"Bakit kayo ang haharap sa amin?! Hindi ba kami magawa harapin ng Elders ninyo?!" sigaw ng isa. Ipinag-krus lamang ni Li Xie ang kaniyang braso at hinayaan niya na si Li Hu ang magsalita dahil kung siya ang magsasalita ay siguradong walang maganda na lalabas sa bibig niya. Sigurado rin naman siya na hindi nito mapapahupa ang nangyayari ngayon. "Una sa lahat, hindi maganda ang lagay ng Elders namin dahil sa nangyari. Kung biglang umatake ang isang black magic user masasabi ba ninyo na okay lang kayo?" tanong ni Li Hu at natahimik ang lahat. "Una sa lahat hindi namin kasalanan kung bakit nagkaganoon si Bai Borie. Pangalawa, black magic user na siya bago pa man siya makapasok sa pamilya namin at wala kaming kaalam alam. Ngayon, sabihin ninyo, paano namin naging kasalanan iyon?" "Dahil pina