FIXING THE CORE [2]

1799 Words
'Sana lamang ay tama ang aking nakikita,' sambit ni Yu Ying habang inaalala ang mga oras na ininom niya ang gamot na binigay sa kaniya ni Li Xie at humilom ang kaniyang mga sugat at halos walang peklat na matira. Ilang sandali pa lamang ay nabalik na sa kaniyang ulirat si Yu Ying dahil hindi ilang minuto na niyang hindi nakikita na walang mana na lumalabas sa katawan ni Li Xie. 'Mukhang nagtagumpay na siya,' sambit nito sa kaniyang isipan at napangiti. Hindi akalain ni Yu Ying na madali lamang itong magagawa ni Li Xie at hindi rin naman akalain ni Li Xie na mahirap ito at hindi ganoon kadali gaya nang pagkakarinig niya at kung paano sabihin ni Yu Ying. "Nagawa ko na, anong sunod?" tanong ni Li Xie habang nakapikit. Nakatitig lamang si Yu Ying saka ito ngumiti at sinabing, "Ibuhos mo lahat ng mana na nalilikom mo patungo sa pinaka dulo ng itim na lamat. Uulitin ko, mula sa pinaka dulo. Idikit mo ang mana na iyon dahil iyon ang magiging gamot at magpapahilom sa itim na sira ng magic core mo," pagbibigay ni Yu Ying ng paliwanag. Kaagad na humigit nang malalim na hininga si Li Xie at saka niya sinimulan ang sinabi ni Yu Ying. Wala pa man siya sa kalahati ng kalahati ay nakita na rin naman ni Yu Ying na nahihirapan na si Li Xie at alam na din naman ni Li Xie na marapat na siyang tumigil sa oras na iyon. "Nagtagumpay ka ba? Naging puti ba ulit ang parte ng itim na lamat na mayroon ka sa magic core mo na nilagayan ng mana?" tanong ni Yu Ying dahil gusto niya na makasigurado na tama nga ang kaniyang hinala. "Um," sambit ni Li Xie at tumango nang marahan. "Ngunit wala pa ako sa kalahati nang kalahati nang kalahati," kaagad na sambit ni Li Xie at saka ito huminga nang malalim. "Masyadong mahirap at malaking lakas ang nakukuha sa akin," dagdag nito. Nang makumpirma ni Yu Ying na isa ngang healing magic user si Li Xie ay napangiti ito. Iilan lamang ang mga mayroong healing magic at ang mga ito ay nasa Imperial Palace. Hindi dahil sa gusto ng Imperial Family na nasa kanila ang lahat ng healing magic user at sila lamang ang makinabang sa mga ito, bagkus, pinoprotektahan nila ang mga ito. Ang mga healing magic user ay pangkaraniwan sa lahat at iilan lamang ang may kakayahan na ganito. Kung mayroong sampung magic user, tanging isa lamang sa kanila ang mayroong healing magic user. "Tama na," kaagad na sambit ni Yu Ying. "Maari ka nang magpahinga. Hindi maganda na mawalan ka nang lakas dahil diyan," dagdag pa nito. "Pero kaya ko pa naman..." "Kahit na kaya mo pa, alam ko na alam mo kung hanggang saan lamang ang kaya nang katawan mo ngayon. Tama na iyan at maari mo na lamang itong ipagpatuloy bukas," kaagad na sambit naman ni Yu Ying. Hindi niya maaring sirain ang kung anong klaseng kayaman ang mayroon siya sa kaniyang harapan. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya dahil alam niya na hindi niya ito kakayanin. Nang imulat ni Li Xie ang kaniyang mata ay nagpahinga siya nang sandali. Nang tumayo siya ay kaagad siyang napaupo dahil nanghina siya. "Bakit nanghihina ako?" gulat na tanong ni Li Xie. "Dahil sa nasobrahan ka sa paggamit nang iyong lakas. Sinabihan na kita kanina ngunit nagtagal ka pa nang kaunti," pagpapaliwanag ni Yu Ying at sinsisisi nito si Li Xie. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Li Xie dahil alam niya na siya ang mali. "Sa susunod kapag nararamdaman mo nang hindi mo na kaya at malapit ka nang malaubusan nang lakas ay tumigil ka na. Ang pagsasa-ayos ng magic core ay hindi kasing dali nang inaasahan mo," pagbibigay nang babala nito. Tumango na lamang si Li Xie at tiningnan si Yu Ying na lumabas ng kweba kung saan sila namamalagi upang maghanap nang makakain. Hindi rin naman nagtagal ay may dalawang malakig ibon siyang dala si Yu Ying at linis na ito, lulutuin na lamang. Pinanood na lamang ni Li Xie si Yu Ying na mag-asikaso at may kung anong pumasok sa kaniyang isipan, 'Ang sarap siguro kung siya ang kasama sa bahay. Kahit na pagod ka ay mayroong mag-aasikaso sa iyo.' Kaagad na namula si Li Xie dahil hindi niya akalain na magkakaroon siya nang ganoong klaseng imahinasyon. Siya na nakayakap mula sa likod ni Yu Ying at si Yu Ying na nagluluto para sa kaniya. 'Sht, Li Xie, you're done! What the hell are you thinking? Are you out of your mind?!' pagsesermon ni Li Xie sa kaniyang sarili. "Xie, halika na malapit na itong maluto. Siguro nakabalik na kahit papaano ang lakas mo. Kung hindi pa, huwag kang mag-alala, bukas balik iyan sa dati." Pagkalingon ni Yu Ying sa kung nasaan si Li Xie. "Um." Tumatango na sagot ni Li Xie. "Ganito ba talaga ito?" Umupo si Li Xie sa tabi in Yu Ying habang nakatitig sa dalawang ibon na niluluto sa apoy. "Walang maayos na ensayo ang 'yong katawan kaya ganiyan," panimula ni Yu Ying. "Bukas magpalakas ka muna nang iyong katawan at huwag mo muna pakialaman ang iyong magic core. Kailangan mo muna na maikundisyon ang iyong katawan bago mo tuluyang maayos ang iyong magic core," pagbibigay ni Yu Ying ng opinyon kay Li Xie. Sandali naman na napatigil si Li Xie at saka tumango bilang pagsang-ayon. Alam niya na wala sa kundisyon ang katawan na gamit niya ngayon at kahit na anong ensayo niya kung hindi siya makakain ng mga masusustansiyang pagkain o inumin ay hindi babalik sa dati ang kaniyang katawan. 'Wait-' Napaupo nang maayos si Li Xie at nagtaka naman si Yu Ying. Nang tingnan niya si Li Xie ay nakita niya na nakatitig ito sa kawalan at mukang walang buhay ang kaniyang ma mata. Ilang sandali pa ay bumalik na rin naman ang buhay sa mga mata ni Li Xie. Napataas naman ang kilay ni Li Xie nang makita niya na nakatulala sa kaniya si Yu Ying at kitang kita niya ang gulat sa mga mata nito. "May problema ba?" Dahil sa nangyaring iyon ay kaagad naman na napailing si Yu Ying. ALam niya na isa ito sa mga sekreto ni Li Xie kaya naman hindi na siya nag-usisa pa. "Wala, nagulat lang ako bigla kasing umupo," kaagad na papapalusot ni Li Xie. Kumunot ang noo ni Li Xie dahil pakiramdam niya ay hindi ito ang dahilan nang pagtitig sa kaniya ni Yu Ying. Isa pa, marunong magbasa nang tono si Li Xie at isa iyon sa basehan niya kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi. Dahil ayaw rin naman sabihin ni Yu Ying ay hinayaan na lamang niya ito. Ganoon pa man, kahit na hinayaan na niya na at hindi na nag-usisa pa kay Yu Ying ay nakaramdam siya nang pagkadismaya. 'Sht, anong meron at nadidismaya ako?!' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at halos itapon na niya ang kaniyang sarili sa apoy. Nang maluto na ang pagkain nila ay nagsimula na silang kumain ngunit agad din naman napareklamo si Li Xie. "May problema ba?" tanong ni Yu Ying at mukhang nag-aalala kay Li Xie. "Hindi mo nilagyan ng kahit na asin man lang ito?" reklamo niya. Sandali na napatigil si Yu Ying at itinagilid nang kaunti ang kaniyang ulo. "Wala akong nakikitang asin kaya hindi ko na nilagyan. Isa pa, okay na rin naman ito ah." Saka niya itinaas ang kahoy kung saan nakatusok ang ibon. Napanganga naman si Li Xie at napasapo sa kaniyang ulo. Walang nagawa si Li Xie kundi ang magpunta sa isang parte ng kweba upang kunwari ay kumuha ng kaldero at saka loob nito ay mayroong mga pampalasa. "Hindi ka naman nagsabi," sambit ni Li Xie at ibinaba ang kaladero. "Hindi ka rin naman nagsabi na mayroon kang pampalasa," pagbubweltahe naman ni Yu Ying. Napa-ismid naman si Li Xie at saka nito binuksan ang kaldero. Inalis niya ang loob nito at saka niya kinuha ang isang bakal na kinuha niya sa kaniyang system upang suportahan ang kaldero. Kaagad ninya na nilagyan ng tubig ang kaldero at saka niya doon inisa isang lagyan ng mga pampalasa ang ubig na iyon saka ilanis ni Li Xie ang ibon na nakatusok sa isang kahoy. Nilagay niya ito sa kaldero at naghintay sila na maluto ito. Kumuhang muli si Li Xie nang dalawng malaking mangkok upang doon ilagay ang lutong ibon. Matapos noon ay nilagay ni Li Xie ang ibon na para kay Yu Ying at nilagay rin niya ang kaniya saka sila nagsimulang kumaing muli. "Wow!" bulalas ni Yu Yinang nang malasahan niya ang niluto ni Li Xie. "Maari ka nang maging Imperial Cook!" dagdag nito. Napa-ismid naman si Li Xie. "Hindi ko balak na magkaroon nang taong nag-uutos sa akin," sambit nito at saka siya ngumiti. "Isa pa, kung pagdating lang din naman sa pagluluto wala nang tatalo pa sa pinsan ko," dagdag niya. Napakunot naman noo niya. "Pinsan mo? Iyong nanakit sa 'yo?" Umiling na muna si Li Xie bago sumagot. "Hindi. Hindi ko alam kung nasaan na siya dahil matagal ko na siyang hindi nakikita pero 'yung lasa nang kaniyang niluto noong mga bata pa kami ay nananatili sa dila ko." Nakangiti nitong sambit at saka siya sumimsim ng sabaw. "Kung magkakaroon man ako nang pagkakataon na makita siyang muli, sisiguraduhin ko na makakakain muli ako nang pagkain na gawa niya," dagdag pa ni Li Xie. Tinitigan ni Yu Ying si Li Xie at nakita niya na talagang mahalaga ang pinsan niyang ito base lamang sa ekspresyon na binigay ni Li Xie "Bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" "Nagkahiwalay kaming dalawa," kaagad na sagot ni Li Xie at malungkot na ngumiti. "Kayo ng kapatid mo, bakit nag-aaway kayo?" "Dahil gusto niyang makuha ang mayroon kami ng isa ko pang kapatid. Para sa kaniya, gusto niya na kaming dalawa ang wala at nasa kaniya ang lahat. Gusto niya na siya ang mamuno sa pamilya namin," pag-uulit ni Yu Ying sa sinabi niya noong una. Hindi na nagtanong pa si Li Xie at nagsimula na silang mag-ayos nang pinagkainan. Nang gabi na ay hindi siya makatulog at nakatitig lamang si Li Xie sa taas ng kweba at nang hindi na niya makayanan ay tumayo si Li Xie at saka tumayo at lumabas ng kweba. Iminulat naman ni Yu Ying ang kaniyang mata at saka sinundan si Li Xie. Halos mapanganga naman si Yu Ying nang makita niyang bigla na lamang na may lumabas na kung anong bagay sa kamay ni Li Xie at pinag-aralan niya ito. Matapos noon ay bigla na lamang nawala sa kaniyang harapan si Li Xie. Upang hindi mahuli ay kaagad na bumalik si Yu Ying sa kanilang higaan at kung ano ano ang kaniyang naiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD