"Dufeng!" bulalas ni Li Chao nang makita niya na bumukas ang mga mata ni Li Dufeng. "Brother Dufeng, naririnig mo po ba ako? Nakikita mo po ba ako?" sunod sunod na tanong ni Qin Quin Xi. "Dufeng…" mahina namang sambit ni Li Zu. Napabuntong hininga na lamang si Li Xie nang makita niya ang naging reaksyon nina Li Zu, Li Chao, at Quin Quin Xi. Kaagad naman din niya na pinalayo ang tatlo at sumundo naman sila. Nagtaka naman sila Li Chao kung saan galing ang isang maliit na bagay sa kaniyang kamay at nagulat pa sila nang pindutin ito ni Li Xie ay nagkaroon ng ilaw. 'Oh, wala nga palang flashlight dito,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan dahil nahagip ng kaniyang paningin ang mga reaksyon ni Li Chao, Qin Quin Xi, at Li Zu. Nang makita naman ni Li Xie na may buhay na ang mga mata ni Li Du