STRANGE MAN [1]

1608 Words
Tumaas ang kilay ni Li Xie nang makita niya ang dalawang elemento sa kamay ng lalaki na nasa harapan niya. ‘Akala ko ba isang elemento lamang sa isang tao? Bakit ang isang to dalawa? Abnormal ba siya?’ Mahina naman na tumawa ang lalaki. “Mukha bang hindi kapani-paniwala? Hmm?” Humalukipkip si Li Xie at saka niya tiningnan ng maigi ang lalaki. “Sabihin mo, sinong tao ang magtitiwala sa taong kakakita pa lamang niya?” “Oh!” kaagad na reaksyon ng lalaki sa sinabi ni Li Xie at saka ito tumayo ng maayos. “Ako nga pala si Yu Ying,” pagpapakilala nito. Hindi naman kaagad nagsalita si Li Xie. Tinitigan muna niya si Yu Ying mula ulo hanggang paa saka nito inaral ang kaniyang ekspresyon. ‘Sht! ‘Di ko alam na may pogi pala dito! At ang nasa harapan ko pa!’ Tumikhim si Li Xie at saka niya inilahad ang kaniyang kanang palad nang makita niya na wala namang problema kay Yu Yung. “Li Xie,” sambit nito sa kaniyang pangalan. “Anong kondisyon mo?” tanong niyang muli. Imposible man sa mga magic user na maramdaman kung sino ang kapwa nilang magic user ay alam pa rin naman ni Li Xie na mas malakas ito. Napanganga naman si Li Xie nang makita niyang bigla na lamang bumagsak ang lalaki sa kaniyang harapan. Napasabunot ito sa kaniyang buhok dahil sa nangyari. ‘Gagawin pa ata akong nanny ng isang ‘to para turuan ako,’ sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at saka ito napabuntong hininga. Dahil sa kakayahan ni Li Xie na manggamot ay alam niya kung alin sa mga halaman sa paligid ang mga mabisa sa iba't ibang klaseng sitwasyon ng panggamot. Alam ni Li Xie na hindi niya maaring basta basta lamang gamitin ang kaniyang mga western medicine gayong ang mga ito ay hindi kilala sa mundong ginagalawan niya ngayon. Ganoon pa man, wala siyang balak na hindi ito ilabas dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon ay kailangan niya ng pera. Kaagad na kumuha si Li Xie ng anaesthesia sa kaniyang system dahil kakailanganin niya ito upang walang maramdaman na sakit ang pasyente. Kinuha run naman niya ang kaniyang scalpel para hindi siya mahirapan sa paglilinis ng sugat ng lalaki. Hirap man ay nagawa pa rin naman ni Li Xie na mabuhat ang lalaki na nahimatay sa kaniyang harapan. Kaagad niyang itinurok ang anesthesia sa lalaki at nagsimula nang linisin ang sugat. Matapos noon ay inalis niya ang mga laman na nabubulok na dahil sa lason at saka niya inilagay ang isang halaman na nakita niya habang naglalakad patungo sa kweba. Hindi man alam ni Li Xie ang tawag sa halaman na iyon ngunit alam niyang isa itong pambihirang gamot kaya naman kumuha siya ng pagkarami rami at nilagay sa kaniyang system upang hindi masira. Tinayawag ito ni Li Xie na anti-poison herbal plant kung saan kahit na anong lason na hindi ininom ng pasyente ay kaya nitong alisin sa kayawan. Nang inilagay ni Li Xie ang anti-poison herbal plant na dinikdik niya sa sugat ng lalaki ay ilang sandali pa lamang ay nagsilabasan na ang mga dugo na kulay itim at ang ilan ay buo pa. ‘Hmm, what should I do with his wound? Hindi ko naman pwedeng tahiin iyan dahil ‘di naman iyon normal dito.’ Napaisip ng sandali si Li Xie at saka niya naisip ang Acupuncture. Hindi na sa kaniya bago ang acupuncture dahil simula pagkabata pa lamang niya ay tinuruan na siya na gawin ito. Ginamit niya ang acupuncture upang mapatigil ang pagdurugo ng sugat ng lalaki. Napangiwi naman si Li Xie nang makita niya na may iilang buto rin na wala sa ayos at may iilan naman na nabali. "Anong pinaggagawa mo sa buhay mo at marami kang natamo?" tanong ni Li Xie sa lalaki na hindi naman siya masasagot. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang siya at saka niya ginamit ang bone setting technique na tinuro sa kaniya ng isang matanda noong magpunta sila sa isang bansa. Sa una ay hirap na hirap siya ngunit kinakitaan siya ng potensyal ng matanda kaya naman ay tinuro niya ang lahat kay Li Xie. Sa huli, hindi rin naman ito nagamit masyado ni Li Xie dahil tatlong buwan matapos ituro sa kaniya ang bone setting technique ay namatay na silang dalawa ng kaniyang pinsan. 'Cacha' Puro tunog ng buto na inaayos ang nariringi sa buong kweba kaya naman kung may ibang tao na makaririnig nito ay iisipin na mayroong pinapalakol na malaking kahoy. Ilang minuto pa lamang ay pinagpawisan na si Li Xie at alam niya ang ibig sabihin nito, hindi pa siya nasa maayos na kundisyon para sa bone setting technique. Ganoon pa may ay kailangan niya tapusin ang pag-aayos ng buto ng lalaki dahil mas lalong malaki ang kapalit kapag itinigil niya ito. Ilang oras din ang nakalipas ay napahiga na lamang si Li Xie sa tabi ng lalaki. Maayos ang pagkakalagay ng benda sa kaniyang dibdib, tagiliran, pati na rin sa hita. Kung hindi isang eksperto sa mediko si Li Xie ay siguradong namumula na siya sa hiya dahil sa pagtaas niya ng pang-ibaba ng lalaki para lamang maalinis at maisaayos ang mga buto nito. Tinitigan ni Li Xie ang lalaki at doon ay nakita niya ng maayos ang mukha nito. 'Gwapo ka, may talento, at mukhang hindi ka rin naman mahirap kaya bakit? Bakit narito ka at nag-aagaw buhay? Kung wala ako paano ka?' Ipinikit na lamang ni Li Xie ang kaniyang mga mata dahil alam niya na hindi naman siya masasagot ng lalaki. Paano siya masasagot kung hindi nama niya sinabi ang tanong niya? Nang magising si Li Xxie ay nakita niya na nanginginig ang lalaki at pinagpapawisan ito. Nang ilagay niya ang kaniyang likod ng palad sa noo ng lalaki ay doon niya nalaman na mataas ang lagnat nito. Alam niya na dahil ito sa mga sugat na natamo niya at kahit na nalinis na niya ang mga ito at nagawan ng paraan upang hindi na lumala ay hindi pa rin ito sapat. Syempre dahil hindi naman niya ginamit ang mga kakayahan na mayroon siya. Sa huli ay kumuha ng iba't ibang klase si Li Xie ng mga gamot. Hindi lamang tradisyunal na mga gamot kundi pati na rin ang mga western medicine na mayroon siya sa kaniyang system. Kumuha na rin siya dalawang IV drip upang gamitin sa lalaki. KINAUMAGAHAN Nang makita pa rin ni Li Xie na wala pa ring pag-asa na magising ang laalaki ay umalis siya upang maghanap ng mga halamang gamot. Hindi niya kabisado ang mga halamang gamot sa mundong iyon ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay alam niya kung alin ang mga gamot na halaman sa mga normal na halaman lamang. Kusa rin naman na pumapasok sa kaniyang isipan ang mga gamit ng mga gamot na ito ngunit hindi ang pangalan nito. Nakarating sa pinaka sento ng gubat si Li Xie at doon ay nakita niya na maraming mga halamang gamot doon. Inunti unti niyang kunin ang mga ito. "Bakit kaya wala masyado akong tao na nakikita?" tanong ni Li Xie sa kaniyang sarili at saka niya inilibot ang kaniyang paningin. Nagbigay naman siya nang kakaibang ngiti nang maisip niya na sa kaniya lamang ang mga halamang gamot na nasa gitna ng gubat. "Well, mas maganda na rin naman ang ganito," sambit niya sa kaniiyang sarili. Nang makita rin naman niya na mayroong maliit na lawa sa gitna ng gubat ay kaagad siyang naghubad ng kaniyang hanfu na damit at saka niya ito nilagay sa kaniyang system kasama ang mga nakuha niyang mga halamang gamot. 'Mahirap na baka mamaya manakaw pa sa akin,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan. Ipinikit niya ang kaniyang mata nang makalubog siya sa tubig at kaagad na napadilat. "What the hell?! This lake is full of mana!" bulalas niya. Inilibot niya ang kaniyang tingin at nakita niyang wala ng iba pang tao sa paligid kundi siya lamang. Mas lalo siyang napangiti dahil hindi niya akalain na makakakita siya ng napakalaking kayamanan. 'I guess I have to concentrate,' kaagad na sambit ni Li Xie at ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Unti unti niyang pinakiramdaman ang mga mana na nasa paligid at ang mga mana na ito ay mas puro kay sa mana na kaniyang nararamdaman sa kweba. Sa puntong iyon ay alam ni Li Xie na ang mana na nararamdaman niya sa kweba at kaniyang kinukuha at nilalagay sa kaniyang katawan ay nagmula rito sa lawa na kaniyang pinapaliguan. Unti unti itong inilagay ni Li Xie sa kaniyang katawan at ramdam na ramdam niya ang pagkakaiba nito sa mana na nakukuha niya sa kweba. Mas malakas, mas puro, at kung hindi magiging maingat ay makakasira ito sa isang magic user. Unti unti ay nararamdaman ni Li Xie na papaalis na siya sa level three at hindi rin naman nagtagal ay nakalagpas na siya rito at nag-advance patungong level four. Kaagad naman na tumayo si Li Xie at saka kumuha ng panibagong puting hanfu sa kaniyang system at saka naglakad pabalik. Gustuhin man niya na magtagal doon ay hindi niya magawa dahil kapag hindi niya nilimitahan ang kaniyang sarili ay makakasama lamang ito sa kaniya. Sa ngayon, ang kaya lamang ng kaniyang katawan ay ang makapag-advance patungo sa level four. Bago pa man makarating sa kweba na kaniyang tinutuluyan at pinag-iwanan sa lalaki ay kaagad niyang kinuha ang bayong na puno ng mga halamang gamot at saka pumasok sa loob. "You're such an idiot for having a multiple damange in your body," kumento ni Li Xie sa lalaki nang makita niya na hindi pa ito gising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD