Nang lumabas na si Li Xie at Wang Wei ay kaagad naman na nagsitingan mata sa mata ang mga tao na nasa ikalawang palapag. Ang ilan sa kanila ay mga nagsikuha pa ng mga kwarto sa ikalawang palapag upang maki-usyoso.
“Ma'am?” tawag ni Li Xie sa ginang na ina ng bata.
Kaagad naman na lumapit ang ginang kay Li Xie. Umiiyak ito at kinakabahan sa kung ano ang maaring sabihin ni Li Xie.
"Gaya ng sinabi ko kanina kapag nakabalik na kayo sa inyong tahanan ay obserbahan mo ang mag tao na kasama mo roon. Kung mayroon man na sumama ang pakiramdam ng walang dahilan alam mo na kung ano ang ibig sabihin nito. Tungkol naman sa sakit ng anak mo, gaya rin ng sinabi ko kanina, hindi ito isang natural na sakit kundi ito ay bigay ng isang tao," paliwanag ni Li Xie.
"O-okay na po ba ang anak ko?" tanong ng ginang kay Li Xie.
Tumango naman si Li Xie. "Okay na ang iyong anak," sambit ni Li Xie at wari mo ay parang isang pindutan na nakapanghina sa ginang. "Magaling na ang iyong anak at ang kailangan na lamang natin na gawin ngayon ay hinayin ang iyong anak na magising," paliwanag ni Li Xie.
"Magising?" takang tanong ng ginang.
Tumango naman si Li Xie. "Lahat ng ginagamot ko ay isa o dalawang araw na hindi nagiging dahil sa gamot na nilalagay ko sa kanila upang hindi nila maramdaman ang sakit," paliwanag ni Li Xie at inayos niya ang kaniyang bag na dala. "Nasa paligid lamang ako at kung may mangyari man sa bata ay malalaman ko kaagad," dagdag ni Li Xie at nagsimula nang umalis.
Bumuhos naman ang luha ng ginang dahil sa sinabi ni Li Xie at hindi siya makapaniwal na gagaling pa ang kaniyang anak. Ang akala niya ay hindi na niya makikita pang makakakita ang kaniyang anak, ang akala niya ay siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon ang kaniyang anak at kaniyang pamilya, ang akala nya siya ang may kasalanan ng lahat, hindi pala.
"Salamat.... salamat..." paulit ulit na sambit ng ginang habang naka-upo siya sa sahig, nakatakip ang mukha ng kaniyang dalawang palad at humihikbi.
Nang makita naman iyon ng mga tao sa ikalawang palapag ay lumambot ng kaunti ang kanilang puso at hindi makapaniwala na nagawa ngang pagalingin ni Li Xie ang bata. Nalaman din nila na hindi ito isang natural na sakit kaya naman nagawa niya itong pagalingin.
Dahil sa pagpapagaling ni Li Xie sa isang bata na mayroong hindi natural na sakit, hindi man nila alam kung anong klaseng sakit iyon ay mas lalo pang naging tanyag ang pangalan ni Li Xie bilang isang Doctor Lx. Samu't saring mga usap usapan ang nabubuo sa mga bibig ng iba't ibang tao kaya naman mas lalo pang kumalat ang pangalang Doctor Lx hindi lamang sa Central Market kundi pati na rin sa buong Maqi Kingdom.
MAQI KINGDOM, LI MANSION
"Wala pa rin bang balita kung kailan uuwi dito si Dufeng?" tanong ni Bai Borie at kita sa kaniyang mga mukha ang pagkainis.
Hindi niya akalain na walang ibang makakaalam sa kung nasaan si Li Dufeng kundi ang ama lamang nito na si Li Zu. Bukod sa kaniya ay ang kapatid din ni Dufeng ang kaso lamang ay kasama ito ni Dufeng.
"Madam, wala pa pong sinasabi si Master Zu," kaagad na sambit ng kaniyang tagapagsilbi na pinapabalik balik niya sa main courtyard.
"Wala pa rin?! Bakit hindi nila sinasabi kung nasaan si Dufeng?! Hindi ba nila alam kung ano nangyayari sa anak niya, ha?!" sigaw ni Bai Borie at hinagis ang kaniyang baso na hawak.
Kaagad naman na napapikit ang tagasilbi dahil tumama sa kaniyang noo ang baso na hinagis ni Bai Borie. Napayukom na lamang ng kamao ang tagasilbi at nilunok ang kaniyang reklamo. Kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin maiaalis sa kaniyang isipan na sa courtyard na iyon siya napunta.
'Bakit kasi sa lahat ng malas ako pa ang napunta sa lugar na ito?!' inis na sambit ng tagapagsilbi sa kaniyang isipan.
"Ang matandang hukluban na iyon," sambit ni Bai Borie at alam ng tagasilbi na hinagisan niya ng baso na si Li Zu ang kaniyang tinutukoy kaya naman napakimbig ang tagapagsilbi.
Hindi akalain ng tagapag-silbi na mayroon pa rin palang tao sa loob ng kanilang mansyon na makakatawag kay Li Zu ng ganoon. Ang alam niya ay ang lahat ay takot kay Li Zu dahil may posisyon siya hindi lamang sa pamilya nila kundi pati na rin sa main house. Hindi man isang qi user si Li Zu ay isa pa rin siyang elder sa main house kaya naman takot ang lahat sa kaniya.
"Kapag talaga malaman ko kung nasaan ang lalaking iyon sisiguraduhin ko na magwawala 'yun," galit na sambit ni Bai Borie.
Hindi na lamang nagsalita ang tagapagsilbi at ito ang gusto ni Bai Borie sa tagasilbing iyon dahil hindi siya nagbibigay ng kaniyang opinyon hindi kagaya ng ibang tagapagsilbi. Hindi lang iyon, wala ring pakialam ang tagapagsilbing iyon sa kaniyang mag gagawin o sasabihin kaya naman hinayaan na lamang niya iyon.
Kaagad niya pinaalis ang tagapagsilbi dahil nakita niya na dumudugo na ang noo nito. Wala siyang pakialam kaya naman hindi niya nakita ang pagyukom ng kamao ng tagapagsilbing iyon. Ilang sandali pa ay kaagad naman na dumating ang isang lalaki na nagbibigay ng mga plano kay Bai Borie.
"Madam," tawag nito.
Nilingon naman siya ni Bai Borie at nang makita ng lalaki na wala sa magandang pakiramdam si Bai Borie ay ngumiti lamang ito at saka nagpatuloy sa kaniyang sasabihin.
"May magandang balita ako kaya naman huwag ka nang sumimangot ng ganiyan," sambit ng lalaki.
Kunot noo naman tumingin sa kaniya si Bai Borie at nagtanong, "Anong magandang balita? Siguraduhin mo lang na maganda talaga iyan dahil kung hindi lagot ka talaga sa akin."
Mahina naman na natawa ang lalaki at saka sinabing, "Mayroong isang doktor na tinatawag na Divine Doctor ng mga taga Central Market. Ayon sa impormasyon na nasagap ko, ang taong ito ay kayang magpagaling ng mga hindi natural na sakit. Mga sakit na nakukuha at binibigay ng mga tao," paliwanag ng lalaki at saka niya niyakap mula sa likuran si Bai Borie. "Hindi mo ba susubukan na pagalingin si Li Liu sa taong iyon?"
"May ganoong tao?" gulat na sambit ni Bai Borie.
"Alam mo kung anong klaseng mga tao ang nasa Central Market," sambit ng lalaki.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Bai Borie at siya na mismo ang nanguna sa mga gagawin nilang dalawa ng lalaki.
BORDER
"Prince Lin Xui Ying?" tawag ng isang kawal kay Lin Xui Ying na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang upuan.
"Bakit?" tanong nito.
Wala namang pasabi ang kawal at pumasok siya sa tent ni Lin Xui Ying samantala si Lin Xui Ying naman ay alerto sa mga maaring mangyari. Hindi pa nila nahuhuli ang traydor kaya marapat lamang na mag-ingat sila.
"Mayroon ka pong sulat," sambit ng kawat at inilahad ang isang puting sobre na mayroong nakasulat na pangalan ni Lin Xui Ying. "Noong una po ay akala namin isa lamang itong pangkaraniwang sulat ngunti nang makita po ni Prince Jing na galing ito sa babaeng nagngangalang Li Xie ay kaagad niya akong inutusan upang ibigay ito sa 'yo," paliwanag ng kawal.
Kaagad naman na tumayo si Lin Xui Ying at nakangiting tinanggap ang sobre na hawak ng kawal. Kaagad niya itong pinaalis sa loob ng kaniyang tent at saka siya bumalik sa pagkakaupo at pinag-aralan ang sulat kamay ni Li Xie sa labas ng sobre.
Totoo ngang si Li Xie ang nagbigay nito sa kaniya dahil sa nakita na ni Lin Xui Ying ang sulat kamay ni Li Xie kaya naman hindi na mahirap para sa kaniya na alamin kung sulat ba ito ng babaeng kaniyang mahal o isa lamang nagpapanggap.
'Great, wala nang gaganda pa sa araw na ito!' masiglang sambit ni Lin Xui Ying.