Dahil sa mana na pinakawalan ng lalaki ay kaagad ito nakakuha nang atensyon ng ibang mga magic user. Nang maramdaman ni Li Xie ang ibang magic user na papalapit na at ang ilan dito ay kilala siya ay kaagad siyang umupo at nagpakita ng takot sa kaniyang mga mata. "Matapos nang mga paghihirap ko sa mansyon dahil sa inyo nina Bai Borie at Li Liu ay gusto mo akong ibalik roon?! Ako ba ay pinapatawa mo?! Hindi na ako babalik!" madiin na sambit ni Li Xie. Alam ni Li Xie na narinig ito ng mga magic user na nagpunta sa kanilang lokasyon. Base sa reaksyon ng lalaki na nasa kaniyang harapan ay hindi niya naramdaman ang mga taong nasa paligid at sa mga mata ni Li Xie ito ay dahil sa karayom. "Babalik ka at pagsisilbihan silang muli! Bakit naging okay ka pa ba?! Sana hinayaan mo na lamang na mam