"Ying…" mahinang tawag ni Li Xie. Ilang segundo pa lamang ang nakakalipas ay kaagad na nakita ni Li Xie ang pamilyar na pigura. "Xie'er…" mahinang sambit at talagang nag-aalalang tawag ni Lin Xui Ying kay Li Xie. "Okay na ako…" mahinang sambit ni Li Xie at lumapit naman sa kaniya si Lin Xui Ying at binigyan ng halik. "Pakitawag na ng Imperial Doctor," sambit nito. Kaagad naman na tumango si Lin Xui Ying at nag-utos ng kawal. Ilang sandali pa naman ay dumating na rin naman ang Imperial Doctor. "Prince Xui Ying, Princess Xie…" pagbabati ng Imperial Doctor at kaagad naman na lumapit ito sa dalawa. "Gusto kong tingnan mo siya," sambit ni Lin Xui Ying at may pagka-otorisado sa boses. Kaagad naman din siyang sinunod ng Imperial Doctor at kaagad na pinulsuhan si Li Xie. Kumunot ang noo ng