Sa hindi malamang dahilan ay talagang mayroong takot sina Lin Xui Ying at Lin Jing sa magkaparehas na awra na binibigay nina Li Xie at Li Muen. Hindi nila akalain na magkaparehas sila nang tipo sa babae na hindi lamang puro ganda ang inilalaban kundi mayroon ding kakayahan at katalinuhan. "Sino ang nag-utos na gawin mo ito sa amin?" tanong ni Lin Jing. Bago pa man magsalita ay humagalpak na nang tawa ang lalaking magic user dahil sa tanong ni Li Xie. "Kahit na ano pang gawin ninyo, kahit na anong sabihin ninyo hinding hindi ninyo ako mapapaamin! Kahit idamay pa ninyo ang pamilya ko wala akong pakialam!" sambit ng lalaki. Alam ng lalaking ito na kapag nahuli siya ay talagang katapusan na niya at kahit na hindi man niya nagawang saktan ang mga ito ay masaya pa rin siya na nakagawa si