Dahil ang sa ulo na lamang ni Li Dufeng ang walang black magic ay hiniwaan ng maliit ni Li Xie ang likod ng tenga ni Li Dufeng upang doon lumabas ang mga maiitim na dugo. Sinalod naman ni Li Xie ang basin na walang laman doon at nagugulat sina Li Chao kapag nakikita nila ang itim na dugo na lumalabas doon kapag mayroong itinuturok na karayom si Li Xie sa dibdib ni Li Dufeng. Nang unang tumigil si Li Xie sa pagtusok nang mga malalaking karayom ay akala nila tapos na ngunit hindi pala, hinihintay lamang ni Li Xie na maubos ang lason na dala ng black magic sa dugo ni Li Dufeng. Nang matapos iyon ay nagpahinga nang sandali si Li Xie at tinanggal niya ang mga karayum na nakatusok sa dibdib ni Li Dufeng at saka naman nila pinadapa si Li Dufeng. "May mga daluyan ng mana sa likuran natin," sambi