FIXING THE CORE [1]

1457 Words
Kinabukasan hindi pa man lumalabas ang bukang liwayway ay gising naa sina Li Xie at Yu Ying. Hindi nila alam kung bakit parang sabay silang nagising ngunit kaagad din naman na nagsimula sila nang matapos nilang maglinis ng kanilang mukha. "Handa ka na ba?" tanong ni Yu Ying nang makita niya na nakatayo na si Li Xie at may kumakain. "Hindi ba pwede kumain muna?" pangbabara nito at saka niya hinagis ang dalawang tinapay kay Yu Ying. "Kumain ka muna," dagdag nito. Umupo si Yu Ying sa tabi ni Li Xie at nakita naman niya na kakaiba ang tinapay na kinakain niya. Mas masarap at mas malasa ito kaysa sa normal na tinapay na nabibili sa Imperial Capital. Pati ang tinapay na ginagawa sa Imperial Palace ay wala ring lasa gaya ng hawak niya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng tinapay?" Taas kilay na tanong ni Li Xie at saka niya inabot ang isang tasa na mayroong tsoko na gatas. "Eto inumin masarap ito ipares diyan." Dagdag niyang abot kay Yu Ying. Kumukunot ang noong tinanggap ni Yu Ying ang isang tasa na mayroong inumin. Nang amoyin niya ito ay hindi ito kasing baho ng ininom niya noong bago siya matulong, bagkus, ito ay masarap sa ilong. Matamis ang amoy nito at alam niya na matamis din ang lasa ng inumin na binigay sa kaniya ni Li Xie. "Saan galing ang inumin na ito? Hindi ko nakikitang nag-init ka ng tubig. Wala akong nakitang apoy," "Kumain ka na lang," sagot naman ni Li Xie dahil alam niya na hindi rin naman maniniwala si Yu Ying kung sakaling sasabihin niya. Isa pa, kahit na magaan ang loob niya kay Yu Ying at kahit alam pa niyang mapagkakatiwalaan ito ay wala pa ring dahilan para sabihin niya ang tungkol sa Phoenix Mark System niya. Nagsimula na lamang kumain si Yu Ying dahil alam niya na hindi rin naaman sasagutin ni Li Xie ang tanong niya. Alam niya na hindi siya nagsasabi ng kahit na anong tungkol sa kaniya kay Li Xie kaya naman hindi na rin naman siya nagtataka kung hindi rin naman magsasabi si Li Xie sa kaniya. Isa pa, masyadong malakas ang pakiramdam ni Li Xie para sa mga bagay bagay kaya naman hindi na rin pinilit ni Yu Ying ang tungkol sa mga bagay na gusto niyang malaman. Sa hindi malamang dahilan ay gustong gusto ni Yu Ying na mas malaman pa niya ang mga bagay bagay tungkol kay Li Xie ngunit alam din naman niya na wala siyang karapatan na magpilit dahil hindi naman sila matagal na magkakilala. May kung anong kirot sa dibdib na naramdaman si Yu Ying at hindi niya napansin na napahawak siya rito. "Anong problema? May masakit ba sa 'yo? May sugat pa ba akong hindi nagagamot?" tanong ni Li Xie. Nang makita ni Yu Ying ang ekspresyon ni Li Xie ay waring hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Gusto niyang sabihin na wala lang iyon ngunit gusto rin naman niyang makita ang ekspresyon ni Li Xie na nag-aalala sa kaniya. Umiling si Yu Ying. "Bigla lang kumalampag dibdib ko ng 'di ko alam," sagot nito. Kumunot ang noo ni Li Xie. "Huh?" Lumapit ito at saka nilagay sa dibdib ni Yu Ying ang kaniyang kanang kamay at ramdam na ramdam ni Li Xie ang kabog ng dibdib nito. "Bakit bigla na lang nag-palpitate ng puso mo ng sobra?" Nang tingnan naman niya si Yu Ying ay namumula ito. Kaagad naman na tinapik ni Yu Ying ang kamay ni Li Xie at saka tumingin sa kaniyang kanan nang mapagtanto niya kung ano ang nararamdaman niya. Hindi iyon isang sakit, alam niya ang ibig sabihin noon. "Okay lang ako, normal lamang ito sa akin," "Huh? Pero sabi mo--" Inilagay ni Yu Ying ang kaniyang hintuturo sa kaniyang kanang kamay sa labi ni Li Xie. Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alala," sambit nito. Sandali na natigilan si Li Xie at kaagad din naman na namula ang kaniyang mukha. Ramdam niya iyon dahil nag-iinit ang kaniyang mukha. Gaya ni Yu Ying ay malakas din ang kabog ng kaniyang dibdib kaya naman pinilit niya itong pinakalma. Nagpatuloy silang kumain at nang matapos ay kaagad na nagyaya si Li Xie na mag-umpisa na. Nakaupo si Li Xie at Yu Ying sa pinaka gitna ng kweba at magkaharap lamang sila sa isa't isa. Naka-upo siya at naka-ekis ang kaniyang mga paa. "Ipikit mo ang iyong mga mata, alisin ang mga alalahanin, ikalma ang sarili, at saka mo pakiraamdaman ang iyong core," pagtuturo ni Yu Ying habang nakatitig siya kay Li Xie. Nang makita niya na unti unti nang kumalma si Li Xie at nagawa na ang lahat ng kaniyang sinabi ay nagpatuloy ito. "Pakiramdaman mo ang iyong core at hanapin mo kung saan ito may lamat o may sira. Kapag nahanap mo na ay sabihin mo sa akin. Malawak ang core at maaring mataagalan ka. Kailangan mong suyurin ang iyong core para masigurado na walang lamat o sira kang nakita," pagdagdag naman ni Yu Ying. Gaya nang sinabi ni Yu Ying ay kaagad din naman na hinanap ni Li Xie ang mga lamat sa kaniyang core. Kulay puti lamang ang buong paligid at wala siyang gaanong makita habang nililibot niya ang kaniyang core. Nakakita siya nang isang malaking lamat ngunit hindi niya ito sinabi kaagad kay Yu Ying. Naghanap pa siya nang iba at nang maikot na niya ang buong magic core niya at wala nang ibang nakita na lamat o sira. Kaagad siyang bumalik sa kung nasaan ang lamat at nakita niya ang isang maitim at mukhang basag na parte ng baso. Kulay itim ito at pagnakikita ito ni Li Xie ay sumasakit ang kaniyang dibdib at wari niya ay gusto niyang maiyak. "Nahanap ko na..." mahina na sabi ni Li Xie at hindi niya alam na na napahawak siya sa kaniyang dibdib. "Ibaba mo ang iyong kamay," pag-uutos ni Li Xie at doon lamang niya napagtanto na nasa dibdib pala niya ang kaniyang kamay. Muli niya itong binalik sa kaniyang hita at pinagyukom ulit. "Kumalma kang muli," dagdag na utos. Nang makita ni Yu Ying na ginagawa na ni Li Xie ang kaniyang sinasabi ay nagpatuloy siyang muli. "Ang kulay itim na iyan ang siyang dahilan kung bakit kahit na anong gawin ng isang magic user ay hindi siya maka-alis sa basic stage kahit na anong gawin nila. Iilan lamang ang may alam ng ganitong technique kaya makinig kang maigi dahil kung hindi ito magiging matagumpay ay magbibigay ito ng matinding pinsala sa iyo," pagbibigay ng babala ni Yu Ying. "Um," sambit ni Li Xie habang ang kaniyang diwa ay nakatitig sa lamat na nasa kaniyang magic core. "Umupo ka sa ilalim ng kulay itim na iyan," dinig na sambit ni Li Xie mula sa loob ng kaniyang diwa. Ginawa naman niya ito at kaagad na umupo. "Kapag nakaupo ka na ang kung anong posisyon mo ngayon dito sa pisikal mo na katawan ay iyon din ang gawin mo." Umupo naman nang maayos si Li Xie at pinag-ekis din ang kaniyang paa. "Ipikit mo ang iyong mata at magsimula ka nang lumikom ng mana sa paligid mo. Imbis na ilagay mo ito at ibahagi sa buong magic core mo ay kontrolin mo ito at ideretso sa itim na nasa loob." Nang ipikit ni Li Xie ang kaniyang mataa ay sinimulan na niyang lumikom ng mana sa paligid. Hindi man ito kasing lakas ng mana na nasa lawa ngunit sapat na rin naman ito upang suportahan ang pag-aayos ng kaniyang magic core. Gaya nang sinabi ni Yu Ying ay kinontrol niya ang mana. Hindi ito madali gaya nang pagkakasabi ni Yu Ying dahil sa una, ikalawa, ikatlo, hanggang ika-siyam niya na subok ay hindi niya magawa. Kapag ipinapasok na niya ang mana sa kaniyang core ay kumukusa itong nagsisikalat sa buong magic core niya. Nakikita niya kung paano tumataagas palabas ng kaniyang katawan ang mana sa pamamagitan ng laman na nasa kaniyang core. Iyon ng napapansin ni Li Xie tuwing sinusubukan niya na mag-advance, kahit na alam niyang tama na ang kaniyang nakukuha na mana ay nagtataka siya dahil kulang ito. Sa mga oras na iyon, alam na niya ang dahilan. Ang lamat na iyon ay nakakahadlang sa pag-advance dahil sa ang ilang mana na nakukuha na niya ay doon lumalabas. Nang makita naman ni Yu Ying ang mga mana na nalabas sa katawan ni Li Xie ay alam niya na hindi pa ito nagtataagumpay. Kapag may lamat o sira ang magic core ay tumatagas ang mga mana ng isang magic user at tanging ang mga mayroong healing magic lamang ang makakapagpagaling nito. Hindi man sigurado si Yu Ying sa kaniyang hinala ay alam niya na mayroong kakayahan si Li Xie na maging isang healing magic user.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD