Ang lahat ay nagkakagulo lalong lalo na ang pamilya na mayroong nawalan ng magic user noong panahon ng ekspedisyon. Unang una, hindi nila alam ang kanilang gagawin kung makita nilang muli ang mga taong matagal nang nawala sa kanila. Ang iba ay nag-aalala, ang iba ay nagsasaya, at ang iba naman ay parang nagkaroon muli ng pag-asa na makitang muli ang mga mahal sa buhay na akala nila ay wala na. Hindi man nila alam kung buhay pa man ang kapamilya nila ngunit nagbabakasakali sila na sana nga ay buhay pa. Samantala bago pa man marinig ng lahat ang balita tungkol sa mystic gate na pinasukan ng mga magic user ay natanggap na kaagad ng Li Family sa Maqi Kingdom ang balita mula kay Li Chao. Halos napaiyak at hindi naman na makahinga si Li Zu nang mabalitaan niya ito. Hindi niya akalain na mayro