Nang makabalik sina Li Xie at Lin Xui Ying ay nakita naman kaagad nila na nakaayos na ang lahat. Lahat ng kawal maliban sa mga nasa tent kung saan nanggagamot si Li Xie ay nakapila nang maayos at naghihintay kina Lin Xui Ying at Li Xie. Nang maramdaman naman ni Lin Jing ang presensya ng dalawa ay kaagad niya itong nilingon. Hindi man nagbago ang kawalan ng emosyon ni Lin Jing sa kaniyang mukha ngunit ramdam na ramdam naman ng lahat ang nakakatakot na awra ni Lin Jing. Kung hindi lamang kilala ni Li Xie si Lin Jing ay sigurado na makakaramdam din siya ng kaunting takot ngunit dahil kakampi ito ay hindi na niya ito kailagan pang katakutan. "Nahuli namin itong tao na ito," sambit ni Lin Xui Ying at saka niya hinagis ang tao na nakalaban nilang dalawa ni Lin Xui Ying. "Isa na siyang Elit