"Mag-isa ka lang ba dito?" tanong ni Yu Ying habang nakatingin siya sa likod ni Li Xie.
Hindi naman kaagad na sumagot si Li Xie at patuloy lamang sa pagdikdik ng mga halamang gamot. Nang matapos naman siya ay kaagad siyang lumingon kay Yu ying.
"Bakit mukha bang may iba akong kasama rito bukod sa 'yo? Sabihin mo, may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" pangbabara naman ni Li Xie.
Napa-ismid naman si Yu Ying dahil hindi niya akalain na ganito ang ugali ni Li Xie kapag kinakausap.
"Um..."
"Huwag kang mag-alala wala akong ibang kasama rito," sambit niya at saka naglakad si Li Xie patungo kay Yu Ying. "Heto na ang gamot mo. Kung mapapagaling niyan ang mga sugat mo ng isahang inom lang maganda, pero kung hindi magtiis ka sa lasa," dagdag paniya.
Napangiwi naman si Yu Ying. Kahit na ayaw niya inumin ito ay wala siyang magagawa dahil kailangan niya nang tulong ni Li Xie upang makabalik sa kaniyang lugar. Hindi pwedeng bumalik siya roon ng puno ng sugat at puno ng pinsala ang katawan.
Tinitigan na muna ni Yu Ying ang mangkok na binigay sa kaniya ni Li Xie at napangiwi naman siya nang makita niya na kulay berde ito at ang amoy ay hindi kagandahan sa ilong.
"Sigurado ka bang gamot ito?"
Tumaas naman ang kilay ni Li Xie. "Mukha ba 'yang lason? Kung ayaw mo inumin e 'di huwag," inis na sambit ni Li Xie.
Bago pa man na makuha ni Li Xie ang mangkok ay kaagad naman na ininom ni Yu Ying ang gamot na nakalagay roon. Pinilit niya na inumin at ubusin ang gamot sa isang lagok lamang ngunit naging tatlong lagok ito at lasang lasa ni Yu Ying ang kakaibang lasa ng gamot at amoy na amoy rin niya ang masangsang nitong amoy.
Nang matapos niya na inumin ang gamot ay hindi niya magawang isara ang kaniyang bibig at hindi niya magawang umamoy gamit ang kaniyang ilong. Nagtulo lamang ang laway ni Yu Ying at saka naman pinasakan ni Li Xie ng sang matamis na prutas.
Halos madura ito ni Yu Ying ngunit nang makita niya ang nakakatakot na tingin ni Li Xie ay wala siyang nagawa kundi ang nguyain ang prutas at hintayin na mawala ang kakaibang lasa ng gamot sa kaniyang dila.
"Okay na?"
"HIndi ka naman nagsabi na ganoon pala 'yon kalala!" kaagad na reklamo ni Yu Ying nang maka-recover siya mula sa kaniyang pagkakainom ng gamot.
"Kapag ba sinabi ko ay iinom ka pa rin?" Taas kilay na tanong ni Li Xie.
Kaagad naman na umiling si Yu Ying. "Sino nasabing iinomiin ko 'yon? Kung alam ko lamang ay hindi ako iinom!" bulalas niya.
"Ayan kaya hindi ko sinabi. Alam mo na?" walang ganang sambit ni Li Xie at tumayo ng maayos. "May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?"
Magrereklamo pa sana siya ngunit hindi naman na niya nagawa pa dahil narinig niya ang tanong ni Li Xie. Kaagad niyang pinakiramdaman ang kaniyang katawan.
"Bukod sa pangangati ng kaunti ng mga sugat ay hindi ko na rin nararamdaman ang pangangalay ng ga buto na inayos mo. Mukhang balik na rin naman sa normal ng mana ko," kaagad na pag-uulat ni Yu Ying kay Li Xie habang pinapakiramdaman niya ang kaniyang sarili.
Tumango naman si Li Xie. "Titingnan ko ang mga sugat mo, okay lang ba?" tanong nito.
Sandali na napatigil si Yu Ying. "Anong.."
