Kinagabihan nang matapos mag-usap sina Lin Xui Ying at Li Xie ay kaagad din naman na sinabihan ni Li Xie na gusto niyang makausap ang Empress at Emperor. Ngunit siya lamang mag-isa. Hindi alam ni Lin Xui Ying kung ano ang iniisip ni Li Xie ngunit may tiwala siya rito kaya naman sinabi niya na ihahatid na lamang niya si Li Xie sa silid ng Emperor at Empress para walang problema. Hindi na nagsalita o umangal pa si Li Xie noon dahil alam niya na kapag hinindian pa niya ang tulong ni Lin Xui Ying ay hindi lamang gaganda ang pakiramdam nito. Alanganin na ang oras nang makarating sina Li Xie at Lin Xui Ying sa Imperial Palace at lahat ay nasa kani-kaniya ng mga silid. Kapag nakikita naman ng mga kawal si Lin Xui Ying ay kaagad silang nagbibigay nang galang ngunit kapag lumalampas na si Lin Xu