STRANGE MAN [2]

1892 Words
Inilapag niya ang bayon ng puno ng halamang gamot at saka niya sinimulan ang paggawa ng gamot na tutulong sa pagpapahilom ng sugat ng lalaki. Ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin niya maisip kung paano niya ito gagawin kaya naman napagdesisyunan niya na hintayin na lamang ang lalaki na magising saka niya susubukan. Kumuha ng isang gamot si Li Xie upang iturok sa maliit na tubo na kumukonekta sa IV drip at sa ugat ng lalaki. Kailangan niya itong turukan upang maiwasan ang impeksyon sa kaniyang katawan. "He looks in pain," sambit niya at tiningnan ang maliit na bote na hawak niya. 'Fentanyl.' Kagad na ibinalik ni Li Xie ang boteng iyon sa loob ng kaniyang system at saka siya nagsimula nang gumawa ng mga halamang gamot. Hindi niya alam kung gagana ang gamot na galing sa mundo nila sa mundong kinalalagyan niya ngayon kaya naman gagawa pa rin siya ng gamot na gawa sa mga halamang gamot ng mundong ito. TATLONG ARAW ANG NAKALIPAS "Wala ka pa bang balak na magising?" sambit ni Li Xie at saka niya pinunasan ang mukha ng lalaki. Hindi gaya noong una niyang makita ang lalaki ay malaki ang pinagbago nito. Hindi na siya mukhang nasasaktan, mas maayos na rin ang kulay ng kaniyang mukha, at mukhang tulog na lamang siya. Umupo muna siya hindi malayo sa lalaki at saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi siya gaanong nakakatulog dahil sa pag-aalaga sa lalaking 'yon dahil ito ang unang pasyente niya sa mundong ito. 'Now that no one can dictate me of what I should do, I guess, I can both pursue music and medicine,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at tuluyang nakatulog na. Samantala, hindi katagalan nang makatulog si Li Xie ay nagkaroon naman nang malay ang lalaki. Sa una ay malabo ang kaniyang paningin at tanging ang ilaw lamang ng kandila na malapit sa kaniya ang sumusuporta sa kaniyang paningin. Nang maayos naman na ang kaniyang paningin at hindi na nanlalabo ay kaagad niyang napansin ang isang hindi pamilyar na bagay na nakabitin sa tabi niya at may mahabang tubo. Nang inangat niya ang kaniyang kaliwang kamay ay nakita niya na nakatusok ito sa likod ng palad niya, sa isang ugat niya. Napakunot ang kaniyang noo at napatingin sa paligid. Nakita niya ang isang babae na nakaupo at natutulog. Sa tunang tingin pa lamang ng lalaki ay nakikita na niya na pagod na pagod ito. Ganoon pa man, alam niya na ang babaeng ito ang babaeng nakitan iyang nag-cucultivate ng mana sa kweba na pinasok niya. 'Hindi mo ako iniwan?' tanong ng lalaki sa kaniyang isipan. Nagtataka man ngunit hindi na ito inisip pa ng lalaki. Tinitigan niya si Li Xie at nakita niyang kakaiba ito sa mga babaeng nakita niya. Hindi ito kagaya ng iba na halos italon na nila ang sarili nila sa bisig niya. Hindi lanng iyon, nakikita rin ng lalaki na may kakaibang ganda si Li Xie, na kahit tulog ito ay halatang maraming alam sa buhay. Kaagad naman siyang napahawak sa kaniyang dibdib nang kumalampag ito ng malakas. Huminga siya nang malalim nang maramdaman niya ito at akala niya ay dahil lamang ito sa nangyari sa kaniya. Uupo na sana siya nang mapa-ungol siya sa sakit ng kaniyang dibdib, tagiliran, at ng kaniyang kanang binti. Ito ang mga tama na nakuha niya noong makipaglaban siya sa isang magic user na pinadala ng kaniyang kapatid upang ipapatay siya. Napatay man niya ang magic user na iyon ay hindi pa rin mapagkakaila na malaki ang naging pinsala nito sa kaniya. Nang maramdaman ni Li Xie ang tingin sa kaniya at nang marinig niya ang mahinang pag-ungol ng lalaki dahil sa sakit ay dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mata. Nang makita niya na naka-upo ang lalaki ay saka naman siya napairap. "Kung bubuksan mo lang din naman ang sugat na pinagaling ko ng ilang araw sana hindi na lang kita ginamot," inis na sabi ni Li Xie at saka niya ipinag-krus ang kaniyang braso. Kaagad naman na napangiwi ang lalaki at saka nagsalita ngunit walang boses na lumalabas sa kaniyang isipan kaya naman napahiga na lamang siyang muli at humawak sa kaniyang lalamunan. "Huwag kang mag-alala wala akong ibang ginawa sa 'yo kundi ang gamutin iyang mga sugat mo at ayusin ang mga buto mo. Hindi ko pinakialaman iyang boses mo. Dala na iyan ng matagal na pagkakatulog at sa mga halamang gamot na pinainom ko sa iyo habang tulog ka," kaagad na paliwanag ni Li Xie at saka siya tumalikod. "Kung wala ka nang tanong pa ay maari ka nang maagpahingang muli. Kailangan mo nang pahinga ngayon hindi ng puyat," dagdag niya. Pinanood ng lalaki si Li Xie na maglakad papalayo sa kaniya at saka ito humiga sa hindi kalayuan at saka mahimbing na natulog. Tumingala na lamang ang lalaki sa taas ng kweba at saka siya napaisip kung dapat bang bumalik siya kaagad o hindi. 'Sa tingin ko kailangan ko na lamang muna magpadala ng sulat kay brother Jing,' sambit niya sa kaniyang isipan at saka pumikit. 'Bukas na lamang siguro. Magpapatulong na lamang ako sa kaniya,' dagdag niyang sambit at lumingon sandali kinaroroonan ni Li Xie at saka ito muling pumikit. KINABUKASAN Maagang naising si Li Xie at tulog pa ang lalaki nang umalis siya. Dahil sa bagong gising ang kaniyang pasyente ay hindi pa ito maaring kumain ng mga mabibigat kaya naman nang matapos siyang mag-cultivate ng mana sa lawa ay pumasok siya sa kaniyang system upang magluto ng lugaw. Lugaw ang karaniwan na pinapakain sa mga taong bago pa lamang magising ngunit kung makikita ni Li Xie na hindi pa kaya ng lalaki na kumain ng lugaw pagbalik nito ay kukuha na lamang siya nang pang IV drip. Nang makabalik siya sa kweba ay nakita nman n Li Xie na gising na ang lalaki. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nilalamig o wala ka bang nararamdaman?" sunod sunod na tanong ni Li Xie at kaagad naman na umiling ang lalaki. "Hindi pa rin ba bumabalik ang boses mo?" tanong muli ni Li Xie at tumango ang lalaki. "Dahil iyan sa taas ng lagnat noong matapos kitang gamutin pero babalik din naman iyan." Nagsimula naman nang gumawa si Li Xie ng gamot galing sa mga halamang nakuha niya sa gitna ng gubat. Napakunot naman ang noo ng lalaki dahil sa nakita niya na ang mga halamang gamot na iyon ay ang mga halamang gamot na mahirap makuha sa gubat kng nasaan silang dalawa ngayon. 'Paano nakakuha ng mga halamang gamot na mahirap kunin ang babaeng ito? Kung pagbabasehan ko ang naramdaman kong mana noong huli ko siyang makita ay nasa level three hanggang level four pa lamang siya ng beginner.' Patuloy lamang sa pagtitig ang lalaki kay Li Xie kaya naman napabuntong hininga si Li Xie saka sinabing, "Kung may gusto kang itanong, itanong mo na lamang pagbalik ng boses mo. Huwag mo akong titigan ng ganiyan kung ayaw mong ibato ko sa iyo itong pinangdidikdik ko ng mga halang gamot." Kaagad naman na napalunok ang lalaki sa hindi niya malamang dahilan nang makita niya ang kulay puting bato. Bago lamang sa kaniya ang kagamitan na iyon at hindi siya rito pamilyar ngunit dahil hindi pa siya nakakapagsalita ay hindi siay makapagtanong. Ilang sandali pa ay lumapit nang muli si Li Xie at ibinigay sa kaniya ang isang maliit na mangkok na may kaunting tubig at katas ng mga dinikdik na halamang gamot. "Walang lason iyan, nakita mo naman kung paano 'yan gawin 'di ba?" Hindi naman na nakapagsalita pa ang lalaki at saka nito kinuha ang mangkok na binibigay sa kaniya ni Li Xie at saka niya ito inom. 'Kapag nakita ka ng mga Imperial Doctor sa kung paano mo gamitin ang mga halamang gamot na mahirap makuha siguradong mamamatay sila sa galit,' sambit ng lalaki sa kaniyang isipan. Nang inomin naman na ng lalaki ang gamot ni Li Xie ay kaagad niyang naramdaman ang kakaibang sensasyn sa kaniyang lalamunan. Malamig ito at may mana na kasama. Ang mga mana na iyon ay tumutulong upang mas mapalakas pa ang gamot. Hindi lang iyon, nangangati rin ang mga sugat na natamo niya. "May nararamdaman ka ba?" tanong ni Li Xie. Umiling naman ang lalaki. "Malamig dito?" Tinuro ni Li Xie ang kaniyang lalamunan at kaagad naman na umiling ang lalaki. "Makati ba mga sugat mo?" tanong niyang muli at tumangong muli ang lalaki. "Maari ko bang tanggalin ang mga benda na nilagay ko? Kailangan ko rin makita ang empekto ng gamot na iyon sa sugat mo at kailangan ko rin naman palitan ang benda," sambit nito. Walang pag-aalinlangan aman na tumango ang lalaki. Tinulungan ni Li Xie ang lalaki na umupo ng maayos at saka nito inumpisahan na unti unting tanggalin ang mga benda sa dibdib. Hindi naman din maiwasan ng lalaki na pag-aralan ang itsura ni Li Xie. Mayroon itong magandang mga mata, hindi malaki ngunit hindi rin maliit, matangos na ilong, manipis at maliit na mapupulang labi. Sa hindi malaman na dahilan ng lalaki ay bigla na naman na kumalampag ang kaniyang dibdib at saka naman siya napaiwas ng tingin kay Li Xie. Hindi naman ito napansin ni Li Xie dahil masyado siyang abala sa pagtingin sa mga sugat ng lalaki. "Um, mukhang gumana ang gamot ko," sambit ni Li Xie at napatingin naman ang lalaki sa kaniyang dibdib. Halos hindi naman makapaniwala ang lalaki sa kaniyang nakita. Alam niya na bibihira lamang ang makatagpo ng mga magic user maliban sa mga nag-aaral sa Royal Institute ngunit ang makakita ng healing magic gamit ang mga halamang gamot ay mas bibihira. "Hm? Itabi mo na lamang mga tanong mo kapag nakakapagsalita ka na," sambit ni Li Xie at saka ito ngumiti. Nang matapos na niya na ayusin ang benda sa katawan ng lalaki ay kaagad naman din siyang nagpaalam dahil kailangan niyang humanap ng makakain nilang dalawa. "Oh, ito nga pala pagkain mo," kaagad na sabi ni Li Xie at iniabot sa lalaki ang isang mangkok na may lugaw. "Hindi ko alam kung okay lang sa 'yo ang pagkain na iyan pero iyan lamang ang maari mong kainin ngayon," sambit pa niya. Ibinuka ng lalaki ang kaniyang bibig at sinubukan na magsalita ngunit wala pa ring nalabas na boses. "Huwag mo nang pilitin pa. Kusa rin naman babalik iyang boses mo. Mamayang gabi pa ang balik ko kaya kung magugutom ka, kainin m muna ito." Inabot naman ni Li Xie ang isang maliit na karton. "Kanin din naman iyan ngunit may sabaw lang," dagdag niya saka kinuha ni Li Xie ang kaniyang bayong. "Bye, alis na muna ako." Kumakaway na dagdag niya. Tiningna naman ng lalaki ang hawak hawak niyang babasaging mangkok at saka siya naman napatingin sa isang karton na may sabaw na hindi maintindihan ng lalaki. Ganoon pa man, dahil sa pagligtas sa kaniya ni Li Xie ay hindi na siya nagdalawang isip pang kainin ang pinapakain sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang malasahan niya ang binigay sa kaniya ni Li Xie. Hindi ito ang normal na lugaw na kaniyang nalasahan noon at maging ang lugaw sa kaniyang lugar ay hindi ganoon ang lasa. Napangiti naman ang lalaki at saka tumingin sa bukana ng kweba kung lumabas si Li Xie. 'Magkaroon lamang ako ng boses sisiguraduhin kong tatanungin kita ng marami.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD