabi na pumasok. "Ipagpaumanhin ngunit may isang babae na ngayon ay nagbibigay ng kung ano sa mga pasyente!" sigaw ng sundalo nang makapasok siya sa tent nina Lin Jing. Kaagad naman na pinagpawisan si Lin Xui Ying nang marinig niya ito. Naalala niya na ngayon ang dating ni Li Xie at hindi man lang niya ito nakita sa bukana ng kampo at nakausap. Nagsisisi si Lin Xui Ying dahil alam niya na matatagalan pa bago sila makapag-usap nang maayos. "Sht!" sigaw ni Lin Xui Ying at kaagad na tumakbo. Kaagad naman na bumuntong hininga si Lin Jing nang makita niya na nagmamadali si Lin Xui Ying. "General Jing? Sino po ang babaeng iyon?" taka na tanong ng sundalo na pumasok sa tent. "Ang babae na makakasama ni Xui Ying panghabang buhay," kaagad na sagot ni Lin Jing. "Wala ka naman na ginawang masama sa babaeng iyon, hindi ba?" Kaagad naman na umiling ang lalaking sundalo dahil alam niya na bukod sa mga sinabi niya ay wala naman talaga silang ginawa. Kaagad naman an umalis ang lalaking sundalo at ginawa kung ano ang sinabi ni Li Xie. Samantala, nang makarating naman si Lin Xui Ying sa kung nasaan si Li Xie ay kaagad naman niya nakita ang kulay lila na buhok ni Li Xie at abala ang babaeng kaniyang mahal sa paggagamot ng kanilang mga sundalo. Hindi lamang iyon, mas lalo pang lumalim ang paghanga ni Lin Xui Ying kay Li Xie dahil sa eleganteng galaw ni Li Xie habang ginagamot niya ang mga sundalo sa loob ng kampo. Kung titingnan ng mga taong ginagamot ni Li Xie ay para itong isang dyosa na bumaba mula sa kalangitan upang iligtas sila. "Tatayo ka na lamang ba riyan at hindi ako tutulungan?" walang emosyon na sambit ni Li Xie ngunit naramdaman naman ni Lin Xui Ying ang inis sa tono nito. "Ano ba dapat ang gagawin ko?" Taas kilay na nilingon siya ni Li Xie at saka sinabing, "Seryoso wala pa kayong ginagawa para rito? Paano kung huli na ang lahat at maubos ang mga sundalo rito?!" galit na sambit ni Li Xie ngunit huminga na lamang siya nang malalim at saka nagsalitang muli nang kumalma na siya. "Magtayo kayo ng dalawang tent. Isa para sa mga malubha na ang kalagayan at isa para sa mga taong hindi pa. Kailangan natin na ihiwalay ang mga taong ito upang hindi na sila makapanghawa pa," kaagad na sambit ni Li Xie. Tumango naman na si Lin Xui Ying at walang pasabing umalis na. Tiningnan lamang ni Li Xie ang likod ni Lin Xui Ying habang naglalakad ito papalayo sa kaniya. May kung anong inis na nararamdaman si Li Xie ngunit mas pinili niyang ipagsawalang bahala ito dahil may mga taong kailangan niya pagalingin. Kung hindi lang dahil kay Li Muen at Lin Xui Ying ay hindi niya gagawin ito. 'Good thing at nakapag-volunteer ako noon sa dati naming mundo nang lumabas ang isang nakakahawang sakit,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at nagsimual na namang manggamot. Samantala, hindi kalayuan kay Li Xie ay nakatingin lamang si Lin Jing at pinapanood ang propesyunal na galaw ni Li Xie. Gaya nga ng sinabi ng kaniyang mapapangasawang si Li Muen ay talagang magaling at may alam nga si Li Xie pagdating sa medikal na bagay. Hindi man niya alam kung ano ang mga bagay na nilalagay ni Li Xie sa mga kawal nila ngunit dahil sinabi ni Li Muen na alam ni Li Xie ang kaniyang mga ginagawa ay hinayaan na lamang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD