Masayang nag-umpisa ang pagdiriwang sa loob ng palasyo at ang lahat ng mga kapanalig ng bagong Emperor ay talagang natutuwa at napapakinabangan ang kanilang pagsuporta sa bagong Emperor. Nagagawa nilang maliitin ang mga taong hindi pabor sa bagong Emperor at kapanalig ng dapat na magiging Emperor. Nakangalumbaba lamang ang Emperor habang pinapanood niya na nagsasaya ang lahat at natutuwa pa rin naman siya na binibigyan pa rin naman siya ng importansya ng mga taong ayaw sa kaniya. Alam niya na ang mga ito ay kapanalig ng kaniyang kapatid, ang taong dapat na naka-upo sa kaniyang trono ngunit hindi niya ito maaring baliwalain dahil isa sila sa mga pillar ng kanilang imperyo. Kung babaliwalain niya ang mga ito ay siguradong siya lang din naman ang maghihirap. "Wow, may pagdiriwang pala nguni