Dahil sa ibang kakayahan ni Li Xie ay dahil na rin sa kakaiba sa kaniyang katawan ay ramdam niya na mas mabilis siyang makabawi kaysa sa normal na magic user. Ang normal na magic user kapag deplited ang kaniyang mana ay talagang inaabot ng hindi lamang limang araw bago makabawi minsan ay inaabot din ng ilang daang araw. Para kay Li Xie ang kaniyang katawan ay komportable sa pagkuha at paggamit ng mana. Ito rin ang alam ni Li Xie kung bakit malakas ang kaniyang mana. Hindi lamang iyon, ang kaniyang daluyan ng mana ay mas malaki kaysa sa normal na daluyan kaya naman hindi nahihirapan si Li Xie na gumamit ng mana hindi gaya ng ibang mga magic user. Nang makabawi ang kaniyang lakas ay kaagad din naman niya narinig ang pinagsasabi ng Imperial Doctor dahilan kung bakit siya nainis at nawala an