Hindi niya gustong protektahan ang kawal ngunit wala itong mali at nag-ulat lamang siya kaya naman magbibigay na lamang siya ng opinyon. Kung papatayin pa rin siya ng kaniyang kapatid na si Fang Miao ay wala na siyang magagawa pa. "Wala kang pakialam doon! Pugutan ng ulo iyan!" Kaagad na kinakitaan nang takot ang mga mata ng kawal at gustuhin man niya na tumakbo papalayo ngunit hindi niya magawa. Ilang sandali pa ay nagkaroon na ng kulay pulang likido sa sahig ng main hall. "Ikulong ang Ika-limang Prinsipe at huwag na huwag papalabasin sa kaniyang silid!" pagdaragdag pa sa mga utos ni Fang Miao. "So pipigilan mo silang makatakas kaya mo ako ipapakulong? Tapos ano? Papatayin mo ako sunod?" walang emosyong sambit ni Fang Jian. Walang emosyon man ngunit walang tigil naman ang kaniyang pu