"Sinasabi n'yo bang walang magic user doon?" Kunot noong tanong ni Lin Jing. Kaagad din naman na tumango sina Gu Liam, Liu Xiam, at iba pang mga tao sa Li Family. "Paano nangyari iyon gayong sigurado naman ang Emperor at Empress na ito ang parehas na mystic gate na pinasok ng mga magic user," dagdag pa na sabi ni Lin Jing. "Iyon din po ang aming pinagtataka," sambit ni Gu Liam at saka ito napabuntong hininga. "Noong una akala namin ay makikita namin sila sa huling gusali ngunit hindi, wala kaming tao na nakita hanggang sa gumuho ang gusali. Mabuti na lamang at napakasensitibo ni Princess Xie sa mana at nakita niya ang isang sulat na iniwan nila. Nang matapos niyang mabasa iyon ay mayroon na lamang biglang nagsilabasan na malalaking kulay puting tao. Hindi namin iyon inaasahan at ang unan