IN THE MIDDLE OF THE FOREST

1894 Words
Nakangiti si Li Xie habang naglalakad patungo sa pinaka gitna ng gubat. Hindi niya kailangan pang mag-alala sa ibang tao dahil alam niya na walang nakakapunta roon kundi siya lamang. Iyon ang akala niya. Kaagad siyang nagtago nang may maramdaman siyang ibang presensya sa gitna ng gubat. Malayo man ito sa lawa na kaniyang pinag-eensayuhan ay malapit aman ito sa mga halamang gamot na kaniyang kinukuhanan. 'Who the hell are they?' Mahinang umakyat si Li Xie sa isang puno malapit sa kinaroroonan ng siyam na tao. Gustuhin man niyang titigan ang mga ito ngunit hindi niya magawa dahil siguradong mahuhuli siya ng mga ito. 'Sht! Kung gabi lang kayang kaya kong tumayo sa tabi nila.' Ilang metro pa ang layo ni Li Xie sa siyam na taong naka-uniporme ng kawal at kung lalapit pa siya sa kanila ay siguradong mararamdaman na siya. Ganoon pa man ay kaya pa rin naman niyang marinig ang usapan ng mga ito. "Nahihibang na ba kayo?! Kung hindi sana ninyo iniwan e 'di sana hindi tayo namomroblema dito!" "Huwag mo kaming sisihin dahil ang totoo ikaw naman talaga ang walang ginagawa sa grupo natin!" Nagtalo talo ang siyam na nahati sa dalawang grupo. Ganoon pa man, ang kanilang pinagtatalunan ay ang pag-iwan nila sa isang katawan. Habang nakikinig si Li Xie ay mas lalo namang nabubuo sa kaniyang isipan na ang lalaki na kaniyang tinulungan ang siyang hinahanap ng siyam na tao na nakaharang sa kaniyang daraanan. Nalaman din niya na sila ang pinadala ng isang tao na tinatawag nilang Prinsipe upang kumpirmahin kung patay na ba ang lalaking tinulungan niya o hindi pa. Nalaman din naman ni Li Xie na ang taong pinadala upang patayin ang lalaking tinulungan niya ay siyang namatay. Unti unti na napagtagpi ni Li Xie ang totoong nangyari. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung dapat lamang ba na tinulungan niya ang lalaking iyon o hindi. Bigla namang lumitaw ang maamong mukha ng lalaking tinulungan ni Li Xie sa kaniyang isipan at agad na napailing si Li Xie dahil doon. 'The heck? Why am I thinking of him?' Hindi makapaniwala si Li Xie ngunit ganoon pa man ay pinilit niya na hindi ito pansinin. Hinintay niya na umalis ang siyam na taong nagtatalo at nang umalis na ang mga ito at nakalayo layo ay kaagad siyang umalis. Hindi niya kailangan alalahanin ang kweba na kanilang pinagtataguan dahil naglagay siya ng ilusyon sa bukana nito. Masyado pang maaga para kay Li Xie para matuto ng mahika ngunit dahil sa kaniyang kaalam sa dati niyang mundo ay hindi mahirap na nagagawa niya ang mga bagay na hindi nagagawa ng mga magic user sa mundong ginagalawan niya. "Heck! Dalawang oras ang nasayang ko sa pakikinig sa walang kwenta nilang away," inis na sambit ni Li Xie habang sinisipa sipa niya ang bato habang naglalakad. Kaagad naman a nakaramdam si Li Xie ng presensya kaya naman kaagad itong umakyat sa puno at pilit na itinago ang kaniyang presensya. Nang makita naman ni Li Xie ang dahilan ay halos mapanganga na lamang siya. Hindi niya akalain na ang siyam na tao na pinanood niyang umalis ay pupunta rin pala sa kung saan siya papunta, malas nga lang dahil nasalubong nila ang isang malaking ahas. Ang ahas na nagbabantay sa mga halamang gamot. 'Come to think of it, hindi ko nakakasalubong ang ahas na iyan.' Nagtataka si Li Xie dahil gaya ng siyam na taong iyon ay dumadaan din siya sa tamang landas ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi siya pinapansin ng ahas kapag pupunta siya roon. 'Should I help or not?' tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan nguniti kaagad din naman nagbago ang kaniyang ekspresyon nang maalala niya ang itsura ng lalaking tinulungan niya. 'Nope, they deserve it.' Umalis na lamang si Li Xie at dumeretso na sa mga halamang gamot. Kumuha siya ng iilan sa mga kakailanganin niya at iilan na kailangan niyang ibenta kapag nakalabas na siya ng gubat. Ilang sandali pa ay nagpasya na rin naman siyang maglakad patungo sa lawa. Ilang minuto pa lamang siyang nakababad ay kaagad siyang nanginig dahil sa pamilyar na tunog na kaniyang narinig. Nang lingunin niya ang kaniyang likuran ay halos hindi siya makagalaw dahil isang malaking ahas ang nakita niya. "Um, sorry kung nakiligo ako," nanginginig na sambit ni Li Xie. Tinitigan siya ng ahas at saka ito lumapit. Gusto na sanang pakawalan ni Li Xie ang mana niya ngunit nang biglang umamo ang ahas ay napanganga naman si Li Xie. "Ipagpatawad mo kung natakot kita," sambit ng ahas. Mas lalo namang napanganga si Li Xie at muntikan nang mawalan nang malay dahil sa biglaang pagsasalita ng ahas. "Ahas... nagsasalita..." hindi makapaniwalang sambit ni Li Xie habang nakatingin sa ahas. Sandali na tahimik ang dalawa at pumikit si Li Xie. 'Okay, Li Xie, isa itong fantasy world, nasa fantasy world ka ngayon at may qi and magic kaya bakit ka pa nagulat na may nagsasalitang hayop sa harapan mo?' pagkukumbinsi ni Li Xie sa kaniyang sarili. Hindi rin naman nagtagal ay kumalma na rin naman si Li Xie at saka naman na niya iminulat ang kaniyang mga mata. "Nakakapagsalita ka?" lakas loob na tanong ni Li Xie. Tumango naman ang ahas at saka ito nagsalitang muli. "Hindi ako pankaraniwang giant snake lamang," sambit nito at saka siya muling tumuwid ng katawan at napatingala naman si Li Xie. "Isang advance na lamang at magiging dragon na ako," masaya nitong sabi. Halos napanganga naman si Li Xie dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ahas na nasa harapan niya. Ganoon pa man ay ipinagsawalang isip na lamang niya ang lahat ng pagdududa na nasa kaniyang isipan at isinantabi rin naman niya ang nasa kaniyang puso. "Anong pangalan mo?" tanong ng ahas at saka siya lumapit ng kaunti. "Li Xie," mahina niya na sagot. "Ikaw?" "Gong Bai," sambit ng ahas at saka nito pinuluputan si Li Xie. "Ito ang kauna unahan na nakakita ako ng tao na hindi ako kinatatakutan at wala ring masamang balak sa akin kaya pinayagan kita na makapasok dito!" masigla na sambit ni Gong Bai, isang ahas. "Pinayagan? Ikaw ang tagapagbantay?" tanong ni Li Xie. "Um! Alam mo ba na ang daming taong gustong pumasok dito sa pinaka gitna ng gubat na ito ngunit iilan lamang ang kakapasok. Una sa lahat, kung palakasan ang usapaan ay hindi nila ako matatalo kung wala pa sila sa matataas na antas ng mahika at qi. Kung intensyon naman nakadepende sa emosyon ng kanilang mga mata." "Bakit ako hindi mo ako hinarang?" "Dahil nakikita ko na ang pakay mo lamang ay ang makapagpagaling. Isa pa, kahit na nakita ko ang galit sa mga mata mo ay alam ko naman na hindi ito para sa akin kaya naman hinayaan kita. Isa pa, nang makita ko na kilala mo ang mga halamang gamot na binabantayan ko ay doon ko nakita na talagang karapat dapat ka." Umalis sa pagkakapulupot si Gong Bai kay Li Xie at saka gumapang papalayo. "Hindi ka rin naman gahaman nang makita mo itong lawa kaya naman sigurado akong mabuti kang tao," paliwanag pa niya. Hindi na rin naman hinintay pa ni Gong Bai ang sasabihin ni Li Xie at gumapang na ito papalayo sa lawa. "Mabuting tao..." pag-uulit ni Li Xie. Tiningnan niya ang kaniyang repleksyon sa tubig ng lawa at malungkot na ngumiti. "Kung hindi lang sana ako mamamatay tao noon," mahina niyang bulong sa kaniyang sarili. Kahit na matagal na siyang mamamatay tao ay palagi pa rin naman siyang binabangungot at palagi niyang napapanaginipan ang mga taong pinatay niya. Ngunit hindi noong nasa ibang mundo na siya. Parang ang mga masasamang alaala na meron siya sa dati niyang mundo ay kaagad na nawala nang lumipat siya sa katawan na inuukupa niya. Umiling si Li Xie at saka siya umahon sa lawa at nagsuot ng bagong damit na kinuha niya sa kaniyang system. Kumuha na rin siya ng isang cross bow upang makapatay na ng kanilang kakainin. Dalawang kuneho ang kaniyang nakuha at hindi gaya ng kuneho na nasa dati nilang mundo ay may isang maliit na sungay ito sa gitna ng kanilang noo. 'Ano to rabbit na may pagka-unicorn?' Napangiwi naman si Li Xie ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at saka naman siya bumalik na sa kweba. "Nagbalik ka na..." sambit ng lalaki. Napanganga naman si Li Xie nang marinig niya ang boses ng lalaki. 'Shocks! Sino nagsabing hindi pwedeng maging pogi ang boses?! Mukha pa nga lang pogi na sumabay pa itong boses niya, papatayin ba ako nito?!' "Oh, nakapagsalita ka na," sambit ni Li Xie at kunwari ay hindi nagulat. Nagkunwari man si Li Xie ay napansin na rin naman ito ng lalaki ngunit hindi na lamang niya pinansin. "Mahiga ka na lamang diyan, ako na bahala rito." Sinamaan nang tingin ni Li Xie ang lalaki nang makita niyang tumayo ito. "Masyado na akong nakakaabala," sambit nito kay Li Xie. "Buti alam mo," bweltahe ni Li Xie at nagulat naman ang lalaki. "Kaya umupo ka lang diyan," dagdag niya. Upang hindi na magalit pa si Li Xie sa kaniya ay sumunod na lamang siya. "Salamat pala," sambit ng lalaki at tanging tango lamang ni Li Xie ang natanggap niya. "Hindi ko akalain na bihasa ka na sa mediko," dagdag nito. "Tinuruan lamang ako," mahinang sagot ni Li Xie habang binabalatan ang kuneho. Pinanood lamang ng lalaki ang paghawak ni Li Xie sa kaniyang dagger at sa paghawak pa lamang ay alam na kaagad ng lalaki na bihasa si Li Xie sa paghawak ng mga patalim. "Ano palang pangalan mo?" tanong ng lalaki. "Li Xie," Kaagad naman na napakunot ang noo ng lalaki. "Galing sa Li Family?" marahan namang tumango si Li Xie. "Main o branch?" "Branch," "Maqi?" Marahan naman na tumango si Li Xie bilang sagot sa tanong ng lalaki. "Bakit ka narito kung isa kang Li?" "Bago ko sagutin ang tanong mo sabihin mo muna kung anong pangalan mo," kaagad na bweltahe ni Li Xie. Napatikhim naman ang lalaki dahil doon lamang niya napaganto na hindi pa pala niya nasasabi ang pangalan niya. "Yu Ying," sagot nito. Nilingon siya ni Li Xie at pinag-aralan ang reaksyon ni Yu Ying. 'HIndi ko alam kung bakit pero nakakatakot ang mga mata ni Li Xie. Kung sasabihin ko ba na ako si Lin Xui Ying at tanging palayaw ko lamang ang Yu Ying, titingnan pa kaya niya ako ng ganiyan?' "May muntik na akong makasalubong. Hindi ko man narinig ang pangalan mo ngunit alam ko na sila ang naghahanap sa iyo," sambit ni Li Xie habang tinatanggal ang mga lamang loob ng kuneho. "Anong suot nila?" "Kulay asul na may berde. Mukhang mga sundalo. Nariig ko na pinapadala sila upang kumpirmahin kung patay ka na o hindi pa," paliwanag ni Li Xie at nang matapos niyang tanggalin ang pinakahuling lamang loob ng kuneho ay tumingin siya kay Yu Ying. "Sabihin mo, wala ka namang ginawang hindi maganda sa isang Prinsipe, hindi ba?" Pinanood ni Li Xie ang magiging reaksyon ni Yu Ying ngunit ang nakita lamang niya ay pagkadismaya at higit sa lahat galit. "Hindi. Siya ang may atraso sa akin," kaagad na sagot ni Yu Ying at huminga ng malalim. "Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong patayin." Taimtim na tumitig si Li Xie at napabulong na lamang siya sa kaniyang isipan, 'Liar. You obviously knew why.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD