BEING SUMMONED

1986 Words
Ang lahat sa border ay hindi alam ang kanilang gagawin dahil maging ang doktor na kanilang kasama ay mayroon na ring sakit. Mayroong sakit ngayon na kumakalat sa buong kampo sa border at lahat sila ay hindi alam kung saan galing ang sakit na ito. Bigla na lamang itong lumitaw at hindi nila alam kung ang apektado ba nito ay pagkain o ang mismong tubig nila. Ito ang unang pagkakataon na nayari ito kaya naman hindi nila alam ang kanilang gagawin. Lalo pa ang doktor na kasama nila ay hindi lamang nahawaan at nagkaroon din ng sakit kuni namatay na rin ito. "Prince Jing," tawag ng isang kawal kay Lin jing na kasalukuyan na nasa loob ng tent kasama sina Lin Xui Ying, Li Baejin at Li Junli. Hindi naman siya tinapunan nang tingin ni Lin Jing at hinintay lamang nito na magsambit ng ulat. Maging si Lin Xui Ying ay naghihintay rin. "Ano na? May sasabihin ba?" inip na tanong ni Lin Xui Ying. Napalunok naman ng laway ang kawal at saka ito nag-ulat ng mga kailangan niyang i-ulat. "Prince Jing, Prince Xui Ying, mayroon na naman pong dalawang tao na namatay at mayroong tatlong bagong kaso," ulat ng lalaking kawal. Kaagad naman na napakunot si Lin Xui Ying at saka lumingon kay Lin Jing at sinabing, "Napapansin ko, ang mga nahahawa ay mga tier four hanggang tier seven nating mga sundalo." "Iyan din ang aking napapansin," sambit naman ni Lin Jing. "Hindi kaya sila talaga ang pakay nila?" tanong ni Li Junli at napatingin naman sa kanila si Lin Xui Ying, Lin jing, at Li Baejin. "Sila ang pinaka marami sa mga sundalo natin at sila rin ang mga sundalo na mas binibigyan natin ng mga resources, hindi ba kayo nagtataka?" tanong ni Li Junli. "Kung sabagay, kapag naubos nila ang mga tauhan natin mula tier four hanggang tier seven ay talagang mangangalahati ang ating mga kawal," sambit naman ni Li Baejin. Napayukom naman ng kamao si Lin Xui Ying dahil sa inis. Hindi siya naiinis dahil sa mga nangyayari ngayon sa kampo kundi sa mga nangyayari ngayon sa kanilang mga kawal. Isa silang prinsipe at isa sa kanilang tungkulin ang protektahan din ang mga kawal ngunit hindi rin nila ito nagawa. Hindi lamang iyon, ang kanilang pananatili sa border ay mas lalo pang tatagal kung hindi nila mabibigyan kaagad ng sulusyon ang mga nangyayari sa kampo. 'Gusto ko na makita si Xie e...' naiiyak na sambit ni Lin Xui Ying sa kaniyang sipan. 'Sandali...' "Wala na ang doktor natin dito, hindi ba?" tanong ni Lin Xui Ying. Sandali naman na tumigil si Lin Jing na kapatid nito at tumingin ito kay Lin Xui Ying upang malaman kung ano ang iniisip ng kaniyang kapatid. "Anong pinaplano mo?" walang emosyon na tanong ni Lin Jing. "May kilala akong doktor," sambit nito. "Balak mo ba na hawaan at patayin din ang taong iyan at ipapadala mo rito?" Taas kilay naman na tanong ni Li Junli. Kaagad naman na napa-ismid si Lin Xui Ying. "Bakit ko naman ipapahamak ang taong iyon? May kakayahan siya kaya ko siya gustong sabihin sa inyo," kaagad na pagdedepensa ni Lin Xui Ying. Dahil sa pagdedepensa niya sa sinabi ni Li Junli ay napataas ng kilay si Lin Jing at mayroon na siyang hinala kung sino ang sasabihin ni Lin Xui Ying. "Huwag mong sabihing si Li Xie ang ipapasok mo rito..." hindi makapaniwalang tambit n Lin Jing. "Bakit hindi? Sinasabi ko sa 'yo hindi pangkaraniwan ang kakayahan ni Xie'er pagdating sa medisina. Mayroon din siyang mga gamot na malaki ang maitutulong sa atin," kaagad na sambit ni Lin Xui Ying. Tahimik lamang si Li Junli at si Li Baejin na kung saan ay gustong magtanong. "Li Xie?" patanong na sambit ni Li Junli sa pangalan ni Li Xie. "Ito ba ang magic user na nasa Maqi branch ng Li family?"dagdag na tanong ni Li Junli. Tumango naman si Lin Xui Ying. "Siya nga, kilala mo?" gulat na tanong ni Lin Xui Ying. "Oo, kalaro iyan ni Mu'er noong maliit pa sila," sambit ni Lin Baejin. "Pero sa pagkakaalala ko simula noong may nangyari sa kaniyang magulang ay naging abala siya sa mga nangyayari sa kanilang pamilya." "Hindi lang iyon, talagang malaki ang naging apekto sa kaniya nang pagakawala ng kaniyang mga magulang," dagdag pa ni Li Junli. "Ang huling balita ko rin kay Xie'e ay iyong nasira ang kaniyang magic core sa hindi malamang dahilan," "Hindi iyon walang dahilan," kaagad na sambit ni Li Junli. "Ginamitan siya ng soul eating mana," dagdag nito. Kaagad din naman na tumango si Lin Xui Ying dahil alam niya ang tungkol doon. "Alam ko ang tungkol diyan," sambit ni Lin Xui Ying at napatingin sa kaniya ang tatlo. "Ako ang tumulong kay Xie'er na maayos ang kaniyang magic core," dagdag nito. Napanganga naman si Li Junli at Li Baejin dahil hindi nila alam na ganitong klaseng relasyon pala ang meron kay Li Xie at Lin Xui Ying. Pinsan nila si Li Xie at kahit na hindi na sila ganoon kalapit dito ay gagawin pa rin nila ang lahat para maprotektahan ito. Iyon nga lang, nasa border sila kaya noong kailangan ni Li Xie ng tulong ay huli na nang makapagpadala sina Li Baejin at Li Junli. "Brother Xui Ying," tawag ni Lin Jing, napatingin naman sa kaniya hindi lamang si Lin Xui Ying kundi pati na rin si Li Junli at Li Baejin. "Alam mo na hindi ako ang makakapagbigay ng agarang desisyon, hindi ba?" sambit nito. Kaagad naman na tumango si Lin Xui Ying. "Alam ko iyan," sambit nito.. Tinitigan siya ni Lin Jing kung talagang desidido na siya na ipasok ang kaniyang kasintahan sa border na ngayon ay mayroong kakaibang sakit na lumalaganap. KINAGABIHAN Nag-usap usap sina Lin Xui Ying, Lin Jing, Li Junli, at Li Baejin tungkol sa suhesyon ni Lin Xui Ying na ipadala sa border si Li Xie. Hindi nila alam kung gaano kagaling si Li Xie pagdating sa medisina kaya naman nang tanungin ni Lin Jing si Li Muen tungkol dito ay nagulat siya sa mga sinabi ni Li Muen. Hindi pangkaraniwan ang kakayahan ni Li Xie pagdating sa medisina at kung mayroon man itong pagkakataoon noon makapag-aral ng tuluyan ng medisina ay talagang malalyo ang mararating nito. Nang mapagkasunduan nilang lahat ang dapat gawin ay kaagad naman na gumawa si Lin Jing ng sulat patungkol dito upang ipadala sa Emperor. Ito ay tungkol sa pagpapatawag kay Li Xie bilang Doctor Lx sa kampo sa border upang tulungan sina Lin Jing at Li Xui Ying na matapos ang nangyayari ngayon doon. Kaagad din naman na ipinadala ito sa Imperial Palace. CENTRAL MARKET Ilang araw lamang ang nakalipas simula nang magsulat si Lin Jing sa Emperor para ipatawag si Li Xie bilang Doctor Lx. Ang lahat sa loob ng Central Market nang dumating ang tao na magbabasa ng decree. Kilala nila na galing ito sa Emperor dahil sa mga bandana na dala nila at sa dami ng kawal na kasama nila na pumasok sa loob ng Central Market. ANg lahat ay nagtataka at umaabante ang kanilang kuryusidad upang malaman kung mayroon ba sa kanila na nagkaroon ng kasalanan sa Imperial Family o kung mayroon ba sa kanilang nagkaroon ng magandang nagawa. Habang nagma-martcha sa loob ng Central Market ay narinig na rin naman ng Enuech ang usap usapan tungkol kay Li Xie. Tungkol sa batang napagaling nito mula sa hindi normal na pagkabulang at sa pagkakaligtas niya sa pamilya nito. Dahil doon ay mas lalo pang nagkaroon ng kuryusidad sa katawan ang Enuech at talagang gustong makausap ang doktro na iyon. Unang una, si Lin Xui Ying ang nagbigay ng suhesyon na siyang minsan lamang makialam at makihalubilo sa mga tao. Pangalawa, ang mga balita na naririnig niya tungkol sa taong ito. Gustong gusto niya na makita si Doctor Lx. Samantala, alam naman na ni Li Xie na mayroong darating na Enuech upang siya ay sabihin na pinapatawag siya sa Imperial Palace. Alam niya ito dahil binalitaan ni Lin Jing si Li Muen tungkol doon at si Li Muen din naman ang nagbigay ng magandang mga salita tungkol doon. Ayaw pa sana ni Li Xie ngunit nagmakaawa sa kaniya si Li Muen at dahil hindi rin naman niya ito matiis ay pumayag na rin naman siya. Ayon sa mga naririnig ni Li Xie sa mga bali-balita ay hindi maganda ang mga nangyayari ngayon sa loob ng kampo sa border kaya naman ayaw niya rito pumunta. Ayaw niya hindi dahil sa hindi niya kaya itong sulusyunan, kundi dahil alam niya na sakit lamang sa ulo ito. "Xie?" tawag ni Wang Wei kay Li Xie nang palihim. Lumingon naman si Li Xie. "Hmm?" sagot nito. "Mayroong mga taga Imperial Palace na nagmamartcha patungo sa dereksyon natin. Hindi kaya tungkol ito sa nangyaring alitan ninyo ni Princess Ai Ying?" Mahina naman na natawa si Li Xie. "Ano namang mayroon sa Prinsesang iyon? Kahit ano pang sabihin niya sa Empress at Emperor na pagmamalupit sa kaniya ay hindi siya paniniwalaan dahil sa ugali niya. Isa pa, ano bang kapangyarihan ang mayroon siya laban kay Lin Xui Ying, hindi ba?" Hindi naman kaagad na nakapagsalita si Wang Wei at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin dahil lahat naman nang sinabi ni Li Xie ay totoo. Wala talagang kakayahan si Lin Ai Ying na kalabanin si Lin Xui Ying, hindi rin naman siya papaniwalaan ng Empress at Emperor dahil alam nila kung anong klaseng ugali ang mayroon si Lin Ai Ying. Higit sa lahat, walang kapangyarihan si Lin Ai Ying kahit na isa siyang prinsesa ng imperyo hindi gaya ni Lin Rin na isa sa mga maraming naiambag sa buong imperyo. Kumpara kay Lin Rin, walang wala ang katayuan ni Lin Ai Ying. Ilang sandali pa ay napalibutan na ang buong Coffee and Inn shop nang dumating na ang Enuech at mga kawal sa harapan ng gusali ng mga Wang. Kinilabutana ng mga tao na nasa loob ng shop, natakot naman ang mga tauhan, hindi na rin naman alam nina Wang Cain at Ah Mu ang kanilang gagawin. "Narito ba si Doctor Lx?!" malakas na sigaw ng Enuech. Kaagad naman din na nagsilingunan ang lahat sa kinaroroonan ni Li Xie kung saan kasama niya si Wang Wei. "Huwag kang mag-alala hindi ito masamang balita," sambit ni Li Xie kay Wang Wei. Tumango na lamang si Wang Wei at saka siya lumabas. Nakita naman din siya kaagad ng Enuech at hindi makapaniwala na isa itong babae. 'Babae? Hindi ba sila nagkamali?' takang tanong ng Enuech sa kaniyang isipan. Kumunot naman ang noo ni Li Xie nang makita niya ang emosyon na mayroon ang Enuech sa kaniyang isipan. Palihim naman na napaismid si Li Xie dahil hindi niya akalain na pati pala sa mundong kaniyang ginagalawan ngayon ay mayroon pa ring hindi makapagbigay nang tiwala sa mga babae. 'Let me show you what I can do and slap your face for your arrogance,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. "I am Lx," walang ganang sambit ni Li Xie. "Kneel," walang emosyon naman na sambit ng Enuech. Alam ni Li Xie ang tungol dito kaya naman talagang lumuhod siya at ganoon din naman ang mga tao sa paligid. Magbabasa ng decree ang Enuech at normal na kapag mayroong nanonood ay maging sila ay luluhod din. Ito ay pagrespeto sa Emperor. "Doctro Lx of Maqi Kingdom Central Market, you are now being summoned at the Imperial palace to meet the Emperor and the Empress in order to discuss the matter that will affect the whole Radiance Imperial Country! You must go and travel with us to day!" pagbabasa ng malakas ng Eneuch. Lahat ay napasinghap lalo na nang tanggapin ni Li Xie ang decree. Hindi nila alam kung malakas lang ba ang loob ni Li Xie o dahil may tiwala talaga siya sa kaniyang kakayahan. 'This is the start of my plan,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD