SLAPPING FACE

1380 Words
Naging usap usapan hindi lamang sa Central Market kundi sa buong Maqi Kingdom. May iilan din naman sa ibang kingdom na napag-uusapan si Lx, meron din naman na iilan na hindi natutuwa dahil sa nagbabalak na silang magpunta sa Maqi Kingdom, Central Market. Dahil kay Li Xie bilang isang doktor ay mas maraming mga tao ang nagpupunta sa Central Market at natutulungan ang mga inn pati na rin ang mga kainan na kumita. Hindi lang iyon, may iilan din naman na nagpupunta sa auction house at sa iba pang bilihan. "Ama?" tawag ni Wang Wei sa kaniyang ama nang matapos ang kaniyang trabaho sa coffee shop. Kaagad naman na napatingin si Wang Cain sa kaniyang anak. "Bakit?" tanong ni Wang Cain sa kaniyang anak na si Wang Wei. "Nakausap ko po si Xie bago umalis," sambit ni Wang Wei at kaagad naman na umupo sa upuan na nasa harapan ni Wang Cain. "Kung mayroon ka raw kahit na maliit na gusali na mabibili rito sa Central Market. Mukha kasing may binabalak na naman siya," sambit ni Wang Wei at kaagad naman na napaisip si Wang Cain. "Hindi ko alam kung mayroon," kaagad na sambit niya at napatingin sa kaniyang anak. "Ano bang klaseng gusali ang hinahanap niya?" "Hindi malaki pero hindi rin naman maliit. Iyon lamang ang sinabi niya sa akin, ama." Nangalumbaba naman si Wang Wei at saka tumingin sa kaniyang ama. "Ano na naman kayang klaseng negosyo ang kaniyang gagawin?" patanong niyang sambit. Nagkibit balikat naman ang kaniyang ama at saka sinabing, "Hindi natin alam. Alam mo naman kung anong klaseng pag-iisip mayroon si Miss Xie. Kung magtatanong nang magtatanong tayo sa kaniya ay baka magkaroon siya ng suspetsya sa atin kahit na wala tayong ginagawang masama," sambit ni Wang Cain at tumayo siya. "Alam mo naman kung gaano kasigurado ang bawat galaw niya at alam mo rin na hindi lahat kayang makalapit sa kaniya. Kung maari ay hindi natin sisirain ang tiwala na mayroon siya sa atin," dagdag na sabi ni Wang Cain sa kaniyang anak. Tumango naman si Wang Wei dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Sa kanilang tatlo sa kaniyang pamilya, alam ni Wang Wei na siya mismo ang pinaka nakakakilala kay Li Xie. Alam niya kung anog klaseng tao si Li Xie na hindi alam ng kaniyang mga magulang at gaya nga nang sinabi ng kaniyang ama ay talagang gagawin niya ang lahat upang hindi masira ang tiwala na binigay sa kaniya ni Li Xie. Samantala, sa paglalakbay ni Li Xie patungo sa Imperial Palace ay hindi siya makapagsalita dahil sa walang may gustong kumausap sa kaniya. Alam niya na dahil isa siyang babae kaya ganito ang trato sa kaniya kaya naman hindi na niya ito pinapansin pa. 'Kung ganyan ang tingin ninyo sa akin then I will make you pay,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. Nang tumigil sila upang magpahinga at magpalipas ng gabi ay binigyan nila si Li Xie ng isang tent na para sa kaniya lamang. Kahit na hindi sila natutuwa na isang babae si Li Xie ay alam pa rin naman nila na makinig sa mas nakakataas sa kanila. Isa pa, si Lin Xui Ying at Lin Jing ang nagbigay ng suhesyon sa Emperor para ipadala si Li Xie bilang si Lx sa border kaya bukod sa hindi nila pagpansin sa kaniya ay wala na silang maaring gawin pa. Bago pa man na pumasok si Li Xie sa kaniyang tent ay nagsambit na muna siya ng ilang spell upang mabigyan siya ng proteksyon laban sa mga tao sa labas. Nang makita ito ng ilan sa mga sundalo ay hindi sila makapaniwala. Hindi lamang isang normal na doktor si Li Xie! Isa rin siyang magic user! Ang doktor na isang magic user ay hindi talaga pangkaraniwan na kahit ang Emperor ay nagbibigay ng kaunting galang sa kanila. Nang ipagsabi ito ng mga kawal na nakakita kay Li Xie na gumamit ng mana ay kaagad naman na kumalat ang usap usapan sa kanilang grupo tungkol doon. Ang Enuech na hindi pumapansin kay Li Xie ay bigla na lamang pinagpawisan at hindi alam kung anong klaseng pakikipag-usap ang kaniyang gagawin kapag nagkita silang muli. 'Ah, sana pala hindi ko na lamang siya tingnan ng ganoon. Alam niya na hindi ko gusto ang kaniyang pagiging babae dahil sa pinatawag siya ng Emperor. Sigurado akong kukunin na naman ni Enuech Lim ang loob nito gaya ng ginawa niya kay Li Muen,' inis na sambit ng enuech na sumundo kay Li Xie sa Maqi Kingdom, Central Market. Habang nasa loob ng tent ay ginamit ni Li Xie ang hangin upang marinig ang usap usapan sa labas ng kaniyang tent at dahil alam na niya ang usapan ng mga kawal ay napangiti na lamang siya. Hindi niya akalain na isang mabilis lamang na trabaho ang pagbibigay ng takot sa kanila. "Ngayon, matakot kayo." Bulong na sabi Li Xie sa kaniyang sarili at saka siya kumuha nang malambot na higaan at unan pati na rin ng kumot at saka natulog nang mahimbing. KINABUKASAN Marami ang nagtatangkang makipag-usap kay Li Xie ngunit dahil sa kaibang awra sa kaniyang paligid at ay hindi nila magawa. Hindi nila alam kung bakit wala sa magandang gising si Li Xie at kung ligtas ba na makipag-usap sila sa kaniya gawa ng kanilang ginawa. Sa buong paglalakabay nila ay wala silang nagawa kundi ang hayaan an lamang si Li Xie hanggang sa matanaw na nila ang tarangkahan ng Imperial Capital na nagbigay ng buntong hininga sa mga kawal. Hindi na kasi nila kaya ang bigat ng kanilang pakiramdam dahil sa hindi nila magawang makausap si Li Xie sa buong paglalakbay. IMPERIAL CAPITAL "Miss Lx, ihahatid kita sa throne room," sambit ng Enuech na sumundo sa kaniya. Pinagpapawisan ito dahil baka hindi siya pansinin ni Li Xie at dahil sa wala naman talagang ginawang masama ang taong iyon ay sinagot pa rin naman siya ni Li Xie ng isang tango. Tahimik silang dalawa na naglalakad patungo sa throne room at nang malapit na sila ay napalatak naman ang dila ng Enuech na sumundo kay Li Xie. Hindi nakalampas ang ugaling ito kay Li Xie at isa ito sa kaniyang pinaka ayaw. "Enuech Min!" tawag ng lalaking paparating na mayroong kaparehas na uneporme sa Enuech na sumundo kay Li Xie na pinangalanan nitong Min. 'Heh~ kung hindi pala nito tatawagin ang taong ito na sumundo sa akin hindi ko malalaman na ang pangalan pala niya ay Min,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. "Ikaw na ba si Miss Lx?" Nakangiti na sambit ng lalaking sumalubong sa kanila. "Ako nga pala si Lim. Ikinagagalak kitang makilala." Pinag-aralan na muna siya ni Li Xie kaya naman nagkaroon ng kaunting saya ang puso ni Enuech Min ngunit nang tanggapin ni Li Xie ang kamay ni Enuech Lim ay kaagad naman na sumimangot si Enuech Min. 'Damn it!' Nang magsimula silang maglakad muli ay si Enuech Lim Lamang ang kausap ni Li Xie at hindi gaya ng pakikitungo ni Li Xie sa mga sundalo at sa kaniya ay mas maayos ang pakikitungo niya kay Lim. Dahil doon ay pinagsisisihan ni Enuech Min ang kaniyang pagmamata sa kakayahan na mayroon si Li Xie. SA THRONE ROOM Kaagad naman na nag-anunsyo ang kawal na nagbabantay na naroon na si Li Xie kasama si Enuech Min at Enuech Kim. Nang makita naman ng Emperor at Empress na isang babae si Li Xie ay kaagad silang nagulat ngunit kaagad din naman sila nakabawi. Bilang isang babae, masaya rin naman ang Empress na makakita na mayroon ding ibang babae na may kakayahan na umangat nang walang tulong ng mga kalalakihan at ganitong klaseng babae ang kaniyang gusto. Ito rin ang dahilan kung bakit niya napusuan si Li Muen. Ilang sandali lang ang usapan at kaagad na rin naman na pinaalis si Li Xie patungo sa border dahil lahat ng kaniyang kailangan ay nai-ayos na. 'Great, makikita kitang muli,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan habang nasa kaniyang isipan ang mukha ni Lin Xui Ying. Napangisi naman si Li Xie nang makita niya na hindi maganda ang mukha ng tao na sumundo sa kaniya. 'Does your face hurt? Slapping your own face must be hurt, right?' tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan nang makita niya ang lalaki na sumundo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD