Pinanood nila ang pagguho ng gusali na kanilang pinasukan at ang paglamon ng lupa sa gusaling ito. Ang ilan sa mga kakaunti lang ang nakuha ay nagrereklamo at nagtatanong sa kung sino sa kanila ang dahilan ng pagguho ng gusali. Walang umaamin at wala rin namang aamin dahil ang dahilan ng pagguho ay ang pagkakaroon ng master ng isang ancient contractual beast na nasa ikatlong palapag. Napansin naman ni Mu Qi na nasa hindi kalayuan si Li Xie at ang ilan sa mga Li Family, hinahanap nila si Li Xie at nang makita nila si Li Xie ay kaagad silang nagmadali patungo rito. Si Mu Qi naman ay naglakad patungo kay Li Xie. "Princess Xie," pagbibigay ng bati ni Mu Qi at napatingin naman sa kaniya si Li Xie. "Mu Qi, tama ba?" tanong nito at tumango naman si Mu Qi. "Ikinagagalak ko na malaman na