Umaga na nang magising si Li Xie at kaagad na naisip niya na bisitahin ang nag-iisang tao na naging sandalan ni Li Xie noong nawala ang kaniyang magulang, ang isa sa mga taong nagtanggol sa kaniya at ang naging resulta ay nahiwalay siya sa lahat. 'Makakapasok kaya ako roon?' takang tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan. 'E kung sabihan ko kaya si Muen?' dagdag niya. Napapa-isip si Li Xie kung paano siya makakapasok sa Royal Institute nang hindi nahihirapan. Ayaw niya na magkaroon ng hindi magandang imahe sa Royal Institute kaya naman napapa-isip siya kung paano siya makakapasok roon. Sa kailaliman ng kaniyang pag-iisip ay naramdaman naman ni Li Xie na mayroong ibang tao sa harapan ng kaniyang silid kaya naman napatingin siya rito. Inasahan na kaagad ni Li Xie na kakatok kaagad ito at kuma