THE TREATMENT

1832 Words
Nang lumabas na ang ina ng bata na gagamutin ni Li Xie ay kaagad itong pinalibutan ng mga tao na nasa ikalawang palapag upang makasagap ng balita at maipagsabi ibabang palapag. Narinig nila ang usapan ng doktor na kilala nilang Doctor Lx at ng ginang na ina ng bata ganoon pa man ay gusto nilang makasigurado kaya naman tinanong pa rin nilang ginang. Nang makumirma naman nila ang usapan ay kaagad nila itong ipinagkalat sa unang palapag. Napabuntong hininga na lamang si Wang Cain dahil alam niay na wala naman siyang magagawa kahit na pagsabihan niya ang mga ito. Sa kabilang banda naman, si Li Xie ay abala sa paghahanda ng kaniyang mga gagamitin. Bukod sa lason na nasa katawan ng bata ay kailangan din na alisin ni Li Xie ang insekto na nasa mata nito. "Xie, sigurado ka ba na kaya mo talaga? Narinig ko na ang sabi walang doktor ang tumatanggap sa kaso ng batang ito dahil sa hindi nila malaman ang dahilan," sambit ni Wang Wei na halatang nag-aalala rin para sa mangyayari kay Li Xie. Hindi naman kaagad nag-abala na sumagot si Li Xie at inayos ang mga gamit at saka niya tiningnan si Wang Wei. "Mayroong dalawang klase ng doktor," sambit ni Li Xie at saka siya kumuha ng isang karayom na ginagamit niya sa acupuncture. "Una, ang maingat at may alam na doktor. Ang mga ganitogn klaseng doktor ay kadalasan na mas gustong gawin o kaya gamutin ang kanilang nakasanayan na mga sakit. Ang pangalawang klase naman ng doktor ay iyong may alam nga ngunit wala namang kakayahan. Ang ganitong klaseng doktor ay silang kadalasan na nananamantala sa mga nangangailangan. Iyon ay ayon lamang sa mundong ito," kaagad na paliwanag ni Li Xie. "Saan ka sa dalawa?" tanong ni Wang Wei at kinuha ang lalagyanan ng acupuncture at sumunod kay Li Xie. "Wala," kaagad na sagot nito. "Hindi ako ang tipo ng doktor na sumasagip dahil kailangan. Oo, tungkulin ng doktor na sumagip ng buhay ngunit sa mundong ito alam ko na mayroong kakaibang prinsipyo ang mga manggagamot," paliwanag naman ni Li Xie. Hindi naman na nagsalita pa si Wang Wei dahil alam niya na wala rin naman siyang maiintindihan kahit na magtanong pa siya ng magtanong. Unang una sa lahat wala siyang kaalam alam sa mga malalalim na gawain ng medisina. Pangalawa, mas gusto niya ang magnegosyo at mamahala kaysa sa manggamot. Nakita man ni Li Xie na may talento si Wang Wei sa medisina ay hindi pa rin naman niya ito pinilit dahil sa sinabi ni Wang Wei na mas gusto niya ang mamahala ng negosyo. Nilagyan ni Li Xie ng pangpamanhid muna ang bata dahil alam niya na kapag ginamit niya ang acupuncture rito ay magigising ito. Hindi basta basta ang insekto na nasa ulo ng bata dahil kapag nagkamali siya ay siguradong ang utak ng bata ang magiging pagkain ng insekto. Nang malagyan na ng pampamanhid ang bata ay kaagad na binalutan ni Li Xie ng mana ang buong katawan ng bata. Ginawa to ni Li Xie dahil kung sakali man na mayroong hindi magandang mangyari, ang lason ay hindi kaagad kakalat sa buong katawan ng bata at hindi ito kaagad mababawian ng buhay habang nag-iisip pa si Li Xie ng kaniyang gagawin pang mailigtas ito. Inisa isa na rin naman na ilagay ni Li Xie ang kaniyang mga malalaking karayom na mayroong dragon na nakaukit sa hawakan nito sa ulo ng bata. Mayroon sa noo, sa gilid ng mata, at sa kung saang arte ng mukha. Ito ay upang hindi umalis ang insekto na nasa mukah nito. "Wei," tawag ni Li Xie at kaagad din naman na lumapit si Wang Wei. "Bakit?" "Kapag nailagay ko na ang apat na karayom na ito sa dibdib ng bata at nakita mong nangitim ang gitna gusto ko na hiwain mo ito kaagad," pagbibigay ng utos ni Li Xie. "Hiwain? Gaya noong unangeses mo akong tinuruan?" dagdag naman na tanong ni Wang Wei. Tumango naman si Li Xie. "Alam ko na mas gusto mong mamahala ng negosyon ngunit sa oras na ito kailangan ko ng katuwang rito," seryosong sambit ni Li Xie at tumango naman si Wang Wei. "Alam mo na naman iyon, hindi a?" "Yes," kaagad a sambit Wang Wei. Sa kanang dibdib ng bata ay kita ni Li Xie ng pamamaga nito pati na rin ang kaunting pangingitim nito. Kung hindi mo tititigan ay talagang masasabi mo na isa itong pasa. Ganoon pa man, kung ilalapit at talagang pag-aaralan ay masasabing malayo ito sa pasa at talagang kailangan na magpatingin. Sinimulan nang punasan ni Li Xie ng isang bulak ang dibdib ng bata na mayroong alcohol at saka niya tinusok ang mga karayom sa mga nararapat na pwesto. Nang maiagay naman na lahat ni Li Xie ang apat na karayom ay kaagad na rin naman na ginawa ni Wang Wei ang sinabi ni Li Xie sa kaniya. Hinati niya ng tama sa laki ang dibdib ng bata at saka naglabasan ang mga maiitim na dugo. Kaagad din naman ito na sinalod ni Li Xie upang ipakita sa ina ng bata at upang mabigyan siya ng babala. "Ano mag oa ay gagalaw na ang insekto sa mata ng bata," sambit ni L Xie at kaagad naman na tumango si Wang Wei upang sabihin na naintindihan niya. Ilang sandali pa ay unti unti nang nakita nina Li Xie at Wang Wei ang pamumula sa mukha ng bata. Nakikita nila na ang pulang part na ito ay gumagalaw kaya naman nagkatinginan ang dalawa. "Iyan ba ang insekto?" tanong ni Wang Wei at tumango naman si Li Xie. "Saan ito nakukuha?" Bago pa man sagutin ni Li Xie ang tanong ni Wang Wei ay kinuha na muna niya ang isa pang natitirang karayom at tinusok ito sa parte ng mukha ng bata kung saan naroon ang mala-uod na pamumula na gumagalaw galaw pa. "Hindi ito isang normal na insekto lamang," kaaga na sagot ni Li Xie at namang makita naman ni Wang Wei ang itsura ni Li Xie eay alam nito na talagang malaking pangyayari ito. "Ang insekto na ito ay tinatawag na Gu insect kung saan ito ang mga ginagamit ng iban tao upang pahirapan ang isang tao. Ang ganitong klase ng insekto ay makikita lamang sa Dark Empire, hindi ko alam kung bakit ito narito," paliwanag ni Li Xie. "Kung galing sa Dark Empire ang Gu insect, bakit narito ito ngayon? Xie hindi kaya may nakapasok na taga Dark Empire dito sa Radiance Empire?" Hindi naman kaagad nakapagsalita i Li Xie dahil isa rin iyon sa kaniyang pinag-aalala. Tumingin ito kay Wang Wei at inilagay niya ang kaniyang kanang hintuturo sa bibig niya upang sabihan si Wang Wei na manahimik na lamang muna. "Hindi natin alam kaya manahimik na muna tayo. Hindi maganda kung mangunguna tayo sa mga bagay bagay." Tumango na lamang si Wang Wei at sinunod ang sinabi ni Li Xie. Para naman kay Li Xie, itinatak niya sa kaniyang isipan na sasabihin niya iyn kay Lin Xui Ying kapag natapos na siya sa gawain na ito. Alam ni Wang Wei at Li Xie kung gaano ito kadelikado kaya naman sinarili na muna nila ang usapang iyon. Itinapad ni Li Xie ang kaniyang palad sa mukha ng bata at saka ito pumikit. Inilagay ni Li Xie ang ilang mana niya sa kaniyang palad t saka siya naglagay ng mana sa kaniyang lalamunan at nagsimulang kumanta. 'Huh? Bakit kumakanta si Xie?' takang tanong ni Wang Wei sa kaniyang isipan. Ang Gu insect na nasa mukha ng bata ay isang insekto kung saan ito ay nagbibigay ng reaksyon sa mga magagandang melodiya. Nalaman ito ni Li Xie dahil sa kapag siya ay nagsasalita ay gumagalaw ito at kapag si Wang Wei naman ay hindi. Kitang kita ni Wang Wei ang paggalaw ng insekto sa mukha ng bata dahil nagbibigay ito ng reaksyon sa boses at mana ni Li Xie. Kahit na nasa loob pa ito ng balat ng bata ay alam niya na malaki laki na ito. Mga isang pulgada ang haba. 'Yayks! Ang laki na ng insektong iyon! Kung ako sa batang ito siguro sumuko na ako. Ang tibay mo naman, bata,' pagbibigay ni Wang Wei ng kumento a kaniyang isipan. "Wei, kapag sinabi ko na alisin mo na alisin mo na ang karayom na nakatusok sa insekto ay alisin mo na, maliwanag?" Nakapikit na sambit ni Li Xie. Tumango naman si Wang Wei kahit na alam niya na hindi naman ito makikita ni Li Xie at saka sinabing, "Okay, ako bahala." Tinatanggalan ni Li Xie ng kontrol ang may-ari ng Gu insect sa pamamagitan ng kaniyang mana. Kung hindi niya gagawin ito ay sigurado si Li Xie na babalik at babalik ang Gu insect na ito at pupunta sa pinaka ilalim na parte ng utak ng bata. 'This is the first time na talagang ginamit ko ang mana ko sa ganitong bagay,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. Pinagpapawisan nang kaunti si Li Xie dahil sa hirap siya natanggalin ang kontrol ng Gu insect na iyon sa may-ari ng Gu insect. Isa lamang ang ibig sabihin nito, malakas ang tong iyon. Ganoon pa man, hindi pa rin naman nagpatalo si Li Xie at ilang minuto lang ang nakalipas ay bumigay na rin ang may-ari ng Gu-insect. Nang maramdaman ito ni Li Xie ay kaagad naman na pinatanggal ni Li Xie kay Wang Wei ang karayom na nakatusok sa Gu insect at saka naman ginamit ni Li Xie ang kaniyang mahika upang maigalaw ang nanghihinang Gu insect at mapalabas sa mga mata nito. "Xie, sa tingin mo ito talaga ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang paningin?" tanong ni Wang Wei. "Sigurado ako," kaagad naman na sagot ni Li Xie at napasalampak siya sa upuhan hindi malayo sa kanila. "Kung may iba pa e 'di sana nakita ko ito," puno ng kumpyansa na sambit ni Li Xie. "Hihintayin na lamang ba natin na magising ang batang ito?" tanong ni Wang Wei habang nilalagyan niya ng benda ang mga mata ng bata. Naka-upo at nakasandal ang likod at ulo ni Li Xie sa sofa habang ang kaniyang mga mata ay nakapikit. Tumango siya bilang sagot. "Huwag mo na muna papasukin ang ina ng batang ito," sambit ni Li Xie at huminga ng malalim. "Pagpahingahin mo muna ako ng ilang sandali," dagdag pa niya. Mahina naman na natawa si Wang Wei at hinayaan na lamang niya si Li Xie na magpahinga muna ng ilang sandali habang nililinis niya ang ma dugo sa katawan ng bata at inalis ang mag karayom na nakatusok sa katawan ng bata. Tinuruan n Li Xie si Wang Wei sa pag-acupuncture ngunit tanging ang pagtanggal lamang ng karayom sa katawan ng tao ang kaya niyang gawin ng tama pati na rin sa pagagawa ng gamot. Nang makabawi naman ng lakas si Li Xie ay kaagad na siyang tumayo at lumabas upang ipaliwanag sa ina ng bata ang mga dapat, hindi dapat, at maging ang dahilan na rin ng sakit ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD