Bukod sa mga magic user ay may mga qi user din naman na nakikipanood dahil sa ganda ng pinapakita ng pagbabalat kayo ng mana ni Li Xie. Ito ang una nilang pagkakataon na makapanood ng ganito at talagang itinatatak nila ito sa kanilang isipan. "Wow! Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong mana!" sambit ng isang magic user. "Ako rin. Sobrang ganda," dagdag pa niya. "Hindi ba mayroong lebel sa inyong mga magic user na doon lamang nakikita ang mana?" tanong ng isang qi user. Umiling ang isa. "Noon, nang hindi pa nawawala ang mga malalakas na magic user na mayroong kaalaman sa lahat ay maraming nakakagawa niyan. Ngayon, hindi na." "Ibig mo bang sabihin na salat sa kaalaman ang mga magic user ngayon?" nag-aalangan naman na tanong ng isang qi user. Ngumiti lamang ang mga magic