Gaya nang napag-usapan nina Li Xie at Yu Ying, hindi na muna aayusin ni Li Xie ang kaniyang magic core kundi ay kaniya munang ikukundisyon ang kaniyang katawan. Maging siya ay sumasang-ayon sa sinabi ni Yu Ying na kailangan niya munang ikundisyon ang katawan niya kaya naman maaga pa lamang, hindi pa man sumisikat ang bukang liwayway ay nasa labas na kaagad siya ng kweba.
Gabing gabi na nang makabalik siya kagabi sa kweba kaya naman inaantok pa rin siya nang lumabas siya sa kweba. Gising man si Yu Ying ay hindi naman ito nagpahalata at hanggang sa oras na iyon ay pinag-iisipan pa rin niya kung ano ang nakita niya.
Hindi niya magawang magtanong dahil wala pa naman sila sa punto na pinagkakatiwalaan na nila ang isa't isa nang sobra. Oo, nagtitiwala sila sa isa't isa, ngunit hindi pa iyon ang tamang oras para sabihin ang mga sekreto na mayroon sila.
Isa pa, pansin na pansin ni Yu Ying na ayaw ni Li Xie sa mga Royalties at dahil doon ay wala siyang pagkakataon na sabihin kay Li Xie kung sino ba talaga siya.
'Lin Xui Ying, nakahanap ka na talaga nang katapat mo,' sambit ni Yu Ying sa kaniyang isipan habang nakapikit at nagpapanggap nang tulog.
Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na ni Yu Ying na bumangon na at saka panoorin si Li Xie na nag-eensayo. Nang lumabas siya sa kweba ay hindi siya kaagad nagpakita at pinanood na muna niya si Li Xie na gawin ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga sundalo.
'Hindi ko kalain na may lakas pala siya sa ganiyan,' kumento ni Yu Ying.
Samanala nang maramdaman naman ni Li Xie na may nakatitig sa kaniya ay palihim siyang kumuha ng bato at saka niya ito binato sa dereksyon ni Yu Ying. Imbis naman na iwasan ito ni Yu Ying ay hindi siya umalis sa kaniyang kinatatayuan at ilang pulgada lamang ang layo ng bato kay Yu Ying nang lumampas ito.
"Bakit nanonood ka lang riyan? Hindi ka ba magpapalakas?" tanong ni Li Xie.
Kahit na hindi pangalanan ni Li Xie ay alam na ni Yu Ying na siya ang tinutukoy nito dahil silang dalawa lamang ang tao sa lugar na iyon.
Naglakad si Yu Ying patungo kay Li Xie at nang makalapit ito ay kaagad itong nagtanong, "May alam ka bang maari kong liguan sa lugar na ito?"
Tumaas naman ang kilay ni Li Xie bago sumagot, "Mukha ba akong may-ari ng gubat na ito para tanungan mo?" pangbabara ni Li Xie.
Napangwi naman si Yu Ying dahil alam niya na babarahin muna siya ni Li Xie bago nito sabihin ang sagot sa kaniyang tanong.
"Sa gitna ng gubat na ito may lawa," sambit ni Li Xie at tumingin kay Yu Ying. "Iyon nga lang hindi madali na makapasok doon dahil sa tagabantay nito," dagdag niya.
Alam ni Yu Ying ang tinutukoy ni Li Xie ngunit ang pinagtataka niya ay paano niya nalaman na may lawa sa gitna ng gubat kung mayroong nagbabantay roon.
"Alam ko na may tagabantay roon pero bakit parang kabisado mo?"
Napakibit balikat lamang si Li Xei. "HIndi ko alam e. Basta ang alam ko ay nakausap ko lamang isang beses ang tagabantay at kung may masamang balak sa kaniya o kaniyang tinutuluyan ay doon siya umaatake," paliwanag naman ni Li Xie. "Pero kung wala ka namang ibang gustong gawin kundi ang maligo ay hindi naman ata niya iyon papansinin basta pag nasa border ka na magsabi ka," dagdag pa nito.
Hindi makapaniwala si Yu Ying sa kaniyang narinig at saka siya napaisip na kung gaano na ba katagal si Li Xie sa gubat at alam na ninya ang pasikot sikot. Kaagad naman na bumalik sa alaala niya ang nangyari noong gabi na nakita niyang nawala si Li Xie sa mismong harapan niya.
'Ah, siguro dahil lagi siyang umaalis kapag gabi,' pagkukumento ni Yu Ying sa kaniyang sarili.
Hindi na lamang ito pinansin pa ni Yu Ying at nagpunta na sa kung saan ang daan na tinuro ni Li Xie. Samantala si Li Xie naman ay bumalik sa kaniyang system upang doon na mag-almusal at mag-asikaso ng kaniyang sarili. Nagpalit siya ng damit na palagi niyang ginagamit pag nag-eensayo siya at saka siya nagsimulang gamitin ang mga teknolohiya na nasa kaniyang system.
Mayroong mga teknolohiya na normal lamang makikita sa mga gym, mayroon din naman na mas pina-advance pa. Mayroon din namang sanayan si Li Xie ng paggamit ng baril sa kaniyang system kaya naman sinulit na niyang ubusin ang kaniyang pagsasanay roon.
"Hmm?" Napatingin si Li Xie sa orasan. "Pabalik na si Yu Ying," kaagad na bigkas ni Li Xie nang maramdaman niya hindi kalayuan si Yu Ying. Kaagad siyang nagpalit ng damit at saka ito lumabas ng system. "Sht, wala man lang akong oras na maligo," inis naman na bulong niya sa kaniyang sarili.
Nang makita ni Li Xie si Yu Ying sa hindi kalayuan ay napakunot ang kaniyang noo.
'Akala ko ba maliligo ang isang ito bakit mukhang marumi pa rin?' takang tanong ni Li Xie sa kaniyang sarili.
Nang makalapit naman sa kaniya si Yu Ying ay kaagad na bumagsak ang ulo ni Yu Ying sa kanang balikat ni Li Xie.
"Ying? Anong problema?" takang tanong ni Li Xie.
Nang haplosin ni Li Xie ang likuran nin Yu Ying ay naramdaman nito na basa ito ngunit nang tignan niya ang kaniyang palad ay nanlaki naman ang mga mata ni Li Xie.
"Sht!" kaagad na bulalas ni Li Xie.
Wala nang nagawa pa si Li Xie kundi ang dalhil at ipasok si Yu Ying sa kaniyang system dahil naramdaman niya na maraming tao ang papalapit sa kinaroroonan nila ngayon. Kaagad naman din na pumasok si Li Xie sa loob ng kweba at nagmamadaling iilagay lahat ng bagay sa system at nang makita niya na wala nang proweba na may taong tumira roon ay kaagad din siya na pumasok sa kaniyang system.
Nang makita naman ni Li Xie na nakadilat ang mga mata ni Yu Ying at nagtatanong ito kung nasaan siya ay kaagad naman na lumapit si Li Xie.
"Huwag kang mag-alala nasa ligtas ka na lugar," sambit ni Li Xie at napatingin naman sa kaniya si Yu Ying. "Sabi mo maliligo ka lang bakit may mga dala kang bisita?" inis na tanong ni Li Xie. "Huwag mo nang alalahanin iyon, ako nang bahala. Isa pa this is my body and soul dimention kaya walang ibang tao rito kundi ikaw at ako lang. Rest, paggising mo okay na," pagpalubag ng loob ni Li Xie.
Nang makita naman niya na napapikit na si Yu Ying at natulog na ito ay kaagad naman na kumuha ng iba't ibang klaseng gamot si Li Xie at saka naman ito nag-umpisa na linisan ang mga malalaking sugat sa likod ni Yu Ying. Sa tingin pa lamang ni Li Xie ay halatang espada na ang nakatama rito.
Sa sobrang lalim ng sugat ng iba ay hindi na mabilang pa ni Li Xie kung ilang tahi ang nagawa niya at nang matapos siyang gamutin si Yu Ying ay kaagad siyang nakaramdaman ng pagod. Nasa hospital bed si Yu Ying nakahiga sa system ni Li Xie at dahil sa mga dugo na nasa higaan ay kailangan palitan ni Li Xie ang sapin ngunit hindi niya kayang buhatin si Yu Ying.
Sandali itong napaisip at saka sinabing, "Float."
Nag-ipon ang mga mana sa kamay ni Li Xie at saka naman niya inimahe sa kaniyang isipan ang paglalagay ng mana sa likuran ni Yu Ying at ang paglutang nito. Hindi na rin naman nagtagal ay nagtagumpay si Li Xie. HIndi niya sinubukan na masyadong mataas ang pagkakalutang ni Yu Ying dahil kung mawawalan siya ng kontrol ay siguradong mas malaking trabahi ito para kay Li Xie.
Nang mapalitan na ni Li Xie ang sapin ng hospital bed ay kaagad naman siya na kumuha ng hospital gown upang isuot kay Yu Ying. Hindi niya tinangka na alisin ang mga panloob nito at tangin ang kaniyang damit lamang sa labas na nabasa ng kaniyang dugo. Marumi naman ang panloob ni Yu Ying ay walang karapatan si Li Xie na pakialaman ito.
'Sht, why do I have to do this? Kung nandito lang sana si Li Muen e 'di hindi sana ako ang maghuhubad dito,' pag-aalala ni Li Xie kay Li Muen at saka ito bumuntong hininga.
Nang mapalitan na ni Li Xie ng damit si Yu Ying ay kaagad niyang inayos ang kaniyang mga gamit at saka siya nagsimulang gumawa ng gamot na gawa sa halamang gamot na nakuha niya sa gitna ng gubat. HIndi lang iyon binabantayan rin naman ni Li Xie ang IV drip ni Yu Ying kung maubos na.
Dalawang araw ang nakalipas at nagising na rin si Li Xie at sa oras na iyon ay naramdaman din niya na nakahinga siya nang maluwag. Sa oras na iyon siguruado na talaga si Li Xie sa kanyang nararamdaman dahil sa dalawang araw na hindi pa nagigising si Yu Ying ay puno siya ng takot, pangamba at pag-aalala.
"Oh, may balak ka pa palang imulat ang mga mata mo," kaagad na asar ni Li Muen.
Napalingon naman si Yu Ying sa parte kung saan niya narinig ang isang pamilyar na boses. Nakita niya na iba ang suot ni Li Xie. Nakasuot ito ng mahabang pambaba na kulay puti at kulay puti rin ang pangtaas. Mayroon pa siyang coat na suot na kulay puti rin at mahaba ang manggas.
"Ano, hindi ka na naman ba magsasalita?" tanong ni Li Xie at naglakad ito papalapit sa kaniya.
"Asan tayo?" kaagad na tanong niya at akma nang tatayo.
"Sige, subukan mong tumayo," inis na sambit ni Li Xie. Maiinis pa sana si Yu Ying ngunit kaagad naman na nagbago ang kaniyang itsura nang makita niya ang emosyon sa mukha ni Li Xie. "Sabi mo maliligo ka lang bakit bumalik ka ng may kasama? Paano kung wala akong dimension system e 'di patay na tayo." Tumulo ang mga luha ni Li Xie.
Hindi naman kaagad nakapagsalita si Yu Ying dahil sa gulat. Samantala, ito naman ang unang pagkakataon sa buong buhay ni Li Xie na natakot siya sa mga maaring mangyari. Hindi niya akalain na darating na rin pala sa buhay niya na matatakot siyang mamatay, hindi gaya ng dati.
"Xie..."
"Ano? Pagkatapos mo akong pag-alalahanin ng sobra banggit lang ng pangalan ko magagawa mo?" inis na sabi ni Li Xie at mahinang hinampas ang kamay ni Yu Ying.
Nang makabawi naman si Yu Ying sa gulat dahil sa naging reaksyon ni Li Xie ay kaagad naman itong napangiti. Hindi lang iyon, hinawakan din niya ang kamay ni Li Xie.
"Ipagpa-umanhin," kaagad na sabi ni Yu Ying at kahit na hirap sa pagsasalita ay pinilit pa rin niya na magpaliwanag. "Gusto ko sanang lumayo nang makita ko sila ngunit kapag nalaman nila na naroon ako ay malalaman din nila na may kasama ako. Natakot ako na baka madamay ka kaya naman pinilit ko na kalabanin sila."
"Baliw ka ba? Bakit hindi ka kaagad bumalik sa kweba? Anong akala mo sa akin mahina?"
Umiling naman nang mahina si Yu Ying. "Hindi kita tiningnan bilang mahinang babae," kaagad na sambit nito.
Napakagat na lamang ng labi si Li Xie at saka huminga nang malalim dahil pinilit niyang kumalma. Wala siyang mapapala kahit na magwala pa siya dahil sa nangyarii kay Yu Ying. Isa pa, alam ni Li Xie na wala silang lebel para mag-alala siya ng todo.
'Hindi naman niya ako girlfriend bakit ganito ako maka-react?'
_
Nang maisip iyon ni Li Xie ay may kung anong kirot siyang naramdaman sa kaniyang dibdib. Hindi lang iyon, nang maisip rin niya na magkakaroon ng iba si Yu Ying at hindi siya nito mamahalin ay parang gusto niyang pumatay.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Yu Ying.
"Mukha ba akong okay?" inis na bweltahe ni Li Xie at saka siya tumayo ng maayos. "Hindi pa sila umaalis sa kweba kaya naman hindi pa tayo makakalabas dito." Naglakad papalayo si Li Xie kay Yu Ying at nagbukas ng isang cabinet at saka bumalik kay Yu Ying.
Inasikaso ni Li Xie si Yu Ying nang maayos at saka niya ginamit ang acupuncture upang mas lalong mapabilis ang paggaling ni Yu Ying. Naglagay rin naman siya ng kaunting mahika sa mga gamot na ginagawa niya at hindi man niya alam kung gagana ito o hindi ay malalaman niya kapag nainom na ni Yu Ying.