Hindi naman natapos ni Yu Ying ang kaniyang sasabihin dahil sa pagpitik ni Li Xie sa kaniyang noo. Alam na ni Li Xie na mang-aasar lamang si Yu Ying kaya naman kaagad niya itong hindi pinansin saka nagpatuloy.
"Anong problema mo? Pasyente ka at doktor ako!" pikon na sambit ni Li Xie.
Natatawa man at gusto mang tumawa ay hindi magawa ni Yu Ying dahil alam niya na siya lang din naman ang magsisisi sa huli.
'Doktor siya? Kaya ba marami siyang alam sa halamang gamot? Ngunit kung titingnan ay nasa edad katorse hanggang kinse,' sambit ni Yu Ying. 'Kung ganitong klaseng doktor ang nasa Imperial Hospital mas maganda sana,' dagdag pa niya.
"Ikaw lang ang nagturo sa sarili mo maging doktor?"
"Mukha ba akong pinagpala na mayroon nang alam sa mga medikal na bagay pagkapanganak ko?" kaagad na bweltahe ni Li Xie habang pinag-aaralan ang mga sugat ni Yu Ying. "Malamang mayroon akong guro," dagdag niya.
"Nasaan na siya?" tanong nito.
"Hindi ko alam. Patay o buhay man 'yon hindi na 'yun magpapakita pa sa akin," kaagad na sagot ni Li Xie.
Hindi man naintindihan ni Yu Ying ang ibig sabihin noon ngunit isang dahilan lamang ang kanyang naisip. Iyon ay dahil mayroong hindi pagkaka-unawaan sa kanila.
Ang totoong dahilan ay dahil wala na siya sa dati niyang mundo at sa mga oras na iyon ay hindi talaga niya alam kung buhay pa ito o hindi na. Gustuhin man niyang makita ang kaniyang guro, ang unang tao na walang sawang sumusuporta sa kaniya sa pag-aaral ng medikal na bagay ay hindi na niya magagawa pa.
Hindi na nagtanong pa si Yu Ying dahil nakita niya na hindi na maganda ang ekspresyon ni Li Xie noong mapag-usapan nila ang tungkol sa kaniyang guro.
"Oo nga pala, anong lebel mo na sa beginner?"
"Beginner?"
Tumango naman si Yu Ying habang inaayos na ni Li Xie ang benda niya sa dibdib. "Um. Beginner ang isa pang taag ay basic," pagpapaliwanag ni Yu Ying.
Sandali na napatigil si Li Xie at saka napa-isip kung maari bang pagkatiwalaan si Yu Ying o hindi. Sa huli, wala pa rin siyang magagawa. Kailangan niya ng tulong at hindi niya magagawang malaman ang lahat base lamang sa kaalaman ng katawan na inuukupa niya. Dati man itong isang ekspertong magic user ngunit wala pa rin itong kaalam alam bukod sa elemento na kaya niyang gamitin, ang tubig.
"Level four," sagot ni Li Xie, tumayo siya nang maayos nang makita niya okay na ang benda. "Bakit, tutulungan mo ba ako?" dagdag na tanong nito.
Mahina na tumawa si Yu Ying. "Bilang kapalit sa pagtulong mo sa 'kin at sa 'kin pati na rin sa pag-aalaga tuturuan kita kung paano gumamit ng higit pa sa isang elemento," sambit nito.
"Hindi ba sabi sa isang tao ay isa lamang elemento ang kayang gawin?" takang tanong ni Li Xie habang nakataas ang kaniyang kilay.
Mahina naman na tumawa si Yu Ying. "Sinasabi lamang nila iyan dahil hindi nila alam kung paano. Ang totoo niyan ay paraan naman talaga ngunit dahil sa nangyaring ekspedisyon noon, nawala ang kaalaman ng lahat."
Napatigil naman sandali si Li Xie at napahawak sa kaniyang ulo. Doon ay naalala niya na hindi niya tunay na magulang ang kasalukuyang master at mistress ng Li Family sa Maqi Kingdom. Ang dalawang iyon ay ang kaniyan tiyuhin. Ang master ay kapatid ng kaniyang ama at ang mistress naman ay pangalawang asawa ng kaniyang tiyuhin. Noong bago pa man maging isang mistress ang babaeng asawa ng kaniyang tiyuhin ay palagi siyang tinuturing na anak ng kaniyang tiyuhin. Nagbago lamang ang lahat noong pumasok sa Li household ang babaeng iyon.
'I guess I have to deal with that btch first,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at handa nang pumatay.
"Ibig sabihin tuturuan mo ako?" tanong ni Li Xie.
"Kung sasabihin mo sa akin kung bakit ganiyan ang magic core mo," sambit ni Yu Ying at tinuro ang kanang tagilira ni Li Xie. "Halatang pinilit na sirain ang magic core mo gamit ang isang lason," dagdag pa niya.
Sandali naman na napatigil si Li Xie dahil hindi niya akalain na makikita ni Yu Ying ang nangyari sa kaniyang magic core. Alam ni Li Xie na hindi siya makaka-alis sa basic stage kung hindi niya maayos ang kaniyang magic core kahit na anong pilit niya.
Umupo si Li Xie sa tabi ni Yu Ying. Hinintay lamang ni Yu Ying na magsalita si Li Xie at sa pakiramdam ni Yu Ying ay hindi maganda ang karanasan ni Li Xie.
"Mayroon akong tiyahin na noong una ay tinuring kong isang tunay na ina. Akala ko pa nga ay talagang ina ko siya," pag-uumpisa ni Li Xie, malungkot na binigyan nang ngiti si Yu Ying. "Noong una ay talagang mabait siya sa akin pati na rin ang kaniyang naging nakas aking tiyuhin. Parehas kaming dalawa ng anak niya na mayroong kakayahan na maging isang magic user ngunit ang akin lamang ang may kayahan na umakyan ng lebel. Ang sa kanilang anak ay naiwan sa basic stage." Huminga nang malalim si Li Xie at saka niya naman niya niyakap ang kaniyang tuhod. "Dahil doon napuno ng pangamba ang aking tiyahin at napuno naman nang inggit ang kanilang anak. Sa huli, ako ang pinapaboran ni Uncle dahil ako ang may kakayahan na itaas ang pamilya namin. Dahil doon mas lalong naging masama ang timpla sa akin ng mag-ina,"
"Hindi ko alam pero isang araw bigla na lamang silang bumalik sa dati. Hindi na nila ako pinapahirapan, hindi na nila ako iniirapan, sinisigawan, sinisisi, o binibigyan nang masasamang salita. Syempre masaya ako noon at lagi kaming nagtsa-tsaa. Hindi ko lang akalin na sa bawat tsaa pala na iniinom ko ay unti unting nawawala ang kakayahan ko. Noong hinang hina ako ay doon na ako pinagbalakan na patayin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa isang hindi pamilyar na lugar na ako at sinubukan ko tumakas sa mga taong nagtatangkaang kuhanin ang p********e ko." Tumayo si Li Xie at tumingin kay Yu Ying. "Hindi ko kailangaan ng awa kaya huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Ako na ang bahala sa sarili kong paghihiganti," dagdag pa niya.
Gaya nang sinabi ni Li Xie ay hindi na kinaawaan pa ni Yu Ying ang kwento ng buhay ni Li Xie. Gusto niyang tumulong ngunit gaya nang sinabi ni Li Xie ay siya na ang bahala sa paghihiganti niya.
"Bukas..." mahinang sambit ni Yu Ying, "Bago sumilay ang bukang liwayway, uumpisahan kong turuan ka."
Ngumiti naman si Li Xie."Salamat," sambit ni Li Xie, kaagad naman nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Bakit ako lang magsasabi nang nangyari sa akin?" Taas kilay na sabi nito.
Tumikhim naman si Yu Ying at napatingin sa kaniyang kaliwa upang iwasan ang tingin sa kaniya ni Li Xie.
"Forget it," sambit ni Li Xie na kinagulat naman ni Yu Ying. "Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" inis na tanong nito.
"Marunong kang mag-ingles?"
"Mukha bang hindi?"
"Hindi."
"You, little sht bstard!" inis na bulalas ni Li Xie at mahina naman na natawa si Yu Ying.
Nagpatuloy ang asaran nilang dalawa at nang makahiga silang dalawa na magkatabi ay hindi maiwasan ni Li Xie na hindi mapa-isip. Hindi niya alam kung bakit mabilis siyang napalapit sa lalaking katabi niya ngayon.
'Anong meron at pakiramdam ko ay parang kumportable ako sa iyo? Na parang pakiramdam ko gusto kong lagi na nasa tabi mo?' takang tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan bago niya ipikit ang kaniyang mga mata.
Hindi pa man nagtatagal na nakapikit ang mata niya ay nagsalita si Yu Ying, "Tulog ka na ba?"
"Tulog na."
Mahina naman na natawa si Yu Ying. "Hindi ka rin naman mahilig mambara, ano?"
"Mukha ba?"
Mahina naman na napabuntong hininga si Yu Ying dahil pakiramdam niya na hindi siya makakakuha nang maayos na sagot kay Li Xie. Ganoon pa man ay nagpatuloy pa rin siya.
"Kung bibigyan ka nang pagkakataon na magpunta sa Imperial Capital, pupunta ka?"
"Bakit hindi?"
"E kung maging isang doktor ng Imperial Hospital?"
Hindi kaagad na nakasagot si Li Xie. "Para ikulong ko ang sarili ko sa apat na sulok ng isang kwarto?" walang emosyon na sagot nito. "Mas gusto ko na magtrabaho na lamang ng walang nag-uutos sa akin," paliwanag pa niya at saka ito umupo. "Ikaw ba, ano nangyari sa 'yo at narito ka?" tanong ni Li Xie at tumingin kay Yu Ying. "Muntik ka pang mamatay," dagdag nito.
"Nang-aasar ka ba?" tanong ni Yu Ying nang marinig niya ang tono ng boses ni Li Xie.
"Hindi, pero kung ganoon ang tingin mo, sige," pangbabara pa ni Li Xie.
Napanganga na lamang si Yu Ying sa naging sagot ni Li Xie. Hindi siya makapaniwala na may ganitong babae na handa makipagsagutan at makipagbarahan sa lalaki.
Tumikhim na muna si Yu Ying saka sumagot. "Hindi ko alam kung anong meron sa utak ng kapatid ko pero siya ang nagpadala ng isang magic user na isa sa kaniyang tauhan. Malakas ang taong iyon at kailangan ko ilabas ang lahat ng kaya ko upang matalo laamang siya kaya ganito ang kinahinatnan ko," paliwanag ni Yu Ying.
"Kapatid mo tapos papatayin ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Li Xie. "Talagang papatayin ka? Ipagpaumanhin, medyo na gulantang lamang ako. As in kadugo mo, kaparehas ng ama at ina?" pag-uulit na tanong ni Li Xie.
"Parehas lamang ng ama," sagot naman ni Yu Ying at saka pumikit. "Gusto kasi niyang makuha ang mga mayroon ako," dagdag pa niya. "Pero hayaan na lamang natin iyon dahil babalik din naman ako at maghaharap din kami," masiglang dagdag niya.
Napanganga naman si Li Xie at hindi makapaniwala na mayganito palang pangyayarisa totoong buhay. Akala niya noon sa mga nobela at palabas sa telebisyon lamang niya nakikita at nababasa iyon, dito rin pala sa lugar kung saan siya napunta.
"Hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayo bukas," sambit ni Yu Ying.
Gaya nang kanina nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanilang guro ay kaagad na tumigil si Yu Ying sa pagtatanong dahil sa kaniyang nararamdaman at ngayon ay naramdaman din naman ni Li Xie na ayaw rin ito pag-usapan pa ni Yu Ying.
'Mukha atang wala pa kami sa punto na kaya na namin na pag-usapan ang nakaraan ng bawat isa.'