Nang magsimula nang magtipa si Li Xie sa piano ay nagsimula nang marinig ng lahat ang maganda at malumanay na tunog mula sa instrumento na gamit ni Li Xie ay hindi sila makapaniwala. Hindi nila akalain na ang isang malaking kulay puting bagay na mayroon lamang tatlong paa ay kayang lumikha nang napakagandang tunog. Ang mga taong mahilig sa instrumento na napapadaan lamang sa Central Market upang magpalipas ng gabi ay kaagad na nagkaroon ng interes sa instrumento na ginagamit ni Li Xie. Gusto rin nila magkaroon nito. Ngunit nag-iba ang kanilang isipan nang marinig nila ang malumanay, mapanghikayat, at magandang boses ni Li Xie. Ang mga noble na tao na nasa loob ng Central Market na siyang sanay na makapanood ng mga nagtatanghal ay hindi makapaniwala na ngayon lamang nila nakilala ang ba