Mayroon pa siyang pasyente kaya naman hinayaan na lamang muna niya ito. Nang matapos niya tingnan ang pasyente at napagaling ito ay kaagad siyang tumayo at sumabay sa pasyente na lumabas. "Ako ang asawa ng Master ng Li Family second branch bakit hindi ninyo ako padaanin at pagbigyan! Kailangan ko makausap ang Divine Doctor na iyan upang mapagaling ang anak ko! Magbabayad ako ng malaki!" sigaw ni Bai Borie. Ang mga noble naman na pumila ay nanonood lamang at walang balak na tumulong. Alam nila na mayroong karamdaman si Li Liu at base sa pagiging desperada ni Bai Borie ay talagang hindi maganda ang lagay nito. Ganoon pa man, may iilan pa rin sa mga noble ang hindi natutuwa dahil sila ay sumusunod sa patakaran na ibinigay sa kanila ni Li Xie bilang si Doctor Lx. Ang mga noble na ito ay nag