Nagising na lamang si Li Xie nang maramdaman niya ang isang pamilyar na mana. Kaagad siyang tumagilid at humarap sa kaniyang kanan at saka niya niyakap ang taong tumabi sa kaniya. Sa sobrang sensitibo ni Li Xie sa mana ay hindi na alam ni Lin Xui Ying kung maganda ba ito para kay Li Xie o hindi. “Hindi ko maramdaman sina Li Hu rito,” mahinang sambit ni Lin Xui Ying habang hinahaplos niya ang ulo ni Li Xie. “Wala na sila rito,” mahina at inaantok na sagot naman ni Li Xie. “Pinadala ko sila sa isang lugar kung saan ako lamang ang nakakaalam,” dagdag nito. “System?” kaagad na sambit ni Lin Xui Ying. Hindi naman sumagot si Li Xie at tumango na lamang ito. Gaya nga nang napag-usapan, matapos nilang pabagsakin si Bai Borie ay kaagad na rin naman na inumpisahan ni Li Xie ang pagsasanay ng